Kabanata 5

17 6 5
                                    

Kabanata 5

Sweet lips

Sobrang basa na ng damit niya dahil sa pag-iyak ko kaya dahan-dahan akong humiwalay mula sa pagkakayakap niya.

Ni hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil sa hiya. Una pinahiram niya ako ng damit kanina tapos ngayon, nakipag-away siya dahil na naman sa akin. Nakokonsensiya tuloy ako sa mga masasamang pinag-iisip ko sa kanya.

"Are you okay now?" tanong niya at hinawakan ng marahan ang mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

Heto na naman yung pagkabog ng dibdib ko, hindi na naman ako makahinga ng maayos, parang ninanakaw niya ang hangin sa sistema ko.

Nagbaba ako ng tingin at napasin ang mga mumunting galos niya sa kamay. Mabilis akong tumayo at maglalakad na sana pero agad niyang napigilan ang braso ko.

"Where are you going?" nalilito niyang tanong sa akin, hindi nakalagpas ang pag-aalala sa mata niya o namalikmata lang ako. Hay Amethyst, anong nangyayari sayo?

"K-kukuha lang ako ng first aid sa baba, b-baka meron para malinisan ko yang mga sugat mo." sagot ko at tinanggal na ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi naman masakit, don't worry." sabi niya at may ngising unti-unti nabubuo sa mga labi niya.

Bwisit na lalaking ito, ako na nga ang nagmamagandang loob.

"Nagagawa mo talang masingit yang kayabangan mo ano? tsaka hindi ako nag-aalala sayo, may utang na loob lang ako." sabi ko.

Hindi ka ba talaga nag-aalala Amethyst? bulong ng isip ko. Agad akong napailing dahil dito, pati sarili ko, hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Ano bang ginagawa sakin ni Triethan .

Agad naming nagbago ang timpla ng mukha niya, ang bilis naman mainis ng lalaking ito.

"Really? kahit kaonti?, kasi ako makakapatay ako dahil sa pag-aalala sayo, tangina." masungit na sabi niya habang nakasandal ang ulo sa couch. Nakapikit ang mga mata niya kaya kitang-kita ang mahahaba at makurba niyang pilik-mata.

Napalunok naman ako ng makitang gumalaw ang adams apple niya.

"Huwag ka ng maarte, kukuha lang ako ng ipanlilinis diyan sa sugat mo." hindi ko na siya muling binalingan ng tingin at dumiretso na ako pababa.

Pumunta ako sa staffs room at tinignan ang mga cabinet kung meron banag first aid ditto at Mabuti nalang may nahanap naman ako.

Pabalik na sana ako sa taas ng makasalubong ko sina Summer.

"Ghurl, kanina ka pa namin tinatawagan, bat di mo sinasagot?" sabi ni Brooklyn.

"Uhmm, M-may inaasikaso kasi ako, sorry, puntahan ko nalang kayo mamaya." nginitian ko sila ng alanganin at naglakad na ako ng tuluyan.

Naabutan ko pa rin si Triethan sa ganoong ayos. Mukhang napagod nga ito, nakakaawa naman.

Umupo ako sa tabi niya at hindi ko na muna siya ginising, hinayaan ko lang siya umidlip at inasikaso na ang mga sugat niya.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya at pinatong sa mga hita ko. Tahimik kong nilabas ang betadine at bulak para malinisan ko na agad ang sugat niya.

Tinigil ko muna ang pagpahid ng makitang umangat ng konti ang daliri niya at nag-aalala akong baka magising ko siya, at nang hindi na siya gumalaw ay tinuloy ko na.

Mabilis ko rin naming natapos at tinapalan ko ng band-aid.

Tititigan ko na sana siya pero nahiya ako ng makitang gising na siya. Kanina pa kaya?

Oath to Him (Him Series #1)Where stories live. Discover now