CHAPTER FOURPagkatapos ng Insidente sa CR ay agad agad akong kumuha ng towel at lumabas sa Cr baka magahasa ko pa ang alien na'yun.
walang pansinan hanggang sa paghiga sa kanya-kanyang kama , gagi pano ko naman yun kakausapin? ang awkward ah.
napansin ko din na parang hindi naman talaga siya alien, kasi wala sa galaw at itsura eh para lang siyang korean actor na napadpad sa pilipinas sakay ng spaceship, pwede siyang si Mateo Do.
"Huy!" tawag ko sa kanya. pasensya na ang tahimik eh di ako sanay na hindi tumatalak ng matagal.
"What?" sunget! panget naman psh.
wala naman akong sasabihin sa kanya trip ko lang talagang tawagin HAHAHA pang-asar ba!
asar panget! bleh
pero teka hanggang kailan kaya magtatagal ang alien nato dito? nagaalala ako kasi baka malaman ng mga kapitbahay kung mga chismosa topic nanaman ako sa bayan psh.
"Huy! Kailan ka lalayas?" aba baka akala niya ay welcome na welcome siya dito kahet pa na ulam yung abs niya ay di paden uy!
Dalagang pilipina ako kaya hindi pwede ang live in hanggang wala pang kasal propose muna bago live in.
" I told you, i dont have a place here in your planet" so kasalanan ko? ang alien nato andami ko na ngang problema sa buhay sumabay pa.
pero kawawa din naman pala siya, syempre ang magaganda ay naaawa din kaya kawawa siya.
Hindi ko na muna siguro iisipin 'yon dadating din ang panahon na maiinlove siya saken hihi joinks lang.📍
Maaga akong nagising dahil sa mga punyetang manok ng kapitbahay naming si Bakek, pangalan palang panget na. Panget naman talaga psh.
Bumangon ako at Hindi sadyang napatingin ako sa alien na ang himbing ng tulog, kita mo'to parang tao talaga malayong malayo sa mga alien na nakikita ko sa mga movies.
Plano kung pumunta ng palengke para magbenta ng mga gulay kaso ang bestfriend kung bruha ay hindi ko mahagilap busy nanaman siguro magpadilig sa nobyo n'yang panget.
Nagkalkal ako ng pwedeng maluto sa ref ko kahit naman pulubi ako ay afford ko paren ang ref kasi nga love ako ng parents ni Tess, bruhang 'yon.
Ang swerte swerte niya sa mga magulang niya samantalang siya, Ewan puro sama ng loob ang dala pero love ko 'yon kahit malande at panget ang boyfriend niya.Maraming stock ng itlog , favorite ko kasi ang itlog. Kahit anong klase ng itlog payan kahet pa itlog ni Jackson hihi joke lang naman po. ;|
May natirang kanin kagabe kaya magsisinangag nalang ako para may makain kami ni alien boy at baka pag hindi ako nagkapagpigil ay siya ang makain ko, mukha pa namang masarap ang pandesal niya.
Nagulat ako ng may biglang yumakap saken sa likod, back hug ba. Ang sweet sana kung totoo lang kaso ang gagong alien feel at home agad pumunta sa ref at naghahanap ng kung ano.
"Itlog at tubig lang laman n'yan boy" wala talagang ibang laman kasi naubos ko, hindi naman ako rich para magkastock ng marami ang ref ko noh.
At ang kumag parang badtrip na badtrip, abat magbigay ka kaya ng pera at ibibili kita ng pagkain mo.
Nabigla ako ng maglabas siya ng cellphone at ang lolo niyo naka Iphone! Saan niya ninakaw 'yan? Naku! Wag lang siyang magnanakaw at baka ipapatay ko siya!
"Huy! Saan mo nakuha yang Iphone nayan? Wag mong sabihing ninakaw mo? aba di pwede yan" ayoko talaga sa mga magnanakaw mas pipiliin ko pa atang mamatay ng marangal kaysa magnakaw.
Pitaka lang ng mga magulang ko ang dudukotan ko hihi."Tsk No, My Butler sent this to me" WHAAT?? pwedeng siyang makatanggap ng mga bagay galing sa planeta nila kahit pa nasa ibang planeta siya? Hmm, baka pwede din ang pera? kasi diba, cellphone nga napadala pera pa kaya.
"Hmm, pwede bang mapadala ang pera?" Wala ng Hiya hiya! mahirap lang ako at wala akong trabaho para mag alaga ng dambuhalang gwapong alien hindi ko na nga kayang buhayin sarili ko tapos dadagdag pa 'tong si Alien Boy na Yummy.
"About that, Let's go shopping today. Let's also buy some food to put in your tiny refrigerator" abat ang gagong to, maka tiny naman sa favorite refrigerator ko hmp! "And Also I did'nt stole money from anyone like i said my butler gave it to me" edi cakes, edi ikaw na mayaman tsk.
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS AN ALIEN (ON-HOLD)
RandomON-HOLD BUT UNDER EDITING, DOESN'T HAVE ANY TIME TO WRITE HUHUHU MODULES/ONLINE CLASS IS A BITCH T^T. WHAT I'LL DO NALANG SINCE I CAN'T WRITE FOR UD IS TO EDIT THE CHAPTERS HEHE. KEEP SAFE ALWAYSSS!! ♡♡