Simula
Hindi ako makapaniwala habang pinagmamasdan ang pangalan kong nakalista kasama ng iba ko pang nakasabayan sa pagtake ng entrance exam sa Adamson University.
"Nay, alam niyo namang pangarap kong makapag-aral sa isang malaking unibersidad sa Maynila, kaya't bakit ba ayaw niyo nalang akong payagan?" Napahilamos nalang ako ng mukha habang nagpupumilit sa kagustuhan ko.
Sobrang tagal kong pinaghandaan at pinag-ipunan ang babaunin kong pera sakali mang makapasa ako roon. Para sa pamasahe at gagamiting pang-gastos para makahanap ng pwedeng matirahan doon. Planado ko na ang lahat para sa oportunidad na ito.
"Hindi mo ako maiintindihan Amet kasi hindi mo pa naman naranasan ang buhay roon, pwede ka naming dito nalang magkolehiyo, bakit kailangan mo pang pumunta sa syudad?"
"Nay, napakalaking oportunidad na nito, libre akong makakapag-aral, wala na kayong poproblemahin dahil maghahanap naman ako ng trabaho sa Maynila para sa gastusin ko at para hindi na rin kayo nahihirapang magkatulong kay Mayor para may maipantustos sa pag-aaral ko." Maingat kong pagpapaliwanag.
"Mga tuso ang tao roon Amet, maraming mapaglaro Lalo na sa panahon ngayon, ayaw ko lang naman na may mangyaring masama sayo anak." naiiyak na sabi sa akin ni nanay.
Lumapit ako sa inuupuan niya at agad siyang dinaluhan ng yakap. Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga.
"Ayaw mo na ba talaga rito sa La Union? Marami naman ring unibersidad rito at pwede rin akong makiusap kay Mayor."
" Nay, alam kong higit sa lahat, ikaw ang nakakaalam kung ano ang makabubuti sa akin, pero pwede mo ba kong pagkatiwalaan kahit ngayon lang? Pangako, hinding-hindi ko ipapahamak ang sarili ko, at anong mapaglaro nay? Alam niyo namang hindi tumatalab sa akin ang mga ganoon hindi ba?" Pag-aaral naman kasi talaga ang ipupunta ko sa Maynila at hindi ang pagnonobyo.
"Kung yan na nga talaga ang gusto mo at wala na akong magagawa pa, kaylan ang luwas mo?" tanong ni nanay sabay tayo at naglakad papunta sa bakuran para kunin na ang mga sinampay.
"Sa Linggo na po nay, magpapasa pa kasi ako ng mga requirements roon, kaya mas maganda kung maaasikaso ko na." pagpapaliwanag ko.
"Hala sige, nakapagimpake ka na ba?"
Tinulungan ko na rin si nanay sa pagaayos at pag-tutupi ng mga damit para maayos na itong malagay sa damitan.
"Opo nay, pero may idadagdag lang po ako galing dito sa mga katutuping damit."
Naka-ayos na ang lahat, pinagmasdan ko maigi ang mararahas na hampas ng alon sa dagat, huling pag-sariwa sa maaliwalas na hangin sa dalampasigan dahil paniguradong nagtataasang gusali na ang matatanaw ko sa syudad. Kahit papano naman ay mamimiss ko ang simpleng pamumuhay rito sa probinsya.
Ilang oras rin ang itinagal ng byahe sa bus kaya hindi ko na pigilang mapaidlip. Nagising na lamang ako sa pag-aanunsyo ng konduktor roon. Dali dali akong bumaba at pumara ng jeep para marating ang address ng school.
900 San Marcelino St., Ermita,Manila. Adamson University. Napatingala na lang ako sa napakalaking gate ng school at hindi ko maiwasang mapamangha.
"Ma'am, magreregister po ba kayo?" tanong sa akin ng guard sa main gate.
"Ah opo, san po ba itong building na ito?" pagpapakita ko ng aking form at building na pupuntahan para mapasa ko na lahat ng papel na inasikaso.
"Kumanan ka lang ma'am tapos diretso sa hallway, may makikita kang elevator papunta jan sa building na sinasabi mo." pagpapaliwanag naman ng guard sa akin.
Mabilis akong nagpasalamat at naglakad na sa itinurong daan sa akin. Napakarami na ring estudyante ang nagkalat sa bawat pasilyo.
"Are you up for a night out?" rinig kong sabi ng isang magandang babae sa malaking umpukan nila roon.
YOU ARE READING
Oath to Him (Him Series #1)
General FictionAmethyst decided to left her mother and study in the city for she was offered by a scholarship. Grabbing the opportunity, hoping for a peaceful college life, suddenly the tables turned. She was chased by this drop-dead gorgeous student from enginee...