Chapter 15

639 40 1
                                    

SINO siya? Bakit kilala niya ako?

Nasa loob na sila ng private room ng kompanya pero hindi pa rin nawawala sa isipan ni Martha ang katanungang iyon. Ang USB na dapat niyang kukunin ay hindi niya na naalala pa nang dalhin siya ni Clyde sa private room. Lahat ng pamilya ni Clyde ay naroroon. Gusto niya sanang umalis dahil hindi naman siya kasali sa pampamilyang usapan ngunit pinigilan siya ni Clyde. At isa pa, mabait ang pamilya ni Clyde pero tulad ng sinabi sa kanya, wala ang Papa at Mama nito dahil nasa Maldives.

Napasiksik siya kay Clyde dahil tingin ng tingin sa kanya ang lalaki na tumawag sa kanya kanina. Marahil ay kilala siya nito pero hindi siya pamilyar dito. Siguro ay magkakilala sila na hindi niya natandaan kung kailan o saan. Pero ang hindi niya maintindihan ay medyo mabigat ang pakiramdam niya dito. At kahit mapungay ang mga mata ng lalaki, nakikita niya na malungkot ito.

"Thank you for coming here everyone. I'm sorry for disturbing you all from your works but I really need your presence right now." Pagsisimula ni Sir Pionelo. "I would like to say—"

Bumukas ang pinto.

"Diyos ko! Siya na ba ang apo ko?! Siya na ba ang anak ni Vincio?!" Nahahapong saad ni Madam Veronica na lola ni Clyde.

Lumapit si Madam sa lalaki. Umiiyak itong hinaplos ang mukha at saka niyakap ng mahigpit. "Ang tagal-tagal na naming hinahanap kayo, apo. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung nalalayo kayo sa amin noon dahil pinalayas ko ang ama mo. Patawad apo.." Naiiyak niyang saad.

Niyakap ng pabalik ng lalaki ang matanda, "Okay na iyon, lola. Ang importante nandito na ako. And I'm sure, Papa is really happy right now."

Tumikhim si Sir Pionelo bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Everyone, please meet Vincio's son, Vince Claude Da Vinci." Bumaling si Sir Pionelo sa lalaki, "Welcome to our family, hijo." At at mahinang tinapik ito sa balikat.

Hinalikan ulit ni Madam Veronica si Vince bago lumayo dito. Lumapit si Clyde sa lalaki, "Hey couz, welcome to our family." At saka nakipagkamayan dito. "Anyways, I'm Clyde Verxes Pionelo."

"Thank you. I'm Vince Claude Da Vinci."

Vince Claude Da Vinci?

Bakit masakit? Bakit ganoon kasakit sa dibdib ang pangalan niya? Sino nga ba siya?

"Martha.." sambit ni Vince nang magtagpo ang kanilang paningin.

Kilala niya nga ako! Pero kailan kami nagkakilala?

"Kilala mo ang girlfriend ko?" Takang tanong ni Clyde.

"Y-yeah. She's a friend of mine...before."

"Talaga?" Bumaling si Clyde kay Martha, "Do you remember him, babe? Magkaibigan daw kayo noon."

Nasa mga mata ni Vince ang pag-asa na kilala siya nito pero wala talagang may natandaan si Martha. Sigurado siya na hindi siya nagkaroon ng amnesia. Mas lalong hindi niya natandaan na nabagok ang ulo niya para makalimot ng ibang bagay o mga taong naging bahagi ng kanyang buhay noon.

"I-I'm sorry pero..hindi ko siya natatandaan." Awkward niyang saad. Hinawakan siya ni Vince sa kamay at pinisil ito.

Napatingin si Vince sa magkahugpong nilang kamay at napangiti ng mapait. Nasasaktan siya sa kanyang nakikita at narinig mula sa babae. Masakit pala. Masakit ang harap-harapang sinasabi na hindi ka na natatandaan ng taong minsang nakilala at nakasama mo. At mas lalong masakit na ang babaeng minsan mong pag-aari ay pag-aari na ng iba.

Tumingin si Vince kay Clyde, "Is she your girlfriend?"

"Yes, she's my girlfriend and soon to be my wife." Saka dinala ang kamay ni Martha sa labi upang hagkan ito.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon