Epilogue

892 19 9
                                    

A/N: Bago magtapos po ang aking story, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga readers at supporters ko. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magsisipag magsulat ng story para e-share sa iyo. And good news! My Love from Pornhub is already posted so pleaseeee support my new story mga Langga! Huwag din sanang kalimutang mag-vote or mag comment sa aking mga stories! Also, THE IMPERFECTION SERIES is coming soon! Abangan!


°°°°

PINAKATITIGAN ni Martha Delucia ang kanyang sarili sa salamin. Napakaganda niya sa kanyang suot na puting dress. Mas lalong tumingkad ang kanyang hitsura dulot ng palamuting inilagay. Nilugay niya ang kanyang mahabang buhok na bumagay sa kanyang postora. Mula sa salamin, nakita niya ang kanyang pinsan na si Mario na pumasok sa pinto. Nakasuot ito ng formal suit at mas lalong gumuwapo ito nang ngumiti sa kanya. Lumapit si Mario sa kanya at nakipagbeso.

"Are you happy, 'cuz?" Tanong ni Mario sa kanya sabay ngiti.

"Of course." Masigla niyang sagot.

"So, are you ready to go now?"

"Yeah.."

Lumapit siya kay Mario at humawak sa braso. Pupunta sila sa espesyal na lugar upang ipagdaos ang pinakaespesyal na selebrasyon sa taong iyon. Sa bahay ng Poong Maykapal - sa simbahan, kung saan ipagdiwang ang isang kasal.

Nang makarating sa simbahan, ang daming tao sa loob at sa labas nito. Ang lahat ay nakahanda na para sa pagsisimula. Ang musika sa loob ng simbahan ay magsisimula na rin sa pagtugtog. Pumasok si Martha sa bukana ng simbahan kasama si Mario. May ngiti sa kanyang mukha habang naglalakad sa aisle. Masaya siya. Naluluha siya sa saya habang ang mata ay nakatingin sa nakatayong lalaki sa dulo ng aisle. Nagtagpo ang kanilang paningin at parehong ngumiti sa isa't isa.

"Clyde.." mahinang usal niya habang papalapit sa lalaki.

"Ang drama mo, 'couz. Huwag ka ngang umiyak diyan. Akala mo naman-"

Mahinang hinampas ni Martha ang pinsan, "Siraulo! Masaya lang ako, no!"

"I know. I can see that through your eyes."

Nang makalapit sila sa dulo ng altar, agad humiwalay si Martha kay Mario upang yakapin ng mahigpit si Clyde. Sobrang higpit habang parehong may ngiti sa kanilang mukha. Masaya si Martha. Masaya rin si Clyde. Pareho silang masaya sa kanilang buhay na mayroon sila.

"Congratulations, Clyde! Wish you all the best. I'm so really happy for you! Please don't make Alexa cry because if you do, I'm going to give you a hurtful kick to your jewel. Basta ha, huwag mong kalilimutan na maging ninang sa inyong anak soon!"

"Thank you, Martha. Don't worry, it won't happen ever. I love Alexa and I'm not going to make her cry. I wish you will find your own happiness too. I wish he will come back for you." Ngumiti lang si Martha sa sinabi ni Clyde.

Tatlong taon. Tatlong taon na ang lumipas pagkatapos ng tagpo sa yate. Tatlong taon din nagkahiwalay sina Martha at Clyde. Tatlong buwan noon nang marealize ni Martha na hindi niya kayang mahalin ng lubos si Clyde kaya nakipagkalas siya dito. Basag na basag noon si Clyde pero wala siyang may nagawa nang magdesisyon si Martha na makipaghiwalay ito sa kanya. Alam ni Martha sa kanyang sarili na masasaktan niya lang ang lalaki kung patatagalin niya pa ang kanilang relasyon. Pero inaamin niya sa kanyang sarili na nagkapuwang sa kanyang puso si Clyde pero hindi iyon naging sapat upang magsama sila at maging masaya sa isa't isa.

Tatlong taon siyang naging single. Naging abala siya sa kanyang business at vlogging. Hindi na siya nagpatuloy pa sa pagtatrabaho sa Pionelo Company nang magsimula siya ng kanyang sariling negosyo. At sa loob ng tatlong taon, hindi niya na nakita pa ulit si Vince. Pero aaminin niya, napatawad niya na ito sa nagawang kasalanan nito noon.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon