Part 16

2.9K 119 6
                                    

But now someone made Andrei feel the love that he's been longing for all his life. Isang bagay na ginawa nang taong 'yon na walang kondisyon o hinihinging kapalit. Isa siyang malaking tanga dahil hindi niya pa nakita ang bagay na 'yon. Nakuha niyang saktan ang isang taong wala namang ginawang masama.

Sa maghapong nagdaan ay wala siyang inisip kundi si Melody. Kahit sa ilang shooting at photo shoots ay parang wala siya sa sarili. Pagdating ng alas-siyete ng gabi ay naghanda siyang makipagkita sa taong tumawag sa kanya.

Nang pumasok siya sa lobby ng hotel ay may ilang tao na napapatingin sa kanya. Somehow, the overwhelming he felt before whenever he caught people's attention vanished like a dust on the air. Iisa lang ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Emptiness. Regrets. Longing.

Deretso ang tingin niya at hindi niya nakikita ang mga mukha ng taong nakapaligid sa kanya. Nang makarating siya sa ipina-reserve na table sa mamahaling restaurant na mismong nasa loob ng hotel, ay agad niyang nakita ang pakay sa kaunting taong naroroon.

Madeleine looked very elegant on her white evening dress. Kumikinang din ang mga suot nitong alahas sa katawan. She was just that kind of woman, mahilig sa mga mamahalin at kumikinang na bagay. He took a sigh before he sauntered towards her. 

Unfortunately, mukhang hindi eksklusibo para sa kanilang dalawa ang magiging pag-uusap na iyon. May katabi itong nakaupo sa table. A young girl with blonde hair and blue-eyes like Madeleine. But Madeleine was British while the girl surely was a white American. 

Parehong nakangiti at nakatingin sa kanya ang dalawa nang lapitan niya ang mga ito. Madeleine had a delighted expression while the girl on her side had a flabbergasted one. Palihim siyang napailing. Kailangan bang ma-stars-struck sa kanya ang lahat ng babaeng makakakita sa kanya? He was just a person like everybody else. Nataon lang na naging aktor siya. 

He didn't know himself but he felt irritated instead of being flattered. Hindi siya nito kailangang tingnan na para bang isa siyang Diyos na bumaba sa lupa. Iisa lang ang taong gusto niyang tumingin sa kanya ng ganoon. At iisa lang ang taong papayagan niya na tumitig sa kanya ng may mahigit isang oras na walang patid. Subalit ang taong 'yon ay wala sa tabi niya. Muli siyang nakaramdam ng kahungkagan nang sumagi sa isip niya ang bagay na 'yon.

"Drei. It's really good to see you." Humalik sa pisngi niya si Madeleine. Sinenyasan siya nitong maupo. Tumikhim ito at mukhang walang balak na magpaliguy-ligoy pa sa sadya nito. "I want you to meet Grace here. She's my stepdaughter. Do you remember? I told you about her way back in the US."

"Yeah," matabang niyang sagot. Hindi siya tumingin sa babae. Alam niyang kabastusan iyon subalit wala siyang pakialam.

"D-drei... I really couldn't believe that you're in front of me right now! I was really thrilled when my Mom told me that she's a relative of yours. I'm so lucky to have a mother like her who's acquainted to a popular star," elated na wika nito.

"Yeah." Hindi pa rin siya tumitingin sa mukha ng babae. Wala siya sa mood para mag-entertain ng isang taong hindi niya naman kilala. Subalit nagulat siya nang walang paalam na hawakan nito ang mga kamay niyang nakalapag sa ibabaw ng mesa.

"I am really amaze that I'm touching the real Andrei Wallas. Flesh and blood. Girls all over the world would surely get envious of me if they knew that you're going to be my husband."

Marahas ang ginawa niyang pagbaling dito nang marinig niya ang bagay na 'yon. "What's that supposed to mean?"

Ngumiti ito. "Madeleine said that you're going to consider me as your future wife because she told you so. My Daddy didn't agree but I really like you so I guess it wouldn't be a problem if it is my happiness that matters."

Ilang beses siyang napailing. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Madeleine. There was no guilt or trace of shame on her face. Ang nandoon ay isang purong determinasyon at isang uri ng kumpiyansang nagpapasulasok sa kanyang sikmura. 

