Yow guys, I dedicate this chapter to ICEMAKEMIND for my story's book cover. Libre magpagawa sa kanya charing haha.
Kabanata 3
Mangarap siya
Anong oras na rin kaming nakauwi kagabi dahil nag-aya na rin ako pagkatapos ng nangyari. Kahit na nag-eenjoy pa sila hindi namna nila ako hinayaang umuwing mag-isa. Hinatid ako nila Quinn sa boarding house kahit na sinabi kong malapit lang naman ito sa bar.
"Ingat kayo sa pagdadrive." Kumaway ako sa kanila at pinanuod ang sasakyang papaalis na.
Pagkapasok ko sa gate at hindi ko inaasahang gising pa si Manang Melinda. Agad ko siyang nilapitan at aayain na sana sa loob dahil sobrang lalim na ng gabi at mahamog pero naalimpungatan siya sa pagkakatulog ng nakayuko at tumayong bigla.
"Amethyst kanina pa kita hinihintay, pinag-alala mo akong bata ka." pupungay-pungay pang sabi ni manag sa akin.
Naawa naman ako sa lagay niya at iginiya ko na siya sa loob.
"Manang dapat at hindi niyo na po ako hinintay, maghahating gabi na po oh, pasensiya na po kung late na akong nakauwi, biglaan po kasi ang duty ko ngayon." Marahan kong sabi kay Manang.
"O siya sige, sa susunod Amethyst ay sasabihan mo ako ah?, hindi kasi talaga ako mapalagay pag may hindi pa nakakauwi sa inyo, ganito talaga ako sa mga batang nagi-stay rito sa boarding house.
"Pasensiya na po ulit manang, sa susunod po sasabihan ko na po talaga kayo."
"Hala sige na, baka napagod ka sa trabaho kaya magpahinga ka na." Pagpapa-alam sa akin ni Manang.
Napakabait talaga ni Manang, pangalawang gabi ko pa lamang rito sa boarding house ay naramdaman ko talagang may nag-aalaga sa akin. Kaya siguro malapit na malapit ang loob sa kanya ng iba pang bed spacer rito dahil sobrang maalaga ni manang.
Feeling ko tuloy may pangalawang nanay na ako rito sa Maynila. Namiss ko tuloy si nanay. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Magpapaload nalang ako bukas para matawagan ko siya.
Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso muna ako sa lababo para magtoothbrush. Buti nalang at hindi ako naamoy ni manang kanina.
Dalawang beses akong nagtoothbrush dahil parang nalalasahan ko parin yung alak sa lalamunan ko, buti nalang at hindi na ako masyadong nahihilo kaya nakakagalaw pa ako ng maayos.
Nagpalit na ako ng damit at kumportableng humilata sa kama. Ipinikit ko na ang mga mata pero biglang nagpakita ang mukha ni Triethan kanina habang galit na galit na nakatitig kay Peyton.
"Anong girlfriend? Bakit tayo na ba?" biglang kong narinig ang boses niya sa isip ko. Nakakainis, bakit hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan? Hindi ako makahinga ng maayos dahil roon, pilit ko nalang ipinikit ang mata at umiba ng posisyon para makatulog na.
Maaga pa rin akong nakapasok as A.U. kahit na puyat kagabi. Pero halata sa mukha kong hindi ako nakatulog ng maayos.
Nagsimula na ang klase pero hindi pa rin dumadating si Summer, mukhang may hang over pa ang isang yon. Mas marami atang nainom kaysa sa akin. Buti nalang naisuka ko ang alak kagabi kung hindi baka hindi rin ako makapasok ng maaga.
Pagkatapos ng mahaba-habang lecture ay sumapit na rin ang break time namin.
Tinext ko si Brooklyn kung saan sila magbe-break, pero sabi niya sa cafeteria pa rin kaya nagmadali na akong nagpunta roon.
"Amethyst halatang nakatulog ka no?" Kantayaw agad sa akin ni Brooklyn. Natawa nalang ako dahil doon at umupo na sa katabing upuan niya.
"Ewan ko lang sa iba, ang lakas uminom pero susuka pala, weak!." Pang-aasar ni Quinn kay Brooklyn. Sa barkadang ito, sila talaga ang buhay, parati kang matatawa sa asaran nilang dalawa.
YOU ARE READING
Oath to Him (Him Series #1)
General FictionAmethyst decided to left her mother and study in the city for she was offered by a scholarship. Grabbing the opportunity, hoping for a peaceful college life, suddenly the tables turned. She was chased by this drop-dead gorgeous student from enginee...