Kabanata 7

17 4 0
                                    

I'm sorry for delaying my update these past few days, nagluluksa po kasi ako sa percentile result ng entrance exam ko because I didn't passed the course that I applied for which is nursing, pumasa po ako sa educ. and so my parents and I particularly agreed that I'll just study in WUP, sadly, I have to live independently on my entire college life.

Kabanata 7

Hindi magiging ayos

Pakiramdam ko talaga hihimatayin ako mamaya sa kalagitnaan ng jogging dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Binagabag ako magdamag ni Triethan dahil hindi niya ako tinigilan hanggat hindi ako pumapayag.

Ang sabi niya susunduin niya raw ako sa boarding pero hindi ako pumayag dahil nakakahiya baka mabulabog ko rin ang mga kaboarding ko kaya sabi ko magkita na lang kami sa harap ng Hot n' Revel bar, pumayag naman siya dahil tinakot ko na hindi ako sasama pag susunduin niya pa ako.

Matutulog na lang ulit ako mamaya pagkatapos. Nagtoothbrush lang ako saglit at naghilamos para hindi naman ako mukhang kababangon lang.

Nagtali na rin ako ng buhok at nagsuot ng black leggings at white fitted shirt na nadampot ko na lang sa damitan.

Kinuha ko ang white rubber shoes sa ilalim ng kama. Habang isinusuot ko ito, bigla kong naalala si Mateo, siya kasi ang nagregalo sa akin nito nuong graduation naming mga senior high at inanyayahan niya ako sa after party sa mansiyon nila ni Mayor.

Tumanggi ako pero sumama ang loob niya sa akin kaya kalaunan ay tinanggap ko na rin.

Sabi niya ay magagamit ko rin ito at hindi naman kamahalan pero duda ako roon kasi may tatak itong Balenciaga.

Ayoko kasing bigyan siya ng ibang kahulugan dahil alam kong aalis rin ako at maiiwan siya kung sakali mang matuloy akong mag-Maynila at heto, natuloy nga kaya di na ako nag-aksaya ng panahong magpaalam pa sa kanya.

Nabasa ko ang text niya na nasa bar na nga siya at naghihintay kaya nagkumahog na ako pababa. Lakad takbo na ang ginawa ko ng makalagpas sa kanto ng boarding at tumawid.

My heart skipped a bit. Natanaw ko siyang gwapong-gwapo sa suot na varsity shorts, black jacket at black rubber shoes. Nang tuluyan na akong makalapit ay mas naaninag ko na siya dahil sa ilaw ng lamp post. Bahagyang magulo ang buhok na akala mo ay may nanggulo nito, naamoy ko rin ang pinaghalong pabango at natural niyang amoy.

Ano kayang pabango niya?

"Good morning, did you had breakfast already?" he said in a husky tone. Halatang bagong gising ang boses.

"Hindi pa, baka hindi ako makatakbo ng maayos kapag may laman ang sikmura ko eh." sagot ko.

Medyo madilim pa dahil magaalas-singko pa lang ng madaling araw pero buti na lang at may ilaw naman galing sa mga bukas nang istablisyemento at lamp posts.

"Then we'll have heavy breakfast after we jog, masamang malipasan ng gutom." giit niya. Hindi pa naman ako gutom eh pero baka nga magutom ako sa gitna ng pagjo-jogging dahil sa pagod.

"Para saan pala na magjo-jogging tayo kung pagkatapos ay kakain lang rin?" ayokong magpatalo sa kanya at matapos ang usapan dahil baka mamaya maging awkward na kami kapag walang mapag-usapan.

"Heavy breakfast with low calories Amethyst, naisip ko na rin iyan bago kita ayaing kumain." pagtatanggol niya sa sarili.

Hindi ko mapigilang tumawa dahil roon. High blood agad siya eh.

"Okay, chill ka lang, masama gising mo?." natatawa ko pa ring sabi at napakagat ng labi.

"We'll lose some fats kaya kailangan pa rin nating kumain to regain energy and muscle mass." sabi niya na parang nilelecturan ako. Heto ba ang natututunan niya sa pagiging varsity player? sabagay, siguradong maalam siya rito dahil karaniwang training ito ng mga athlete na katulad niya.

Oath to Him (Him Series #1)Where stories live. Discover now