Kabanata 6

17 6 2
                                    

I appreciate those who are reading and commenting on my story so I was inspired to write kabanata 6 fast. I hope you enjoy it. Bare with my typos, grammatical errors and such haha.

Kabanata 6

Chance

Tumabi agad ako kay Summer pagkapasok ko sa room. May ilang minutes pa naman bago mag-start ang klase namin. Medyo lumapit ako sa bandang bintana at pasimpleng sinulyapan ang engineering building.

"Amet nandyan na si Ms. Cecil, sige silip ka pa." natatawang sabi niya at pasimple akong umubo.

"Umusog lang ako kasi gusto kong sumandal." sabi ko, sana makalusot.

"Good afternoon, you can all pass your drafts forward until it reached the first row and I'll be the one to collect it." sabi ni Ms. Cecil sa amin.

Kinuha ko naman na sa bag ko ang draft at pinasa na sa harapan ko, inabot ko rin yung mga draft ng nasa likod ko para makarating na sa harap.

Ganun din ang ginawa ng mga kablocmates ko at hinintay na lang ni Ms. Cecil matapos lahat.

Nagulat ako ng may tumilapong crumpled papel sa arm rest ng upuan ko. Kinuha ko naman iyon at unti-unting binuksan, kinakabahan pa ako kasi nakapanood na ako ng ganitong prank, yun bang biglang may lalabas na ipis, kaya't pikit mata ko nalang na tinuloy ang pagbukas.

Hinahanda ko na ang sarili ko sakali mang magulat ako at kinapa-kapa pero wala naman ang nahawakan. Kaya binuksan ko na ang mga mata ko at binasa ang nakasulat.

"Thanks for reminding me about the draft. -Devin" Nakalagay sa papel.

Hinanap ko naman siya at nakitang nasa pang-apat na row si Devin katabi ang kakambal niya, nakatingin rin siya sa akin at agad naman akong nag-thumbs up para iparating sa kanya na walang anuman.

Agad naman na nabaling ang atensiyon naming kay Ms. Cecil ng magsimula na ulit siyang magsalita.

"So I guessed nakapagbasa-basa na kayo about the Historical Timeline of Architecture dahil in-email ko na ang coverage and I hope makakasunod ang lahat."

Tumango naman kaming lahat. Nagtake-notes na rin ako habang mas ineelaborate ni Ms. Cecil ang timeline, mas tumatatak kasi sa akin kapag ganito kesa nakikinig lang ako.

"In pre-historic times before 9000 BC our direct human ancestors evolved in Africa years ago- Homo habilis, Homo erectus, Homo sapiens and Homo sapiens sapiens. The success of human race was largely due to the development of tools- made of stones, woods and bones."

Mas nagmadali ako sa pagsusulat dahil sobrang dami na ng facts na kailangan kong I-jot down.

"By 9000 BC hunting, farming and agriculture was practiced but some people needed not farm, so they spent time on other work- pot making, metal working, art and architecture."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sumandaling nagpause si Ms. Cecil at lumapit sa laptop niya.

"Here are some examples of architecture in the pre-historic time." Dagdag niya at dahil nakapag-basa basa naman na kami ay nahulaan namin ang pangalan ng ibang stuctures na nasa pictures.

"This is Dolmen, a tomb of standing stones usually capped with a large horizontal lab, while this one is called Cromlech, an enclosure formed by huge stones planted on the ground in circular form."

"And here comes the famous Igloo, also known as Innuit or eskimo. A house constructed of hard-packed snow blocks built up spirally."

The discussion went on, hanggang sa magpasalamat ang mga kablocmates ko dahil time na. Sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag dahil sa walang katapusang timeline ng Architecture.

Oath to Him (Him Series #1)Where stories live. Discover now