This chapter is dedicated to my author friend as well, ICEMAKEMIND, thank you for the book cover. Hope you'll also support him.
Kabanata 1
Nakakainis
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ng aking cellphone. Sobrang tagal na nito sa akin at may tatak na Lenovo, niregalo sa akin ni nanay dahil napag-ipunan naman daw niya sa pagkakatulong kay Mayor.
Naalala ko noon dahil sa sobrang tuwa ko, hinipan-hipan ko ito at akala ko'y lolobo base sa brand ng cellphone ko. Kaya't sobrang pag-iingat ko rito dahil baka abutin ako ng dekada bago mapalitan lalo na ngayong kolehiyo na ako at mas dadami ang gastusin.
Inaantok pa akong bumangon para magtoothbrush at dumiretso sana sa banyo ng makarinig ng sunod-sunod na katok.
"Amet, gusto mo bang magpareserve na ng breakfast? may naluto na daw kasing mga ambula sa ibaba." sabi sa akin ni Kimmy habnag iginagala ang tingin sa kwarto ko.
"Ah ganun ba? sige pakireserve'an na rin ako, salamat." malabong sabi ko habang nakapasak na ang sepilyo sa bibig ko.
"Sige antayin na lang kita sa baba para may kasabay ka." saad niya at lumabas na ng aking kwarto.
Hindi ko alam, pero nakasanayan ko nang pagbangon ay agad magtoothbrush at pagkatapos ng umagahan ay magtu toothbrush ulit, pero kailangan ko na atang magtipid sa toothpaste ngayon, susundin ko na lang mag brush brush brush, 3 times a day. Healthy parin naman siguro yun para sa ngipin ko.
Sa buong katawan kasi ngipin ko ang pinakainaalagaan ko dahil nung bata ako, nasira ang ngipin ko at hindi ako pinatulog sa sakit. Kaya sumakit na ang lahat, wag lang ang ngipin ko.
5:30 palang naman ng medaling araw kaya naghilamos na rin ako ng mukha at tsaka na ako pumanhik pababa.
Nadatnan ko ang pila ng mga babae sa canteen area sa first floor. Heto siguro ang sinasabi ni Kimmy na reservation ng pagkain.
"Amet dito!!!" rinig ko agad ang matinis niyang boses at hindi na nagdalawang-isip na lumapit sa pwesto niya.
"Good morning." ngingilang-ngilan na bati ng ibang bed spacer sa akin sa lamesa.
Binigyan ko naman sila ng full at bagong toothbrush na ngiti. Alagang close-up.
"Good morning rin sa inyo."
"Guys siya si Amet, bagong bed spacer ni Manang Melinda." pagpapakilala sa akin ni Kimmy sa mga babaeg nasa lamesa namin.
Sunod-sunod naman din silang nagpakilala pero hindi na kinaya ng utak ko na matandaan silang lahat.
Pagkatapos naming kumain ay binilisan ko na ang pagligo at pag-aayos ng mga gagamitin sa first day. Ang mga kaboarding kong babae ay iba-iba rin pala ng university na pinapasukan. Karamihan sa amin ay first year college samantalang ang iba ay third year na.
Nakangiti akong naglakad palabras ng boarding house at tumawid ng kalsada para diretso na papunta ng A.U. Kinakabahan ako dahil alam kong marami akong makakasalamuha na estudyante at hindi maiiwasan ang pagkakaiba at estado.
Nakisali ako sa umpukan ng mga estudyante at roon nakapaskil ang mga pangalan namin at kung anong schedule hanggang matapos ang dalawang semester. Nilabas ko ang cellphone para kuhanan na lamang ng picture ang schedule ko pero ng makita ko ang mga cellphone nila ay nahihiya ko itong ibinaba at hinintay munang kumonti ang mga nakikitingin at picture sa schedule.
Dali-dali ko itong kinuhanan at isinilid na ulit sa bulsa ang cellphone ko. Sa pasilyo at may mga bumabati na estudyante na nakayunipormeng pang-sundalo, baka ito yung tinatawag nilang CAT, sila yung nagturo at nag-assist sa amin ng daan papunta sa building naming mga first year.
YOU ARE READING
Oath to Him (Him Series #1)
General FictionAmethyst decided to left her mother and study in the city for she was offered by a scholarship. Grabbing the opportunity, hoping for a peaceful college life, suddenly the tables turned. She was chased by this drop-dead gorgeous student from enginee...