It was cruel yet it's the truth. Na magagawa siyang ibenta ng taong pinagmulan niya. Inabandona na siya nito noon, bakit hindi pa ba siya nadadala? Walang kaso ang nararamdaman niya para dito. Ang mahalaga ay maging maayos ang lahat para sa sariling ikabubuti nito. 

He felt a bad taste on his mouth. He wanted to shout everything on his chest. Ang lahat ng mga karanasang pinagdaanan niya dahil sa pagiging makasarili ng kanyang ina. Yes, Madeleine was her biological mother. 

Mahigit labing-tatlong taon na rin ang nakalilipas magmula nang iwanan siya nitong mag-isa. She did love him as her child pero ang takot at ang isang banta sa buhay ay madaling magpabago sa isang tao at humanap ng isang matibay na masasandalan. Kaya nga ito nag-asawang muli at naiwan siya sa bahay-ampunan. 

Hindi niya ito masisisi kung ganoon nga. Dahil hindi niya rin gugustuhing malagay sa panganib ang buhay nito. Ngunit ang pagkontrol nito sa takbo ng buhay niya ay ibang usapan na. Ang paglapit nito sa kanya kung kailan nakakatayo na siya sa sarili niyang mga paa ay hindi nagkataon lamang. She wanted all the good things she could get. And he was really mad for that.

"Don't get too self-assured just because you thought that I would obey all your selfish acts," mahina ngunit matalim na pahayag niya. Kumuyom ang kanyang mga kamao.

"W-what?" napakura-kurap na saad ng stepdaughter ng kanyang ina.

"Andrei!" suway sa kanya ni Madeleine. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito kahit nandoon ang awtoridad sa tono nito.

"I'm tired of begging for you're love, Madeleine." Umangat ang mukha niya dito. Isang nang-uuring tingin ang ibinigay niya dito. "I tried to get along with you cause I thought that maybe... just maybe there are still those feelings remained that held onto us. That we could still be a family... though you left me without even checking up how I've been doing on the years that you weren't there. I looked things over like that thinking it was a petty reason though it's really not. But I guess... it's impossible." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo kahit kadarating pa lamang nang inorder nilang pagkain.

"D-drei!" Grace called him.

Huminto siya nang saglit. Subalit nanatili siyang nakatalikod. "Don't even think the possibility of marriage between us. I don't go for girls who used people just to get what they want. It's really a dense feeling that I feel like throwing up."

Tigagal ang napahiyang babae.

Mabilis na naglakad siya palayo sa mga ito. Nang makarating siya lobby ng hotel ay narinig niya ang pagtawag ng ina.

"Andrei!"

Huminto siya at seryosong hinarap ang humabol na babae. "What now?!"

"You don't understand me! It's the only way for you to be my son again."

Tumawa siya ng pagak. "It's not the only way! It's just the way you wanted! You are prepared to destroy my life just to get things in order for you to live comfortably." Muli siyang napailing. Malungkot siyang tumingin mukha ng babaeng nagluwal sa kanya. "Mom, hear me out. I don't hate you. Go back to your new family. I have my own life, you have yours. The two of us could never be together." Muli niya itong tinalikuran. Sa pagkakataong 'yon ay hindi na ito humabol pa.

Sa mukha naman ni Madeleine Henley ay nandoon ang hindi matatawarang pagsisisi. Ang gusto niya lang naman ay magkaroon ng kasama sa buhay ang kanyang anak. Because she knew that he's always alone lalo pa't sa uri ng trabaho nito na hindi nakakasalamuha ang mga pangkaraniwang tao lang. 

Ipinakita niya ang isang uri na pekeng maskara sa anak upang isipin nitong isa siyang materyosang tao at isang gahaman. Dahil ayaw niyang patawarin siya nito sa ginawa niyang pag-iwan dito nang mamatay ang ama nito. Isang kasalanan iyon na dadalhin niya habang buhay. At tama ito na may kanya-kanya na silang buhay. Bigo siyang uuwi ng Amerika subalit hindi siya titigil sa pagdarasal sa itaas na sana'y maging maligaya si Andrei. Her son deserved to be happy more than anyone else. 

****

- Amethyst -

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon