CHAPTER SIX
Nasisilaw ako sa sinag ng haring araw sa may bintana ko. Yawa naman eh antok na antok pa ako!
Mga madaling araw na kami nakatulog ni Drake dahil sa hinintay pa namin ang dating ng kama na inorder niya dahil ang magaling na lalaki nag inarte at hindi nadaw niya keri ang matulog pa sa lapag ng isang araw. Arte.
Nilinis ko nadin kahapon yung isang room kaya solo ko na ang room ko, mabuti naman.
Pinag-shopping din pala ako ni Alien kahapon kaya madami akong mga damit at pati dress na hindi ko naman ata magagamit ay binili ni Alien.
Nag-text ako kay Tess at papabisitahin ko siya sa bahay para i-flex ang bagong look ng bahay ko, ang dating parang tirahan ng ibon ay nag-ivolve na at parang mamahaling condo na.
Andaming mga bagong bagay kaya madami ding nakapansin at kagaya ng inaasahan ko ay topic nanaman ng baranggay. Sikat eh.
Bumangon na ako kahit pa antok na antok na ako, nagugutom nadin ako eh wala naman akong katulong para may maghanda sa mga kailangan ko.
Kamot kamot pa ako ng ulo palabas pero napatigil ako ng makakita ako ng anghel na nagluluto at ito pa NAKA BOXER LANG. Ang hot naman po.
Parang hindi na ako gutom gusto ko nalang siyang titigan hanggang sa matunaw siya.
Napalingon siya sakin at feeling ko ay pagtatawanan niya ako sa itsura ko. Sino ba namang hindi matatawa eh parang pugad na siguro ng ibon ang buhok ko tapos may lakas ng loob pa akong pagnasahan siya.
"You dont have plans on washing your face? Your hair looks like a birds nest" Sabi ko nga psh. Nagdiretso na ako sa cr at bongga na ito at may pa-salamin na, Mukha pang pangmayaman. Sosyal ko talaga.
Pagkalabas ko ng Cr ay tapos ng magluto ang magaling na lalaki, akalain mo 'yon marunong pala magluto ang lalaking 'to.
Na-curious ako bigla nagaaral kaya ang gwapong 'to? May University kaya sa planet nila? matanong nga."Hmm! So anong year muna? like Highschool kaba or College na" o baka naman senior siya pero bago pa lang naman ang Kto12 kaya malabong Senior siya college na ata 'to eh.
Tumingin muna siya saken , kita moto nagtatanong lang eh hmp.
"I have my own company" Ay iba ang layo sa tanong ko gurl! Stress nanaman ang beauty ko. Pero diba prinsepe siya? pinapayagan pala siyang magmanage ng company? so hindi sila mahigpit hmm.
Hindi ko nalang pinansin at kumain nalang. Wala naman siyang kwentang kausap.
Iniisip ko din kung anong pwede kung gawin bat ba kasi Lockdown? hindi tuloy ako makagala last last day nga noong nagshopping kami ay pahirapan kasi Social Distancing pero wa'epek paren sa iba. Titigas ng mga ulo hmp.Bigla kung naisip na may mini garden nga pala ako sa may likod lang ng bahay baka may mahanap akong buto na pwede kong itanim, gulay lang naman ang laman nun mga kalabasa at string beans lang.
Bago ko pa makalimutan na may kasama nga pala ako sa bahay ay bigla nalang sumulpot si Alien boy sa tabi ko.
"Lalabas lang ako saglit, may ipapabili kaba?" Ay pers of all pers tym niyang mag tagalog at jusko day! ang hot niya huhu magkakasala ata ang mother brain ko.
Pero diba hindi pa pwedeng gumala? Hindi ata alam ng alien na ito na Lockdown baka huliin pa ito ng mga bantay sa may kanto, kulungan pa abutin niya tsk.
"Pero.. Lockdown diba? Hindi pwedeng gumala boy" ayoko namang makulong siya dahil lang sa galang gala na siya tsaka san naman siya gagala eh sabi nga niya wala siyang kilala dito? "Tsaka diba? saan ka naman pupunta e wala ka ngang kakilala dito".
Ang magaling na lalaki wala man lang sinagot ni isa sa tanong ko at bigla nalang lumabas sa pinto ng hindi nagpapaalam, tsk walang respeto sa may ari ng bahay! Itapon ko mga gamit niya eh psh.
Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagpunta sa may likod bahay para naman hindi ako masyado maboring may TV naman kaso wala ng Abs kaya ayaw ko ng manuod.
May ibang channel naman kasi naka flatscreen at naka SKY Direct na ako bumili pa si Alien boy ng ABS-CBN TV Plus hindi ata siya nainform na nagsara na ang ABS nagtaka din ako kung pano niya nalaman ang TV Plus chuchu nay'on. Amazing talaga.
Maganda ang Tubo ng mga gulay ko lagi ko kasi silang dinidiligan, inaalagaan ko sila na parang jowa ko. Kunware sila yung jowa ko hihi.
Hindi ko alam kung saan nagtungo ang magaling na lalaki pero walang pake kasalanan niya, pag nakulong siya hinding hindi ako magpe-pyansa bahala siyang mabulok sa kulongan.
Pero , ang gwapo naman ata niya bilang bilanggo kaya papalayain din siya.
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS AN ALIEN (ON-HOLD)
RandomON-HOLD BUT UNDER EDITING, DOESN'T HAVE ANY TIME TO WRITE HUHUHU MODULES/ONLINE CLASS IS A BITCH T^T. WHAT I'LL DO NALANG SINCE I CAN'T WRITE FOR UD IS TO EDIT THE CHAPTERS HEHE. KEEP SAFE ALWAYSSS!! ♡♡