Chapter 17

602 29 4
                                    

PAGKATAPOS ng birthday party ni Ron, nakiusap si Martha kay Vince na magkita sila kinabukasan. Gusto niya nang malaman ang lahat kahit wala siyang kasiguraduhan kung magsasabi ng totoo si Vince. Ilang araw na rin siya binabagabag na wala talaga siyang naalala tungkol sa lalaki. Napakalaking imposible talaga para sa kanya na makalimut ng taong minsan nang naging bahagi ng kanyang nakaraan  kahit paman ay nasaktan siya nito.

1 message
From: Vince
Good morning, Martha. Anyway, nandito na ako sa Farm of Farmers project. I'll wait here here in entrance.

Nanlaki ang mata ni Martha nang matanggap niya ang mensahe ni Vince. Napatampal siya sa kanyang noo habang nakaupo pa sa kanyang kama. Siya na ang nag-anyaya dito, siya pa ang hihintayin ng lalaki. Nakakahiya!
Dali-dali siya nagligo at nagbihis. Hindi pwedeng paghihintayin niya doon ang lalaki ng ilang oras.

"Anak, bakit nakabihis ka? Saan kaba pupunta?" Bungad ng kanyang ina habang pababa siya sa hagdan.

"Magkikita po kami ni Vince, Nay."

Sumilay ang pilyong ngiti ni Nanay niya. Napatirik ng mata si Martha dahil alam niya kung ano ang iniisip ng pilyo niyang ina.

"Hindi po kami magde-date, nay. May kailangan lang akong klaruhin at malaman tungkol sa amin noon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi ko siya naalala."

Niyakap siya ng kanyang ina, "Kahit anong mangyari, nandito lang ako, anak. At kahit sino man ang mamahalin mo, hindi namin tututulan ng tatay mo. Basta maayos lang siyang humarap sa amin."

Napangiwi si Martha. Dalawang taon na sila ni Clyde pero hindi niya pa ito napakilala ng pormal sa kanyang mga magulang. Samantalang siya ay open na open na sa pamilya ng kasintahan. Alam niyang unfair iyon kay Clyde pero kahit minsan, hindi ito nagreklamo. Pero sisiguraduhin niya na hindi aabot sa pagtatapos ng taon, maipapakilala niya na si Clyde sa kanyang mga magulang.

"Opo, nay." Humiwalay siya sa kanyang ina, "Kailangan ko na pong umalis, nay. Bye." Tumango lang ang kanyang ina bago siya tuluyang umalis.




_______________

"Sorry, Vince na late ako. I know na nakakahiya dahil ako na nga ang nag-imbita na mag-usap tayo, ako pa 'yung late." Ngiwing saad niya sa lalaki nang makita niya ito.

Umiling si Vince, "No, it's okay." Ngumiti ito at naglahad ng kamay, "Shall we go now?"

"Ha? Saan tayo pupunta? Papasok diyan?" Turo niya entrance ng Farm of Farmers Project.

"Oo."

"Ah, sige." At tinanggap niya ang kamay ng lalaki kahit nag-aalinlangan siya noong una.

Pero nang magdaop ang kanilang kamay, pareho silang natigilan at napabitaw. Bakit gaoon? May sparks? Alam ni Martha na hindi lang siya ang nakaramdam ng kuryenteng iyon kundi pati na rin si Vince. Palihim na napailing si Martha. Hindi pwede. Hindi maaari dahil may Clyde na siya. At mahal siya ng kasintahan niya at ganoon rin siya.

"Let's go." Naunang naglakad si Vince sa kanya. Ilang minuto pa siyang napatitig sa sexy back ni Vince bago siya napasunod.

"Sorry kung naistorbo kita ngayong araw, Vince. Pero kailangan ko na talagang maklaro ang lahat. Gustuhin ko man na alalahanin ang nakaraan natin pero..pero bigo ako."

"I guess, the exchange of what I've done to you before is forgetting me."

Napakunot-noo siya, "Ha? Hindi ko maintindihan. Ano ba ang ginawa mo sa akin noon?" Takang tanong ni Martha.

"Halika, pasok tayo sa bahay kubo. Doon ko sasabihin ang lahat-lahat."

Nang makapasok sila sa loob ng bahay kubo, sinabi ni Vince ang lahat-lahat. Mula sa pagpunta niya sa nayon nilang isang agrikulturista, ang panliligaw niya kay Martha noon hanggang sa pagsagot rito.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon