Four years later...
Inayos ni Melody ang pagkakakabit sa kunwaring ID niya. Nakasabit sa leeg niya ang isang camera. Ang outfit niya ay katulad sa mga reporter at paparazzi na naroon sa simbahan.
Tumingin-tingin siya sa paligid. Halos puno na ng tao sa loob subalit hindi pa rin pumapasok ang groom.
Namataan niya ang groom sa labas. Kausap nito ang bestman. Kinuha niya ang camera at kunwang itinutok sa lalaki. Ang lalaking ikakasal ay isang mayamang businessman.
Nathan del fiero---ang kaisa-isang tagapagmana ng del fiero's na nagmamay-ari ng L-Zone malls. Ikakasal ito sa hindi kilalang babae. Wala pang nakakakita sa magiging bride nito subalit usap-usapan ng mga tao sa loob na isa lamang itong pangkaraniwang babae.
Ang mga bisita na naroon ay hindi kung sinu-sino lang. May mga politiko, kilalang negosyante, at mga artista.
Tama, artista. Isang artista ang nag-iisang dahilan kung bakit siya naroon. Nakuha niya mula sa isang authentic source na tutungo ito doon upang daluhan ang kasalan. Isa kasi itong endorser ng L-Zone at isa sa mga sponsor nito ang nasabing kompanya.
Her heartbeat started to race like crazy as she took a glance to a familiar person. Wala itong naging malaking pagbabago sa nakalipas na apat na taon. Tumangkad lang itong lalo at medyo lumaki ang katawan.
He's still as dashing and good-looking like hell as ever! He's like a demigod on that Armani dark suit.
Isang dreamy look ang ibinigay niya sa lalaki. Parang oasis sa gitna ng disyerto na napunan ang pananabik niya.
Nagkaroon ng ingay at mahinang komosyon sa loob nang pumasok ang lalaki sa loob. Sino ba naman ang hindi matuturete kung makikita mo ng personal ang sikat na Hollywood actor na si Andrei Wallas? Hindi lang sa Pilipinas pinagkakaguluhan ang binata. Sobrang popular din nito sa Amerika at maging sa iba't-ibang panig ng mundo.
Subalit napasimangot si Melody nang makita ang babaeng kaangkla nito. Darlene Buenavista---isang sumisikat na teen star at anak ng isang senador. Nang pumasok ang mga ito sa loob ng simbahan ay may ilang personalidad nagsipagbati at nagsipagkamayan sa mga ito.
Sa mukha ni Andrei ay naroon ang isang polite na ngiti. Samantalang abot hanggang tainga ang ngiti ng babaeng kasama nito. Nakaramdam siya ng panibugho. Nagprotesta ang kanyang puso. Pero hindi na bago sa kanya ang ganoong eksena. Pang-ilang babae na ba 'yon sa nakita niyang kasama ng binata?
Kinabahan siya nang pumuwesto ang dalawa malapit sa hanay ng inuupuan niya. Nasa may bandang kanan niya ang mga ito. Itinago niya ang sarili sa matabang ginang na katabi niya. Hindi siya puwedeng makita ng lalaki. O kung makikita ba siya nito ay makikilala pa siya nito?
Maybe not. Maybe he already forgot about the strange girl he met on the countryside.
Sumilip siya sa kinaroroonan ni Andrei. He was smiling while Darlene Buenavista was whispering something on his ear. Pagkatapos ay eleganteng tumawa ang babae at napahampas sa balikat ng binata.
Huminga siya ng malalim at napakagat sa kanyang labi.
Why do I need to torture myself like this?
It's because you were the one who pushed yourself in this situation! Dahil sa tangang katuwiran mong hindi ka mabubuhay nang hindi nakikita kahit minsan sa isang buwan iyang si Andrei! komento ng malupit na bahagi ng isip niya.
It's because I love him!
Napasabunot siya sa sariling buhok sa naisip at napailing-iling. Napahinto siya at napangiwi nang isang wierdong tingin ang ibinigay sa kanya ng katabi niyang ginang.
BINABASA MO ANG
Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceAndrei Wallas, isang artistang pinagpapantasyahan ng madlang kababaihan. At hindi naiiba si Melody sa mga babaeng 'yon. Isang weirdong comic writer na handang tawirin ang pitong kontinente, masilayan lamang ang lalaki. Sixteen years old siya nang m...