Chapter 3

849 76 8
                                    

MARAMING programa ang ipinatupad sa barangay simula nang dumating ang mga agrikulturista na pinamumunuan ni Vince. Bukod sa pagbibigay ng libreng seeds ng mga gulay at prutas sa bawat tao, mayroon silang proyekto na inilaan sa mga mambubukid. May malaking lupain ang kapitan na si Diego San Antonio. Ang one-fourth niyang lupain ay gawing taniman ng mga gulay. At ang ang mga gulay na ito ay e-export sa ibang lugar o maging sa karatig bansa.

Ang ama ni Martha Delucia na si Mang Mateo ay isa sa mga mambubukid na magtatrabaho sa proyekto na iyon. Malaking tulong iyon dahil sa bawat araw na magtatrabaho siya ay makatatanggap siya ng sweldo. Bukod sa sweldo, may bonus pa kapag maubos ang mga pananim sa pag-eexport.

Araw ng sabado at walang pasok si Martha sa eskwela. Pupunta siya sa pananiman para hatiran ng pagkain ang kanyang ama at si Mario. Isang linggo na ang nakaraan nang simulan ang sinasabing proyekto.

Hindi niya akalain na may kasabay siyang tao na pupunta sa pananiman. Pero ang mas hindi niya mapaniwalaan ay ang lalaking kasabay niya ay parehong lalaki na nakita niya sa barangay hall noong seminar. Hindi siya magkakamali na ito ang agrikulturista na hinahangaan ng lahat. Bukod sa masipag at maalam tungkol sa pananim, umaapaw ang kakisigan at kagwapuhan nito. Walang sino man ang makakaignora ng kanyang presensya.

"Sa pananiman rin ba ang tungo mo?"

Hindi sigurado si Martha kung siya ba ang kinakausap nito. Nasa likuran niya ito na sumusunod sa kanya. Bumaling-baling muna siya kung may kasama pa silang iba bukod sa kanilang dalawa.

Narinig niya ang mahina nitong tawa. Nababaliw na ba ito? O baka naman may kausap itong masamang elemento at nagkatuwaan sila. Nagkibit-balikat na lamang si Martha.

"Ikaw ang kinakausap ko, binibini."

At ngayon sigurado siya..na siya ang kinakausap nito hindi ang masamang elemento na hindi basta-basta makikita.

Bumaling siya sa lalaki, "Ako?" Sabay turo sa kanyang sarili.

Tumango ito.

"Ahm..oo."

Agad namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang naglalakad sila. Walang balak makipag-usap si Martha sa lalaki dahil hindi niya ito lubos kilala. Isa pa, hindi niya gusto ang paninitig nito. Masyadong nakakalunod..nakakaba.

"Maganda ang uri ng lupa sa pananiman. Hindi malabong tataba at lalaki ng husto ang mga pananim."

Hindi nakaimik si Martha sa sinabi ng lalaki. Wala naman kasi siyang masasabi. At isa pa, wala siyang alam sa mga bagay na may kaugnayan sa pananim. Marketing student siya kaya ignorante siya sa mga bagay na iyan. Bukod doon, ni minsan hindi siya hinayaan ng kanyang mga magulang na sumubok sa pambubukid. Tanging lapis at papel lamang ang kaharap niya mula pagkabata niya.

"I guess you're not interested about agriculture."

"Pasensya na. Business Ad kasi ang kurso ko kaya wala akong alam sa pagtatanim."

"You're into business, then."

Kibit-balikat lamang ang naisagot niya.

"Ilang taon kana ba?" Biglang tanong sa kanya ng lalaki na hindi niya inasahan.

Why is he asking me about my age?

"Bakit?"

He just smirked at me.

How rude.

"I guess you have tons of boyfriend."

What the hell!

"Kung ano man ang iniisip mo sa akin, nagkakamali ka, mister." May bahid na pagkairita ang boses niya. "May boyfriend man ako o wala, wala ka nang pakialam doon." Umirap pa siya  bago tumalikod sa lalaki.

Napahalakhak ang lalaki.

"I think nagkamali yata ako."

Napakunot-noo siya.

