Chapter 15

4 1 0
                                    


CHAPTER 15

*Errors ahead*

This day earlier...

"Jonathan..." Umupo si ate Mayda sa tabi ng kama ko habang ako ay naghahanda na para pumasok. Alas-cuatro palang ng umaga pero nakabihis na ako.

"Ano po iyon?" Tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok. Napabuntong hininga si ate at malumanay na tumigin sa akin.

"Jonathan lumaban ka. Masaya ako kasi nakakaya mo pa ding gumising kada araw kahit na lagi ka nilang pinapagalitan at sinasaktan." Mangiyak-ngiyak na sabi ni ate. Napatigil ako sa aking ginagawa at humarap sa kaniya. Nangingilid ang kaniyang mga luha at parang sumisigaw ang mga titig nito.

"Pagpasensyahan mo na ang ate kung di ka napapagtanggol." Tumayo si ate at lumapit sa akin. Wala akong masabi, natameme ako sa sinabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit." Jonathan, aalis na kami ni kuya Rogger mo. Lilipat na kami ng bahay sa susunod na buwan." Malungkot na balita ni ate mayda sa akin. Napaiyak ako sa nalaman at agad na niyakap siyang muli.

"Ate 'wag mo ko iwan!" Pagmamakaawa ko.

"Huwag kang mag-alala bibisita at magkikita pa din tayo." Nakangising saad ni ate mayda. Nagawa parin niyang ngumisi kahit na umiiyak siya.

"Basta ipangako mo sa akin jonathan. Lumaban ka." Huminga ng malalim si ate mayda at binigyan ako ng halik sa noo. Gumapang sa katawan ko kuryente ng pagmamahal nang isang kapamilya. Kahit na nabawasan kami ng miyembro sa bahay, di nababawasan ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.

"Mahal kita, ate." Bulong ko sa kaniya habang humagolhol na sa pag-iyak.

"Mahal din kita, jonathan."











<><><>

"Uhh..kasi para sa roleplay! Diba ako si adolfo? So eto ang rosas milady." Saad niya t binigay ang rosas.

"Hindi nag-eenglish si Adolfo at lalon hindi ko tatanggapin yang bulaklak mo kasi ikaw ang antagonist sa kwento!" Tumayo ako at tinarayan siya. Wag moko lapitan betch! Naglakad ako papunta sa labas. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, wala na doon sila Iben at Olivia.

Wala pang tatlong hakbang nang biglang kinalabit ako ni Ralph. Iritable ko siyang hinarap kasabay ng pagrolyo ng mga mata ko.

"Ano ba!" Giit ko. Ngumiti siya at pinakita ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Ewan ko pero biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Normal lang to!

"Turuan mo nga ako mag-acting." Saad niya. Kumunot ang noo ko. Ano ba talaga ang amats ng lalaking to? Lakas ng tama e. Matapos niya ako muntikang gahasain, ngayon lalapit siya para turuan ko siya mag-acting? E kung ipasubo ko yang rosas niyang itim nang matauhan.

"Ewan ko sayo." Tinarayan ko siya at bumalik muli sa loob. Umalis na din siya at pumunta na sa kaniyang classroom. Mukhang wala na din siyang magagawa kasi ayaw ko e.

Umupo ako at kinuha ang script. Hays! Napapabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod. Medyo pagod at may pasa ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Di din ako makatulog ng maayos due to anxiety.

Nasa ikalawang scene na ako ng script ng biglang may taong kumalabit sa gilid ko. Lumingon ako dito at nakita ko si Venus. Isa siya sa mga kaklase namin at boyfriend niya si Hiro Malvar isa sa mga kilalang gwapo at kaibigan ni Iben sa room.

Beating HeartWhere stories live. Discover now