Part 12

2.6K 116 8
                                    

Tulala si Melody habang nakaharap sa laptop niya. Makikipag-chat sana siya sa mga die-hard fans ng mga libro niya subalit ayaw makisama ng mga daliri niya. O mas tamang sabihing ayaw kumilos ng buong katawan niya.

Nang tumingin siya sa screen ng computer ay may kiss advertisement na ipinakita doon. Nanlaki ang mga mata niya at naeskandalo siya. Bigla niyang isinara ang laptop.

Mag-isa lang siya sa condominium unit ni Andrei. Parehong nasa trabaho ang lalaki at ang kuya niya. Magmula ng mangyari ang halikang 'yon ay hindi pa sila nagpapansinan ng binata. Mabuti na lamang at may pagka-insensitive ang kapatid niya kaya hindi ito nakakahalata sa nangyayari sa kanila ng lalaki.

She touched her lips as she recalled that magical moment. Nang mangyari 'yon ay parang may kung anong bagay na kinuha mula sa pagkatao niya ang binata na hindi na maibabalik pa. At buong puso niya iyong ibinigay dito.

Binuksan niyang muli ang laptop. She typed one name on the search box. Pumuno sa screen ang larawan ng lalaking nasa isip niya. Nandoon ang mga personal na impormasyon sa Hollywood actor na si Andrei Wallas maging ang ilang videos ng mga pelikula nito. 

She remembered that it was her first time on the crowded movie house just to watch Drei's first movie. Gumanap ito bilang isang assassin na nagbabagong buhay subalit pilit na hinahabol pa rin ng nakaraan nito. She really cried even though it was an action movie. Namatay kasi ito sa huli sa pagliligtas sa leading lady nito. Natatandaan niyang pinagtitinginan siya noon ng mga katabi niya dahil siya lang ang kaisa-isang umiiyak doon. Feeling niya kasi ay totoong pumanaw si Andrei at hindi niya 'yon kakayanin kung saka-sakali.

Ang pangalawang pelikula nito ang talagang nagpasikat dito kung saan gumanap naman ito bilang isang wise gambler. Doon ito na-nominate na best actor sa Oscar kahit bago pa lang ito sa industriya. Pagkatapos no'n ay nagkasunod-sunod ang movie offer dito sa Hollywood. Kapag nagtatagumpay ito ay palihim din siyang nakikipagselebra sa mga achievements na naabot nito. Nagiging masaya siya para sa lalaki.

"I'm home!"

Napaigtad siya nang marinig ang pamilyar na boses. She stiffened on the couch.

Heck! Papasok ba ako sa kuwarto para pagtaguan si Andrei o ano? Subalit hindi pa siya nakakapagdesisyon ay inabutan na siya ng lalaki sa may salas.

"Err... n-nadito na ko." Napahagod ito sa buhok.

"Aah...y-yeah." Tumango siya ng hindi tumitingin dito.

Naupo ito sa kabilang dulo ng sofa na inuupuan niya.

"S-si kuya?" lakas-loob na tanong niya.

"Nag-overtime sa office."

"E ikaw? B-bakit ang aga mo?"

"Maagang natapos ang commercial shoot."

"Aahh..." Napatango siya. Namayani ang katahimikan ng may limang minuto.

"What were you watching?" pamaya-maya ay tanong nito.

Panic strikes through her when she realized that Andrei's video was still on the screen. Mabilis niyang pinindot ang right click sa isang random video.

Nag-play ang isang video ng baseball game. Pareho pa sila ng lalaki na curious na tumunghay doon nang makitang may ilang milyon na ang viewers no'n. Mukhang laro iyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa isang pampribadong university iyon nakapangalan.

It was a chaos that started to lit between the pitcher and the batter. Tinamaan ng bola ang batter kaya sinugod nito ang pitcher at sinapak hanggang sa magsisuguran ang bawat miyembro ng magkabilang team at nauwi sa away ang lahat.

"Whoa! That's a school scandal," saad ng binata. Hindi nila napansin na magkatabi na silang dalawa sa sofa.

"Kasalanan ng pitcher! Sinadya niyang patamaan yung batter!" agad na akusa niya.

"No. It's not the pitcher's fault. Yung batter yung may kasalanan kung bakit siya tinamaan ng bola. Inosente yung pitcher tapos sinapak niya."

"Sira ka ba! E, kitang-kita sa video na tinamaan yung batter. Paanong naging inosente yung pitcher?"

"Bulag ka ba? Nasalo ng catcher yung bola, di ba? Ibig sabihin tama lang yung direksyon ng pagkakabato ng pitcher. The batter was the one on the wrong positioning."

"Kasalanan ng pitcher!"

"No! It's the batter's fault!"

"Pitcher sabi e!"

"Batter!"

"You! Playboy!"

"Cave woman!"

"Narcissistic! Jet-setter!"

"Stupid comic writer!"

"Eye-candy actor!"

"Ignorant rare being!"

Naglapit ang mga mukha nila dahil sa paggigirian. Ngunit agad na natunaw ang pag-kaasar ni Melody nang mapansing masyadong malapit ang mukha ng lalaki. Sabay pa silang lumayo sa isa't-isa. Nagpasalamat siya ng biglang maputol ang tensyon sa pagtunog ng cellphone niya. Ang editor niya ang tumatawag. Sinagot niya iyon.

"Nani? Yuki-san." *Nihongo

"Melody –sensei!!! Tai-hen-da!!!"

Nailayo niya sa tainga ang cellphone sa pag-atungal nito.

"Doku iku? Chief-editor waz angeru..."

Napangiwi siya sa balikong ingles nito. Tinatanong nito kung nasaan siya at sinasabi nitong nagagalit ang chief editor. "Okuteru? Watashi?" Itinuro niya pa ang sarili. "Nande?"

"Sorewa anatoa ne... manga urpdeit cancerrd." Dahil daw sa pagka-cancel niya ng kanyang manga update.

Napatayo siya at tumalikod kay Andrei. "Sho ganai... Matte ne! Imawa...Irimasu dakara shimpai suna!"

"Hayaku tete koi sensei! Wern aru yo commin hir?" Kailan daw niya balak pumunta doon?

"Ssah... Wakara nai!"

"Ashta?" Kung bukas daw siya pupunta?

"Shiranai teba!"

Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Wakata... Matteru!" Maghihintay daw ito sa kanya.

"Dyane Yuki-san! Sayonara!" Ibinaba niya mula sa tainga ang cellphone. Napailing at napapalatak na lang siya.

Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Pero unti-unting naglaho iyon nang muli siyang humarap kay Andrei. Puno ng pagdududa ang anyo nito habang nakaharap dito ang laptop niya. Kumabog ang dibdib niya nang makita niya sa screen ang folder na nakabukas doon.

"What's the meaning of this Melody?" walang kangiti-ngiting tanong ng binata.

****

Author: Hala! Lagot ka Melody!

- Amethyst -

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon