Kabanta 4

16 6 1
                                    

Kabanata 4

Not a chance

Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil nagdadalawang isip ako kung ia-unfollow ko si Triethan o hindi baka kasi mahalata niya at sabihin pang gusto ko naman talaga siyang I-follow at ayaw ko lang mahalata kaya ia-unfollow ko ulit siya.

"Let's take a groupie na muna guys." sabi ni Summer ng dumating na ang pagkain namin. Amoy na amoy ko ang bango ng mga pinag-oorder nila.

Nahalata kong simula nung first day ay hindi pa ako nanglibre sa kanila, puro kasi sila toka-toka kaya nahihiya na ako.

Lumapit ng bahagya si Quinn, Brooklyn at Serena para Makita sa phone ni Summer, katabi naman ako ni Summer kaya hindi ko na kailangang mag-adjust.

"Okay 1,2,3, Wacky." sabay-sabay kaming nagwacky post na ikinatawa naming lahat ng makita sa phone ni Summer.

"Sa phone mo naman Amet, para may first IG post ka na later." sabi niya at ibinigay ko rin naman agad ang phone ko sa kanya."

Madami-daming pictures rin ang tinake namin at napagpasyahang kumain na. Masarap nga rito sa fast food na ito kaya hindi na ako nagtaka kung bakit dito gusting kumain nila Summer.

Pinaka-naenjoy kong kainin ang Ceviche dahil mahilig talaga ako sa seafood lalo na at tabing dagat lang kami sa La Union, kung hindi hipon ay malalaking alimasag ang ulam namin. Pangingisda ang pinaka-hanapbuhay ng mga tao roon dahil sagana sa lamang dagat.

"Brooklyn diba classmate mo yang si Levi?Ang gwapo ha, nakakabusog." sabi ni Quinn habang nakamasid sa table nila Triethan.

Napatingin din tuloy ako sa sinasabi ni Quinn. Nakanursing uniforn din ito tulad ni Brooklyn at sobrang linis niyang tignan. Lahat ata sa circle of friends ni Eliezer ay puro mga gwapo. Binalik ko ang tingin kay Levi, sa grupo nila mukhang siya ang hindi pala salita dahil nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng mga kasama niya.

Napasadahan ko naman ng tingin ang babaeng katabi ni Triethan at nagulat ng kumuha siya ng tissue at bahagyang pinunasan ang gilid ng labi ni Triethan. Napansin ito ni Enos kaya kinantyawan ang dalawa. Sumunod na rin naman ang iba para asarin sila dahil sa dito.

Ang landi talaga.

"Kung sino-sino na naman pinagnanasahan mo bruha!." sagot naman ni Brooklyn kay Quinn.

"Kesa naman sa mga taga kabilang universities pa ako magpalahi diba." natatawang sabi ni Quinn.

Nagtawanan sila dahil roon pero hindi ko mahanap sa labi kong ngumiti manlang. Nakakabadtrip talaga mukha ni Segovia, kainis.

Natapos na kaming kumain lahat pero ayaw pa nilang bumalik sa Adamson kaya nagpalipas muna kami ng oras rito para makapagpahinga.

Pumunta nalang ulit ako sa instagram app at balak kong ipost ang picture namin kanina. Clinick ko ang tatlong pictures na pinakanagustuhan ko at nilagyan ng caption na, "Thank you for the good vibes C.E.D.M." at hindi ko na nilagyan pa ng filter kaya pinost ko na agad.

Mabilis naman itong nagloading at nakita ko na wall ng instagram ko. Nagulat ako ng makitang may nagheart agad at may comment pang iniwan.

@PeytonLegazpi: Hope for a lunchbreak with you too.

May kasama pang smiley kaya napangiti ako dahil naiimagine ko ang mukha niya ngayon. Nagtatype na ako ng reply sa kanya nang may magpop-up ulit sa notification ko.

@TriethanSegovia: Not a chance @PeytonLegazpi, ako kasama niya maglalunch tomorrow.

Muntikan na akong masamid sa sariling laway nalang dahil sa comment ni Triethan. Oo nga pala, may utang na loob ako sa kanya kaya ako makikipag-lunch sa kanya, grabe, ako na nga itong nadisgrasya nagkaroon pa ng poproblemahing lunch bukas, kainis.

Oath to Him (Him Series #1)Where stories live. Discover now