Chapter 20

689 16 3
                                    

"LANGGA, saan mo ba ako dadalhin? Yung tsinelas ko doon naiwan. Nakakakiliti pa naman sa paa yung buhangin." Maktol ni Martha.

Nakapiring si Martha habang inaalalayan siya ni Vince papunta sa kung saan. Wala siyang ideya dahil isang surpresa daw ito sa kaya. Ang weird ni Vince ngayong araw dahil minu't minuto ay binubulungan siya nito ng I love you. Tinatanong niya kung may problema ba pero sinasagot lang siya nito na, Let's just be happy. Forget everything for now, Langga. Only you and me...just savor this beautiful moment. Moment to be treasured. Hindi alam ni Martha kung bakit ganito umasta ang lalaki ngayong araw pero dama niya na malungkot ito at nalulungkot din siya.

"Kunting tiis na lang, langga malapit na tayo."

"Hoy, ha! Siguraduhin mo na masusurpresa ako nito." Tumawa lang si Vince sa sinabi niya.

"Hala! Bakit nababasa na yong paa ko? May balak ka bang lunurin ako?!"

"Relax, langga." Napatili si Martha nang buhatin siya ni Vince na pang bridal style. Parang naglalakad ito paitaas. Sigurado siya na nasa dagat silang dalawa. Sa natatandaan niya, wala namang hagdan sa tuwing sumasampa sila bangka.

Ilang minuto ay ibinaba na siya ni Vince sabay kuha ng piring. Sa una, madilim ang kanyang paningin pero nang makaadjust na, napaawang ang bibig niya. Halos di siya makapaniwala kung nasaan silang dalawa. Agad siyang napatingin sa lalaki at may ngiti ito sa labi. Masaya naman ito pero bakit may lungkot sa mata?

"Surprise!" Wika ni Vince. "Happy 19th day here, langga."

Hindi pa rin siya nakaimik. Sino ba naman kasi ang hindi masurpresa kung dadalhin ka sa isang magarang na yate? Bakit may yate dito? Ilang araw na silang naninirahan dito sa baybayin pero wala siyang nakitang yate?

"Hala? Bakit may yate ka?"

"Seriously, Martha? Sa lahat lahat na puwede mong itanong, iyan talaga? Have you forgotten who I am, langga?"

Oo nga pala. Isa siyang pulis and at the same time, isa ring agriculturist. And recently, isa ring tagapagmana ng Pionelo Company. What do you expect from him, stupid Martha? Kastigo niya sa kanyang sarili.

Lumapit siya kay Vince at hinagkan ito sa labi, "I'm really surprised! Thank you for this, langga! Pero saan mo talaga ito nirenta?"

And this time, humagalpak na ng tawa si Vince. "Hindi talaga maka-move on ang langga ko." Sabay hapit kay Martha at hinalikan sa sentido.

Magtatanong pa siya sana tungkol sa yate pero inakay siya ni Vince patungo sa gitna kung saan mayroong mesa at pagkaing nakahain. Petals of roses are all over the floor. The candles, lights, bouquet and everything are present. So romantic and unforgettable moment to remember.

"Like it?" Bulong sa kanya ni Vince.

"No." Bumaling siya kay Vince, "I love it." Ngumiti siya.

Pareho silang umupo. They prayed before they started to eat. Habang kumakain sila, hindi natatapos ang kanilang usapan. Pero si Vince, unti-unti nang nauupos. Bilang na lang ang oras nilang dalawa. Anytime ay mawawala na sa kanyang tabi si Martha. Anytime ay babalik na sa dati ang lahat.

Si Martha..

Ang pagkakataon na ito..

Ay maglalaho ano mang minuto.

"Vince, are you okay? Bakit ang lungkot mo? Boring ba akong kausap?"

"I'm okay, langga. Don't say that you're a boring one 'cuz for me, your the good and funniest person to be with."

"Ah, so clown na pala ako ngayon?" Sabay taas ng kilay ni Martha.

"Yes, you are the clown of my life, langga. You are my happiness and without you, I'm miserable. You are the color—"

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon