Chapter 10

662 54 0
                                    

MASAYA ang lahat. Bawat tao sa loob ng party house ay mayroong mundo. Pansamantalang lumayo si Martha sa grupo nina Vince dahil naaout of place siya. Pinili niyang umupo sa bar counter at doon tinikman ang iba't ibang alak. Free naman kaya walwal na this. Pero hindi siya sanay sa alak kaya lang masarap rin pala. Tanduay at San Mig lang ang nasubukan niya kaya ni-grab na niya ang oportuninad na subukan ang mga mamahaling alak.

Tumingin siya sa gawi nina Vince. Masaya itong nag-uusap sa mga kaibigan. Pero nangunot ang noo niya nang makita niya ang babaeng nakapula ng dress. Lumapit ito kay Vince at umupo sa tabi nito. Malamlam na ang mga mata ni Vince dulot ng alak. Medyo lasing na yata ito. Ang akala niya ay hindi papansinin ni Vince ang babae pero nagkamali siya. Mukhang close ang dalawa at nagbubulungan pa.

Napakuyom ng kamao si Martha. Hindi niya maitatanggi na nagseselos siya. Handa na siya sanang lumapit dito pero agad na tumayo si Vince. Nagkatitigan silang dalawa habang papalapit ang lalaki sa kanya. Naiinis siya dito pero hindi niya naman mapigilang humanga sa kakisigan ng lalaki.

"Bakit lukot ang mukha ng baby ko?"
Tanong sa kanya ni Vince.

Lasing na nga yata ito. Sinimangutan niya ang lalaki at hindi napigilang sulyapan ang babaeng tumabi kanina kay Vince.

"Wala kang dapat pagseselosan kay Magda."

"So, Magda pala ang pangalan niya?"
May pang-uuyam na tinig.

"We're just friends. And please, stop drinking, Martha. Hindi ka sanay malasing." Saway ng lalaki.

Umirap lang siya dito sabay hawak ng baso na may alak. Pero mabilis si Vince kaya napigilan siya nito.

Lumapit sa kanila si Liam, "Dude, nandiyan si Kyros. Hinahanap ka niya."

Matalim parin ang titig ni Vince sa kanya pero tinaasan niya lang ng kilay. Huminga ng malalim ang lalaki at saka nagsalita, "Saglit lang ako, Martha. Pagbalik ko uuwi na tayo kaya tigilan mo na ang pag-inom."

Tumango lang siya para umalis na si Vince. Pero wala siyang balak na tumigil sa pag-iinom. Minsan lang naman siya malasing kay lulubusin na niya.

Tumayo siya dala ang baso na may alak. Maglilibot siya upang hindi siya madaling malasing. Lakad lang siya ng lakad hanggang makita niya sa madilim na parte ng party house ang babaeng tumabi kanina kay Vince. Napatigil siya sa di kalayuan at tinitigan ito. Kakaiba ang babae dahil mukhang may inuusal to na mag-isa.
Lumapit pa siya rito pero sinisigurado niya na hindi siya makikita ng babae.

"Esteo esta..hasiko eremreseo..hinde ug yani leste werte ku..yuwi ka eztembos ushua...."

Anong klaseng lenguwahe ang sinasabi nito? Nagriritwal ba ito ng mag-isa?

Kakaiba nga ito. Inobserbahan niya pa ang babae at mukhang nakatingin ito sa kabilang banda. Sinundan niya ng tingin at nakita niyang nakatitig ito sa babaeng naka yellow at sumasayaw.

"Esteo esta.. yuwi ka eztembos..yuwi ka eztembos ushua!"

Kasabay ng pagtapos ng pag-usal nito ay agad nagsuka ang babaeng nakayellow. Shet! Itim ang ang iniluwa nito! Nagulat ang mga taong nakapaligid sa babaeng nagsuka. Bumalik ang tingin niya sa babaeng kontrabida. Nakangiti na ito ng parang demonyo sabay tumalikod. Oh my gosh! What does it mean? Hindi iyon natural na kaganapan lang kundi..parang pang jablo ang dating.

Hindi kinaya ni Martha ang kaganapan. Bumalik siya bar counter at humingi ng alak. Shet! Nakakatakot at nakakatindig balahibo ang kanyang nasaksihan. Nang maibigay ng lalaki ang alak, agad niya itong tinungga.

Anong klaseng babae siya?! Mangkukulam ba siya? O isang mambabarang?

Sa mga pelikula niya lang nakikita ang mga ganoong klaseng tao at hindi niya inasahan na masaksihan niya ito sa totoong buhay. Pero ang tanong, alam ba ito ni Vince?!

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon