I'm really sorry for slow update, promise I'll try to update more often, backread nalang po ng medyo light para marefresh ng bahagya sa mga chapters. Enjoy and lovelots.
Kabanata 8
Ang landi mo!
Habang naglalakad ako papuntang university, iniisip ko kung papaano ko uumpisahang ikwento ang mga nangyayari kay Summer.
Lalo na at alam nilang inis ako kay Triethan dahil sa ugali at reputasyon nito sa mga babae. Tiyak na maguguluhan sila.
Natanaw ko na ang gate ng Adamson at dinalaw ako ng kaba nang makita si Triethan na kausap ang guard.
Hindi ko alam kung lalapit na ba ako o maghihintay hanggang sa pumasok na siya sa loob pero naglaho ang mga plano ko ng ituro ako ng guard at agad naman siyang napalingon sa akin.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit at I-tap ang id. Nung Wednesday lang kasi nabigay ang mga id namin. Sumunod rin naman siya agad nang papasok na ako.
Naiilang akong naglalakad habang siya ay kalmado lang.
Pasimple akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya at ngayon ko lang narealize na sobrang gwapo niya, siguro dahil sa inis ko sa kanya nitong mga nakaraang araw ay dini-deny ko lang na isa rin ako sa mga babaeng nagwa-gwapuhan sa kanya.
"Matutunaw ako Amethyst." sabi niya ng nakangisi pero hindi ko parin magawang umiwas. Nilakbay ulit ng mata ko ang kabuuan niya at nagtagal ako sa buhok niya.
Medyo lumalagpas na kasi sa kilay niya ang buhok niya kaya parang nahahabaan ko na, pero hindi naman pangit tignan, kapag siya ata ang usapan, walang pangit, kainis.
May favoritism talaga si Lord.
"Uhm, hindi ka ba papagupit?" Gusto kong sampalin ang bibig ko dahil hindi na naman ito nagpapigil.
Binalingan niya ako ng tingin.
"I mean, bagay mo naman pero hindi ka ba nahahabaan?" pagpapatuloy ko, wala eh, nasabi ko na.
Bahagya niyang pinasadahan ng kamay ang buhok at muli siyang bumaling sa akin.
"Yeah, thanks for reminding me. May gagawin ka ba mamaya?" tanong nya.
"Mamaya? after class?" sagot ko at tumango naman siya.
Wala naman akong duty sa bar ni Eliezer mamaya dahil bukas ang last shift ko.
"Wala naman, bakit?"
"Samahan mo akong magpagupit." Napahinto ako sa sinabi niya.
Nakokonsensiya ko siyang tinignan.
"U-uh, okay lang naman yang buhok mo, hindi mo naman kailangang magpagupit dahil sinabi ko." nahihiya kong sabi. Parang kasalanan kasi ng kadaldalan ko eh.
"Hey it's okay." sabi niya at bahagya pang natawa. "Magpapagupit naman talaga ako pero nakakalimutan ko lang, wala ka namang gagawin kaya pwede mo kong samahan?"
"Sige." sabay tango ko.
"I'll fetch you later, sa labas lang ako ng room niyo." wait, sa labas ng room? Kinakabahan na ako ngayong naiisip ko pa lang, pero ayoko nang sabihin kay Triethan dahil siguradong maiirita lang ito.
"Okay." Napahinga ako ng malalim. Nagpaalam na siya na pupunta na sa engineering building para sa klase nila. Ganun din naman ang ginawa ko.
Nang makapasok na sa room ay agad kong tinabihan si Summer. Makahulugang ngiti agad ang ibinungad niya sa akin.
YOU ARE READING
Oath to Him (Him Series #1)
General FictionAmethyst decided to left her mother and study in the city for she was offered by a scholarship. Grabbing the opportunity, hoping for a peaceful college life, suddenly the tables turned. She was chased by this drop-dead gorgeous student from enginee...