Bigla siyang napatigil nang makita ang lalaki sa kanyang harapan. Blocking his way while crossing his arms in front of his chest. How arrogant!

"T-tumabi ka."

Nainis siya sa kanyang sarili. Halos traidurin siya ng kanyang dila nang magtama ang kanilang paningin. Tang*nang mga mata to! Nakakahipnotismo!

His eyes are evil. I shouldn't stare at him!

"Tama ba ako, magandang binibini?"

"A-ano ba ang pinagsasabi mo?!"

"I said, mali ako ng akala. I think," mas lumapit ang lalaki sa kanya na ikinaatras niya, "you're single. Never been touched—"

"Shut up! Paalala ko lang po, propesyonal po kayong tao kaya nararapat na makitungo kayo sa iba ng naaayon. Lalo na't hindi mo ako lubusang kilala. I might sue you for being..."

"For being what?"

Magkanda-kalkal sa paghahanap ng salita si Martha sa kanyang isipan pero wala siyang maisip. Eh paano ba naman, lunod siya sa titig ng lalaki. Sa huli napatungo na lamang siya.

"Martha!"

Tawag sa kanya ni Mario. Hindi niya nalaman na nasa entrada na pala sila ng pananiman. Agad siyang lumayo sa lalaki at sinalubong siya ng kanyang pinsan.

"What's with you and that man?" Agad na sabi ng kanyang pinsan.

"Wow! English yun ah!" Biro pa niya sa pinsan.

"I'm serious, Martha."

Seryoso nga ito dahil tinawag na siyang 'Matha'.

"Nagkasabay lang kaming dalawa at..at nagkausap ng kunti."

Nakita niya ang pagtitig ng pinsan niya sa lalaki. Parang kinikilala ito. Sa huli inakay na lamang niya ang lalaki papunta sa munting kubo na pagingaan.

"Masama ang kutob ko sa lalaking iyan. I don't care if he's an agriculturist but I trust my instinct. I think he has a hidden agenda."

Mahina niyang pinalo ang braso ng pinsan niya. Gusto niya sanang pagtawanan ito dahil sa pa-English-english niya pero hindi na lamang. Dahil alam  niyang seryoso ito.

"Huwag ka ngang mambintang. Oo na, lalayuan ko siya kahit gwapo niya."

Gwapo na medyo bastos na ewan!

"Good. Mabuti na 'yung nag-iingat tayo, Lucia."

"Hah! Ikaw ang mag-ingat kasi ikaw ang may-atraso."

"Shh! Kahit kailan talaga ang ingay mo." Saway ng pinsan niya sa kanya.

Bigla siyang bumaling sa lalaki. Naalala niya, nagkausap at nagkasagutan na nga sila pero hindi pa sila nagpakilala sa isa't isa. Pero dedma lang sa kanya dahil wala naman siyang balak makilala ito. Nakakatakot ang kanyang mata..nakakaduwag, nakakaba. Baka kasi ma-fall pa siya.

The heck! Ma fall lang sa bangin huwag lang sa kanya!

"Nandito ka na pala, anak." Bati sa kanya ng tatay niya.

"Sir Vince kain tayo! Hinatiran kasi ako ng dalaga ko ng pagkain. Halika, tikman mo ang luto niya."

Napangiwi siya.

"Pwede po ba, Mang Mateo?" Saad ng lalaki nang makalapit ito sa kanila.

"Aba, oo naman! Masarap magluto ang dalaga kong ito!"

Halos matampal niya ang kanyang noo sa sinabi ng ama niya.

Napatingin sa kanya ang lalaki, "Pwede ko bang tikman ang luto mo, magandang binibini?"

Hindi!

Hindi!

Hindi!

"O-o, sige.."

Oh sheyt! What did I say?!

"Thank you." Mahinang bulong nito pero dinig na dinig ni Martha.

Napasapo siya sa kanyang noo dahil sa pagtraidor ng bibig niya. Walang siyang kawala dahil sa malalim na paninitig ng lalaki sa kanya. Halos mapamura siya ng wala sa oras.

"Be careful. I don't really like his presence." Bulong sa kanya ng pinsan niya.

Yes, I'll be very careful next time.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon