Part 6

2.6K 116 5
                                    

Napailing-iling si Andrei at ngumiti. Bakas ang kaaliwan sa gwapong mukha nito. "I almost forgot that you are an eccentric one. Muntik na akong maniwala sa mg sinasabi mo."

Maniwala ka talaga dahil totoo! Buwisit ka!

"Huwag kang magbibiro ng ganyan sa iba, ha? Hindi ka nila kilala. You need to be always careful. Ignorante ka pa naman." Muli nitong ginulo ang buhok niya.

Ikaw ang mas ignorante sa ating dalawa Drei... O baka naman hindi lang siya gusto nito? At iyon ang paraan nito sa pagtanggi sa kanya para hindi siya masaktan? Parang gustong tabigin ni Melody ang kamay nito na nakahawak sa kanya sa naisip.

"Oh, what's the big deal here?" Bumungad mula sa pintuan ang kadarating lang na Kuya niya.

"Not really a big deal. Pinaglololoko kasi ako ng kapatid mong 'to. I almost had my heart jump off my chest."

"Bakit nag-propose ba ng kasal sayo?"

Melody saw Andrei laughed again. At parang gusto niyang sipain ang dalawa nang mag-duet pa ang mga ito sa pagtawa.

Lumapit sa kanya ang kapatid niya. "Sis, don't cause too much trouble." Niyakap siya nito ng mahigpit. "At pag-aralan mong gumamit ng telepono. Tawagan mo si Mama at nang hindi naman ako ang kinukulit niya, ha? Take care." Kumalas ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Kinuha nito ang travelling bag at muling lumabas ng bahay.

She sighed. At napayuko siya. Parang na-drain lahat ng energy niya sa katawan. "Ouch!" Napahawak siya sa noo dahil biglang may pumitik doon. Napakunot-noo siya nang makita si Andrei. Hindi pala ito sumunod palabas sa kapatid niya.

"Cheer up! It's not like were not going to see each other anymore. Pasensya ka na kung isasabit ko yung kuya mo sa pag-alis ko at maiiwanan kang mag-isa dito."

Napalabi siya. "Malamang magiging sikat na sikat ka. Yung tipong hindi ka na puwedeng basta kausapin ng kung sino lang. At malilimutan mo ang isang tulad ko."

"Hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa hinaharap. If you're that afraid to wait just sitting around, pwede mong gawan ng paraan ang lahat kung gugustuhin mo."

Unti-unting umangat ang mukha niya dito. At nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa noo niya.

Andrei kissed her forehead.

"Bye," mahinang bulong nito.

Nang makaalis ito sa harap niya ay tamemeng napahawak lang siya sa noo niyang hinalikan nito. 

He kissed me! Ilang segundo siyang hindi nakakilos. Narinig niya ang pagtunog ng makina ng sasakyan sa labas. Dali-dali siyang lumabas. Subalit usok na lang ng sasakyan ang nadatnan niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hala! Anong nangyari dito? Mas malala ito kaysa karaniwan, ah!" banat agad ng kaibigan ni Melody na si Ranessa pagkapasok sa loob ng bahay niya. Napapalatak pa ito sa makalat na ayos ng sala niya.

"Ran," tawag niya dito.

"Ay kabayong multo!" Napahawak ito sa dibdib nang makita siya. "Syet! Anong nangyari sa'yo?"

"Ah ito ba?" Itinuro niya ang eyebags niya. "I couldn't sleep for three days now."

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Hindi e. Mas malala pa ang itsura mo sa sinapian ng demonyo." Inusisa nito ang kanyang mukha. "Huwag mong sabihing tumitira ka na ng drugs, Melody?"

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon