Chapter 13

628 45 2
                                    

"PLEASE, fix yourself, Martha.." Pilit lumalapit ang lalaki kay Martha para takpan ang buo niyang katawan ng roba.

Fix yourself daw eh namumukol naman yung bandera niya!

"Mahal kita, langga. Hindi ko gagawin ang bagay na hindi mo gugustuhin. Ayokong saktan ka.."

Hah! Hindi siya sasaktan? Kung ayaw siyang saktan, bakit ganoon? Mahal na niya eh. Hindi naman mahirap mahalin si Vince pero hindi siya makapaniwalang magawa sa kanya iyon.

"Nasaktan mo na ako eh!" Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo pa kailangang gawin iyon kung gusto mo lang naman makipagsex sa akin—"

"Wala akong balak na ganoon, Martha!" Frustrated na sigaw ni Vince.

"Eh ano yun?! Ano yung inilagay mo sa wine ko!"

Tumigas ang mukha ng lalaki. Galit na yata ito pero bakit naman siya magagalit? Unti-unting lumapit sa kanya si Vince bitbit ang roba na kinuha nito sa sahig. Habang papalit ito, umaatras si Martha dahil nakaramdam siya ng takot dito. Mas lalo siyang nanginig plus the fact na bukas ang aircon.

"You want to know the truth?" Palapit ng palapit ito, "You really want to know the truth,  Martha?" Diing tanong ni Vince.

Napalunok si Martha. At dahil sa kakaatras niya, napasandig siya sa pinto ng walk-in-closet. Wala na. Trap na siya kaya wala na siyang kawala pa.
Nang makalapit sa kanya ang lalaki, nakita niyang may kinuha ito sa bulsa. Nanlaki ang mata niya nang makita ang bote. Alam niya ang bote na iyon!

Kinabahan si Martha, "A-ano 'yan?"

Ngumiti si Vince. Hindi ngiting nakakakilig kundi ngiting malademonyo. Bigla ay hindi niya na ito nakilala. Para itong demonyong ngumingisi sa kanya.

"Ano ba!" Kinaladkad siya ni Vince patungo sa kama. "Bitawan mo ako!"

"Sit! And wear that robe!"

Umupo siya at dali daling itinakip ang hubad niyang katawan ng isang roba.

"I have a story to tell. So you better to listen if you want to know the truth!"

"Paano gamitin ang mga iyan, Magda?"

Bungad niya sa kaibigan nang bumalik sa silid si Martha dala ang dalawang bote ng dugo ng katotohanan. Binigay niya ang pulang bote, "Ito? Well, ilagay mo lang iyan sa inumin niya. Isang patak lang, epektibo na kaya problem solve. Ang problema lang, kung hindi niya iinumin so you better make her drink it. Tapos mawawalan siya ng malay ng ilang segundo kung talagang magtagumpay ka na mapainom mo iyan. And ask anything to her and she will tell you the whole truth."

Pagkatapos ay ibinigay niya naman ang asul na bote, "And this? Hindi siya ang dapat na iinom kundi ikaw, Vince. You will only do that kung magiging palpak ang una mong hakbang – ang mapainom siya."

"What?"

"You heard me? Ikaw ang iinom. After 3 seconds, eepekto iyan at kailangan mong halikan siya. Your kiss has a power to make her speak and tell the truth. Amazing right?" And she winked.

"A-ano ang kapalit nito?"

"Sa sandaling umepekto ang isa sa mga iyan, ang dugo ng katotohanan mismo ang magdedesisyon kung ano magiging kapalit. I'm sorry, Vince pero wala akong ideya kung ano ang maaaring kapalit pagkatapos mong magawa ang lahat."

Tumingin sa kanya ang babae, "Pero nasisigurado akong masasaktan mo siya, Vince."

Huminga siya ng malalim. Tama si Magda na maaari niyang masaktan si Martha pero ito na lang ang kaya niyang gawin para matapos na ang paghahanap kay Mario Sieraullo De Macaya. At sigurado siyang matutuwa ang kanyang ama na nasa langit kung magatatagumpay siya sa misyon niya.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon