Chapter 8

650 55 0
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw. At sa bawat araw na nanliligaw si Vince kay Martha, mas lalo siyang nahuhulog kahit ano pa karami ang paalala niya sa kanyang sarili. Malakas ang hatak aa kanya ng lalaki at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Hulog na hulog siya at kahit si Mario ay walang magagawa sa pag-ibig na kanyang nararamdaman kay Vince.

Oo, kailangan niyang mag-ingat.

Oo, kailangan niyang protektahan ang kanyang sarili.

Oo, kailangan niyang pigilan ang kajyang nararamdaman.

Pero paano kung sa kay Vince niya lang nararamdaman ang tunay na pag-ibig na kanyang inaasam mula noon?

Paano kung si Vince lang ang kayang magpakilig sa kanya araw-araw?

Lahat sa lista na kanyang isinulat ay si Vince lang ang kayang gumawa. Chokolate? Bulaklak? Teddy bear? Aklat? Lahat ng iyon ay naibigay na ng lalaki sa kanya. Para kay Martha, si Vince na ang perfect man na kanyang hinahanap kahit na..kahit na mapanganib.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Tumingin sa kanya ang lalaki. Bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay at dinala sa labi upang halikan. Nasa loob sila ng kotse ng lalaki. Ayon dito ay may pupuntahan silang importanteng lugar pero hindi nito sinabi ang ang eksaktong lokasyon. Kinakabahan siya pero masaya rin dahil kasama niya si Vince.

"Basta." Maikling tugon ng lalaki.

Napasimangot siya, "Siguraduhin mo lang na hindi ito kidnap ha. Kung hindi ay ipapahabol kita sa itak ni Tatay."

Napangising bumaling ang lalaki sa kanya, "Hindi kita kikidnapin. Itatanan lang." Sabay kindat dito.

Hahampasin niya sana ang lalaki pero naalala niyang nagmamaneho ito. Kaya ang ginawa na lang niya ay hinila ang tainga nito. "Aray! Masakit, babe!" Reklamo ng lalaki dahil sa sakit.

"Huwag mo akong ma babe-babe diyan! Hindi pa kita sinasagot!"

Biglang inihinto ni Vince ang sasakyan. Napabitaw siya dito at tinaasan ng kilay. At bakit huminto ito? Teka, Jusko! Nasa gitna sila ng karsada at posibleng maging sanhi sila ng trapiko kung hindi sila aalis agad.

"Hoy! Bakit mo inihinto?"

Lumapit ang lalaki sa kanya. Seryoso itong nakatingin kaya kinabahan siya. Nakita niya ang paglunok ng lalaki habang nakatingin sa kanyang mga mata hanggang sa kanyang labi. Syet! Hahalikan ba siya nito? Wala sa oras na napasandal siya at napakapit ng mariin sa seatbelt.

"Kailan mo ba sasagutin?"

Kailan nga ba?

"H-hindi ko alam..."

"I need an assurance, Martha. Ayokong umasa sa wala."

Medyo nadismaya si Martha sa sinabi ni Vince. Kailangan ba na kapag nanligaw ang isang lalaki, siguradong sasagutin ang panliligaw nito? Hindi naman lahat ng lalaki na nanliligaw deserve ang OO unless otherwise, seryoso nga ito. May naisip si Martha. Kung talagang seryoso sa kanya ang lalaki, kahit ano pa ang pambabasted niya, magpapatuloy pa rin ito.

"Okay.."

"Okay? What do you mean? Sinasagot mo na ba ako?"

"Hindi. Ibig kong sabihin binabasted na kita."

Nanlumo ang lalaki sa kanyang sagot. Siguro hindi nito inasahan ang sagot niya. Mataas rin ang confidence ng lolo na sagutin agad siya. Siyempre kailangan niya munang e-test ito kung after niya itong mabasted, magpapatuloy pa ito o hindi. Kapal ng feslak ni donya Martha para magpahabol sa isang gwapitong agrikulturista!

Pinaandar ulit ni Vince ang kotse. Parang naging akward na atmosphere. Kung pwede lang, mas gugustuhin na lang ni Martha na pigilan ang paghinga niya. Nag U-turn ang lalaki. Hala! Baka iuuwi na lang siya nito dahil binasted niya. Nalungkot siya bigla dahil mukhang hindi na sila pupunta sa lugar na sinasabi ng lalaki. Baka malaking sorpresa pa iyon sa kanya. Pero ngayon imposible na.

"Iuuwi mo ba ako?" Taas noo niyang tanong sa lalaki.

Wala. Wala siyang may natanggap na sagot sa lalaki. Galit yata ito. Hindi matanggap ang pambabasted niya. O baka naman first time mabasted kaya down na down ito. Tuloy ay parang nagsisi siya na ngayon niya pa binasted ito.

Nagtaka siya kung saan siya dinala ng lalaki. Oh myself! Bigla ay napayakap siya sa kanyang sarili. Napapikit siya ng mariin sa kaisipang.... oh no! Huwag naman sana. Napadilat siya ng mata pero hindi niya maatim ang daang tinatahak nila. Bakit dito? Anong balak niya para dalhin niya ako dito sa sementeryo?

Oo, sa sementeryo nga siya dinala ng lalaki!

Napakagat-labi siya. Nagsimula nang manginig ang kanyang mga tuhod. Anong balak ng lalaki upang dalhin siya dito? Mas gugustuhin na lang niya na magpa-rape kaysa sa ilibing siya ng buhay!

"Vince..."

"Baba."

Naunang bumaba ang lalaki. Naghihintay sa kanya sa Vince sa labas na bumaba siya pero wala siyang balak na sumunod dito. Nag-isip siya kung paano niya ito takasan. Luminga-linga siya sa labas kung saan siya dadaan kung sakaling bababa siya.

Napakislot siya nang kumatok mula sa labas si Vince, "Martha bumaba kana."

Umiling siya. Mas lalo niyang hinawakan ang lock para hindi ito bumukas.

"Get off the car, Martha."

"Ayoko!"

"Huwag mo akong hintayin na kaladkarin ka pababa diyan."

Walang siyang choice kundi bumaba siya. Agad niyang nasilayan ang ngisi ng lalaki na mukhang naaliw ito sa kanya. Napayuko siya at napaluha.

"Hey, why are you crying?"

"Huwag please..."

"What?"

"Huwag mo naman akong ilibing na buhay. Kung galit ka, huwag mo naman akong patayi—"

Automatic na huminto ang pagdaloy ng kanyang luhs nang makita niya ang paghalakhak ng lalaki. Kung makahalakhak naman kasi ito ay parang mabubuhay ang mga patay. Wala sa oras na hinampas niya ito.

"My goodness, Martha! Iniisip mo na ililibing kita rito?"

Napaingos siya. Sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip ng ganoong bagay. Malay ba niya na ganoon kabrutal si Vince dahil sa pambabasted na ginawa niya.

"Eh anong ginagawa natin dito? Of all places, bakit dito sa sementeryo?"

"Come with me then."

Malamig ang lugar dulot ng nagsasayawang kahoy. Tahimik pero malungot ang ambiance. Nagpatuloy pa sila sa paglalakad hanggang marating nila ang dulo ng sementeryo. May dalawang puntod sa loob ng maliit na bahay. Mula sa bulsa ng lalaki, kinuha nito ang susi upang buksan ang maliit na bahay kung saan nakahimlay ang dalawang puntod.

"Meet my parents."

Nabalot ng lungkot ang kanyang puso. Hindi niya akalain na wala na palang pamilya si Vince. Hindi halata na malungkot ito siguro ay naka-move on na sa pang-iiwan sa kanya ng magulang niya. Mas lalo siyang nakonsensiya dahil kani-kanina lang ay binasted niya ito.

"H-hello po." Parang feel niya na batiin ang mga ito.

"Namatay sila five years ago dahil sa car accident."

"O-oh, I'm sorry."

"You don't have to." Lumapit si Vince sa dalawang puntod. "Mama, Papa, this is Martha Delucia, ang kauna-unahang bumasted sa akin."

Ayan! Ang galing talaga ng loko na mangonsensya. Wala naman talaga kasi siyang balak na bastedin ito kaya lang naiinis siya sinabi ng lalaki kanina. Kaya gusto niya itong subukan.

Lumapit sa kanya ang lalaki, "Pero kahit ilang ulit niya akong babastedin, manliligaw pa rin ako sa kanya, Ma, Pa. So, please help me to get her sweetest YES." Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kanya. Hinawakan nito ang kayang mukhang aton tinitigan sa mga mata. Pagkaraan ay yumuko ito upang halikan sa...

NOO.

Aishh! Bakit hindi na lang sa lips?!

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon