Chapter 6

700 58 1
                                    

"LASING na si Sir Vince, Mateo. Huwag mo na siguro siyang ibalik sa Barangay Hall. Mas mabuting dito na lang iyan matulog." Alalang sabi ng kanyang ina.

Sa huli, sa kwarto ni Mario natulog si Vince. Samantalang ang pinsan niya ay doon natulog sa kubo sa likod ng kanilang bahay.

"Anak baka pwedeng palitan mo ang damit ni Sir Vince. Kumuha ka ng extrang T-shirt ng tatay mo sa kabinet. Pero bago iyan, punasan mo siya ng maaligamgam na tubig."

"B-bakit ako, Nay?"

Delikado! Baka ma rape ko siya ng wala sa oras!

"Medyo may lagnat ako. Mahirap na baka mahawaan ko siya. Pero," mas lalong lumapit sa kanya ang nanay niya, "hold yurselp anak ha. Baka kasi mapukaw ang kamanyakan mo—"

"Nay!"

Humalakhak ang nanay niya. Ngumuso ang kanyang bibig sa kaisipang masisilayan niya ang matigas nitong abs. Pero kung may chansa, talagang hahawakan niya ito kahit limang minutos lang. At yung lips...

No!

No!

Cannot be!

Barrow one!

"Hoy, Martha! Bakit namumula ang mukha mo?! Huwag mong sabihin na—"

"Hindi ko siya pinagnanasaan!"

Tumaas ang kilay ng Nanay niya, "May sinabi ba ako?"

"Pero iyon naman talaga ang sasabihin mo, Nay." Akusa niya sa nanay niya.

"O siya, o siya! Bilisan mo na. Pero huwag na huwag mong halayin ang bisita natin, Martha. Kung hindi—"

"Nay naman! Hindi ako manyakis!"

Slight lang!

Kumuha siya ng damit ng tatay niya sa kabinet. Bumalik siya sa silid kung saan nakahiga ang lalaki. Sinimulan na niyang kalasin ang damit ng lalaki.

Dahan-dahan.

Dapat namnamin.

Paibaba.

At dahan-dahang buksan.

Naamoy ko na!

Yummylicious!!

"Stop."

"Ha?"

Nakatitig sa kanya ang lalaki habang hawak nito ang kamay niya na nasa botones. Sinalubong niya ang titig nito at wala sa oras na napalagok ng sarili niyang laway.

Bakit nakakaakit siya?!

Namungay ang mga mata ni Vince dahil sa kalasingan nito. At hindi niya maiwasang mapatitig sa mapula nitong bibig. At nakita niya ang paglunok nito.

"B-bibihisan lang kita kasi...ano.."

"Why are you so beautiful?"

Byutipol daw ako! Pwede na ba akong mangisay sa kilig?

"Come closer."

"H-ha?"

"Lumapit ka dito."

"Ayoko.." sabay iling niya.

Oo, medyo malandi at green-minded siya. Pero wala sa bukabolaryo na pumatol sa laro ng lasing. She won't take advantage to a drunk person. Not ever!

Pero wala siyang nagawa nang hilahin siya ng lalaki. Wala sa oras na napayakap sa lalaki. Buti na lang at hindi pa naubos buksan ang mga butones kaya hindi lantad ang malapad nitong dibdib. Pero kahit ganoon, hindi hadlang ang damit para maramdaman niya ang init ng katawan nito.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon