Part 18

3K 119 6
                                    

"Hindi ba't ako naman talaga ang gusto mo? You've been following me ever since the day we met."

Nakaramdam ng iritasyon si Melody sa kaarogantehan ng binata. "Hah! Patawa ka! Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo!" 

But you are the only guy in my eyes.

Ikinulong siya nito sa pagitan ng mga bisig nito na nakalapat sa may sasakyan. "You've been crazy about me since you're sixteen. Alam ko na noon pa na may gusto ka sa akin. You even proposed to me in such young age."

Naggirian ang mga ngipin niya. Hinampas niya ng nakakuyom niyang kamao ang dibdib nito. "Na hindi mo sineryosong gago ka! Pinagtawanan mo pa ako and you assumed that it was only a joke!"

"Cause you were very young back then! Dahil inakala kong infatuated ka lang sa isang artista na gaya ko! I was very fond of that strange little girl. I thought that affection was only natural to feel for a little sister. Pero nang umalis ako, hindi ko naramdaman ang pakiramdam na 'yon sa ibang babae. Wala ni isa mang nagpasaya sa hungkag na pakiramdam ko tulad ng ginawa mo."

Nabaghan siya sa sinabi nito. Nag-init ang kanyang mga mata at mula doon ay pumatak ang mga luha. Suminghot siya. "Then, sino yung babaeng kausap mo sa phone?"

"Huh?"

"I heard it on the wedding. May kausap ka sa cellphone. Ang sabi mo pa, you'll always need her. Paano mo nasasabing ako lang ang nakakapagpasaya sayo gayung ibang babae naman ang kailangan mo sa tabi mo?"

Natigilan ito na waring naalala ang tungkol sa sinasabi niya. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "It's not what you think it is. The w-woman who I was talking with, she's my m-mother."

Nagulat siya sa narinig. Bumalik ang guilt sa kanyang dibdib nang maalala ang sinapit ng pamilya nito. Napayuko siya. "I'm sorry..."

"No. You don't need to apologize. Ang dahilan kung bakit ako nandito ay dahil nakipagkita ako sa kanya. The two of us just needed closure."

Agad din siyang napatingala dito. "Anong closure? Nanay mo 'yon! At hindi isang ex-girlfriend na kailangan mong kalimutan. Bakit mo sasarhan ang puso mo sa isang taong nag-iisang pamilya mo? At iyon pa ang taong nagluwal sa'yo?"

"She has her new family. Hindi niya ako kailangan."

"Pero kailangan mo siya."

"Hindi tulad ng pangangailangan ko sayo, Deedee." Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya.

"Hindi ba't galit ka sa akin?"

"At first yes, but I could never get mad at you forever. At kung nagalit man ako sa'yo dahil sa pagsunud-sunod mo sa akin, iyon ay dahil isa akong malaking ipokrito."

"Sinaktan kita."

"Hindi mo sinadya. Wala kang alam. Ako ang talagang nanakit sa'yo. Forgive me Deedee for being a jerk. I kept on hurting you even though I didn't want to see you sad." Itinaas nito ang isang kamay at pinahid ng daliri ang mga luhang namalisbis sa kanyang pisngi. "Kalimutan mo ang mga sinabi ko. I take back my words. Hindi ko nanaising mawala ka sa paningin ko. And please... huwag kang magpapakita sa akin na nakadikit ka sa ibang lalaki. Baka magkasala ako ng wala sa oras."

Napahagikgik siya. "He's only a friend."

"I don't care even if he's your relative. I don't want to see you laughing and having some fun with another guy. Ngayon ko lang nalaman na possessive ako, Deedee. When it comes to you, I'd lose my temper and I couldn't control myself."

Nagkatama ang tungki ng ilong nilang dalawa. "M-mahal mo ba ako?"

Tumingin ito sa kanya ng deretso. And Melody was under his spell like she could see his soul with those dark brown eyes looking at her so honestly. "I don't know... if this is love. This is the first time that I felt this way. Pero kung pag-ibig ngang matatawag ang uneasiness na nararamdaman ko tuwing wala ka sa tabi ko, ang saya sa puso ko sa tuwing magkasama tayo. The irrational jealousy over nothing. The tautness, eagerness, and nervousness in just mere physical contacts. The bursting desire to make you mine, the barrenness I felt when you're gone that almost drove me insane. If those moments could be reflect as love, then hell yeah! I'm in love with you in every possible way."

Hindi muling maiwasang mamasa ng kanyang mga mata. "Bakit hindi natin tuklasin kung postibo ngang pag-ibig ang nararamdaman mo sa akin?"

"How?" malambot ang ekspresyon na tanong nito.

Ngumiti siya athinaplos ang pisngi nito. "Let's have a date."

****

- Amethyst -

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon