Kabanata 2
Akin siya
"Amethyst nandito na kami sa loob, pangatlong table malapit sayo." basa ko sa text sa akin ni Summer.
Naalala kong wala na pala akong load dahil nagamit ko ng pantawag kay nanay. Agad ko silang nahanap na nakaupo sa VIP area, dahil ipinaliwanag na rin naman sa akin ni Eliezer ang pagkakaiba ng table ng mga VIP at normal na customers.
"Hay sa wakas nagkaoras ka ghurl!" Hype na hype na bati sa akin ni Brooklyn.
"Pasensya na kayo medyo natagalan lang dahil sa pago-orient sa akin rito ng mga gagawin." pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Upo ka na muna rito." kabaliktaran ni brooklyn, mahinahon naman akong kinausap ni serena.
"Naku baka kasi mapagalitan ako, kabago-bago ko pa naman. Tsaka nakakahiya kasi sa mga kasamahan kong nagtatrabaho." paumanhin kong sabi kay serena.
"Okay lang yan Amethyst, kakausapin ko si Eliezer para may free time ka samin, tsaka para makapagpahinga ka naman." nag-aalalang sabi namna ni Summer.
"Oo nga, pagkatapos pala ng klase mo eh dumiretso ka na rito." dagdag naman ni Quinn habang busy na kinakalikot nag cellphone niya.
"Hoy! sinong katextmate mo jan ha?" agaw ni Brooklyn sa cellphone ni Quinn.
Dali-dali naman itong hinablot pabalik ni Quinn at pabirong sinabunutan si Brooklyn.
"Lumalandi ka pala, di mo man lang ako i-join." Natatawa paring sabi ni Brooklyn at umupo na ulit sa couch.
"May order na ba kayo, ako na lang ang magseserve sa inyo, baka busy rin kasi yung mga kasama ko sa ibang table." sabi ko sa kanila.
"Tatlong shot ng Martini tsaka isang Dark n' Stormy nalang Amethyst." Si Summer na ang naglagay ng order at agad naman akong nagpaalam sa kanila para mabigay na ang order sa bar counter.
Pagkatapos kong mabigay ang order nila, pumunta naman ako sa mga lamesang wala ng tao at pinunasan na ang ibabaw nito. Mabilis kong isinalansan ang mga basong gamit na at inilagay sa tray na dala-dala ko at pumanhik na sa backdoor, roon kasi hinuhugasan.
Bumalik na rin ako para kunin ang order nila Summer at ihatid na sa kanila.
Masaya nila akong sinalubong at kinuha ang mga shots nila.
Nilagok agad ito ni Quinn na parang sanayan na sa pag-inom. Pasimsim-simsim naman ang ginawa ni Serena samantalang sina Summer at Brooklyn ay hawak-hawak pa rin ang kanilang shots at hindi pa nababawasan dahil may kumausap saglit, baka kakilala.
Tinignan ko saglit ang cellphone at nagulat ng magaalas-otso na pala, hindi na nakakapagtaka na rumarami na ng rumarami ang tao. Kapag abala ka nga naman ay hindi mo na mamamalayan ang oras.
Nakita kong nilapitan naman ni Summer si Eliezer na hanggang ngayon ay kasama pa rin sa VIP table ang mga kaibigan niya. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Triethan na nakasandal ang ulo sa headrest ng couch, dahil doon ay nakaside view siya at litaw na litaw ang tangos ng ilong at adams apple niya. Napalunok naman ako kasabay ng paglunok niya.
Amethyst ano ba? bakit pati ikaw napapalunok diyan ha?
Bigla na lamang lumipat sa tabi niya ang babaeng kanina lamang ay nasa tabi ni Enos. Matangkad at pang model ang katawan nito, nakakurba ng maayos ang bewan at may mahaba't makintab na buhok.
May binulong ang babae sa kanya na siyang dahilan para bahagyang ngumisi si Triethan. Agad na dumapo ang kamay ng babae sa dibdib ni Triethan at bigla na lamang dumukwang para mahalikan si Triethan sa labi.
YOU ARE READING
Oath to Him (Him Series #1)
General FictionAmethyst decided to left her mother and study in the city for she was offered by a scholarship. Grabbing the opportunity, hoping for a peaceful college life, suddenly the tables turned. She was chased by this drop-dead gorgeous student from enginee...