Chapter 7

19 3 1
                                    

CHAPTER 7

Biyernes

I was answering te work sheet ma'am Miranda gave us. Siya ang math teacher namin at ang ikalawang subject sa umaga.

Dalawang araw na ang lumipas mula nung makita ko silang dalawa ni Olivia na magkasama. Sa dalawang araw na 'yun natuto akong tumanggap na hanggang panaginip ko lang 'yung happy ending na inaasam ko.

Ngunit sa dalawang araw na 'yun nararamdaman ko parin ang inggit, di dahil sa sila na kundi dahil sa katotohanang 'di ako babae. Kahit pa sabihin nating maging kami, di ko parin mabibigay ang ginugusto ni Iben. Ang magkaroon ng anak, ng pamilya, ng mapayapang buhay at higit sa lahat- ang bulaklak sa pagitan ng mga hita ng mga babae.

Nasa ikatlong set of problems na ako nang marinig ko ang announcement sa faculty.

"Announcement! The voting results are here, the new campus MSSG President is....."

Napatigil ang lahat at inintay ang sasabihin nung announcer. Napatigil rin si Iben at parang iniintay ang anunsyo ng voting results. Nakikita ko ang saya sa mukha niya at sabik na sabik na malaman ang resulta.

"Camille Salvation!"

Napawi lahat ng saya ng mapag-alaman na di siya ang nanalo. Matapos nun sumunod na in-announce ang iba pang nanalo. Sumunod na in-announce ang vice president and so on.

Tingnan ko si Iben na sinasagutan ang answer sheet niya. Nakikita ko sa mukha niya ang disappointment, siguro di siya maka get over sa nangyari. Sino ba namang di magugustuhan kung ganon nalang ang nangyari diba? Malaking kahihiyan 'yun sa part niya.

"O-okay ka lang?" Paniniguro ko sa ka niya. Nasa gitna na ako ng solusyon at malapit ko nang matapos ang whole sheet. Di siya umimik tanging tango lang sagot niya. Tinantanan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagsagot sa problem hanggang sa natapos ko na.

Ipinasa ko na kay Maam Miranda na nakaupo sa kaniyang silya sa harap. Natapos na ang halos buong klase sa pagsagot ngunit si iben ay hindi pa pinapasa ang papel.

Lumapit ako sa kaniya." Ayos ka lang? Allergies?" Nag-aalala kong tanong. Baka kasi nanahimik lang siya, 'yun pala inaataki na ng sakit. Umiling siya at muling tumingin sa papel na sinasagutan. Tinapik ko siyang muli sa likod at umalis para sundan si Chenie na nasa Canteen. Pagkatapos kasi ng quiz eh pwede ng mag-recces.

Naglakad ako patungo sa canteen, upang puntahan sina Chenie at bumili narin ng makakain kasi nakakagutom ang magsolve sa math. Kaya ang isa sa mga solusyon upang maiwasan ang hungry tummy ay ang kumain.

Sa aking paglalakad patungo canteen. Nagulat ako nang may humila sa aking braso patungo sa isang silid. Di ko nakita kung sino ang taong 'yun pero isa lang ang sigurado ako, isa 'yung lalaki. Ipinasok niya ako sa isang maduming silid. Puno iyon ng mga upuan na ginamit pa sa voting nung nakaraan. Dito ata ang stock room. Malawak at madaming gamit-mostly upuan.

Galit akong napatingin sa lalaking humila sa akin. Nakatalikod siya at sinirado ang pintuan. Unti-unti kong nakilala ang lalaking tumulak sa akin dito sa loob.

Pulang mga buhok, itim na mga mata, pula't maninipis na mga labi, malapad na balikat, at masculinong mga kurbada.

Si Ralph!

Di ko siya nakita nang dalawang araw dito sa school, magmula nung naglaro siya sa ulan. Yun lang yung last encounter ko sa kaniya. Tapos ngayon manghihila nalang siya bigla-bigla. Inilukot ko ang mga kamao ko at pinipigilan ko ang aking sarili sa galit.

"We need to talk?" Bakas sa mga salita niya ang pangba-badtrip. Inilayo ko sa kaniya ang tingin at akmang aalis ng hilahin niya muli ang braso ko at pwersahang pinaharap sa kaniya." I said we need to talk!" Tumaas ang boses niya pero di parin nawawala ang pangba-badtrip niya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na nanggo-good time si Unggoy!

Beating HeartWhere stories live. Discover now