Nag-aalang tumingin si Melody sa binata. "T-that was..."
"Why do you have pictures like these?" kunot ang noong tanong nito. Mas malamig pa sa antarctic iceberg ang boses nito. Ang tinutukoy nito ay ang mga mismong pictures nito na kuha niya sa iba't-ibang bansa. Mayroon doong kuha nito sa US, sa Italy, sa France, sa Sydney, sa China, at sa Russia.
Napayuko siya. She's guilty.
"You've been tailing me eversince I left four years ago?" tumbok nito sa mga katagang hindi niya masabi.
Napahawak siya sa ulo. "H-hindi 'yon gano'n Drei..."
"Anong hindi gano'n?!"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya malaman kung paano ipapaliwanag ang sarili. "I-I'm sorry... I was just so desperate..."
Umiling-iling ito. "You are sick, Melody. That's not a normal thing to do."
Para siyang binuhusan ng tubig na may yelo sa narinig. Tumaas ang tingin niya sa binata para siguraduhing hindi nito masasabi ang ganoong bagay sa kanya. Na namamali lang siya ng rinig. Subalit nakita niya dito ang isang uri ng tingin na madalas niyang makita sa nakapaligid sa kanya noong bata pa siya. Indifference. Rejection. Suspicion. She swallowed as she felt a deep crater on her chest.
"Drei..."
Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Tumawa ng pagak. "Why did you do that kind of thing? Do you like me that much? What for? Pleasure? Obsession? Sex?"
Para siyang sinampal ng paulit-ulit sa sinabi nito. Natulala siya. Tuluy-tuloy na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.
Narinig niya ang ginawang pagmumura ng binata. Sinuntok at sinipa nito ang pader bago lumabas ng condo.
Pagkaalis nito ay tuluyang nanghina ang kanyang mga tuhod at napaluhod siya sa sahig. Walang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Napasubsob ang mukha niya sa magkabilang kamay. Napahagulgol siya. It's over! He thinks I'm crazy...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HATING-GABI na ay hindi pa rin bumabalik si Andrei. Ang Kuya Darren niya ay nasa silid na nito. Sinabi nitong magpahinga na siya at huwag nang mag-alala sa lalaki. Tinawagan daw ito ng binata at sinabing magpapalipas ng gabi sa isang kaibigan. But she couldn't help but be worried.
What if there's something bad happen to him? Kapag nagkaganoon ay hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili. Dahil sa makasarili niyang intensiyon, nagalit sa kanya si Andrei. Dahil inilihim niya dito ang damdamin niya, tuloy ay kailangan nilang umabot sa ganoon.
Dahil hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit sa binata ay nakuntento na siya sa pagtingin dito sa malayo. Sa pagsubaybay sa buhay nitong hindi na magiging parte ng buhay niya kailanpaman.
Muling tumulo ang kanyang mga luha. Nakaupo siya sa may sofa na ang tanging nakabukas na ilaw ay isang dim light sa sulok ng salas. Yakap niya ang mga tuhod na nakataas sa sofa. Dilat na dilat ang kanyang mga mata pero wala siyang nakikita. Just blurred pictures of two persons that laughing. Until it fades away as her tears fall.
Her heart sinned, pero hindi ito makaramdam ng pagsisisi sa mga taon na palihim na sinusundan niya si Andrei. Because she saw him in times that she wanted to run on his arms. Sa mga pagkakataong saksi ang langit kung paano magningning ang kanyang mga mata sa pagtawa ng binata.
Kung paano siya lumuha, kapag nakikita niyang nasasaktan at nalulungkot ito. Kung paano siya nag-alala at natakot para dito sa pagkakataong may panganib. Kung paano siyang lalong nahulog sa lalaki dahil ramdam niya ang tila pag-iisa nito kahit nasa gitna ito ng maraming tao.
She wanted to be there for him yet she couldn't. Nais niyang laging nakikita ang binata subalit iyon din ang naging mitsa para lumayo ito sa kanya. What the hell was she going to do now?
Napatayo siya nang marinig ang pag-click ng lock ng pinto. Her heart skipped a beat nang makita niya ang pagpasok ni Andrei.
"Oh, hi there, Miss Stalker!" namumungay ang mga matang saad nito. Halatang nakainom ang binata.
"Drei!" Sinubukan niya itong alalayan subalit itinaboy nito ang kanyang mga kamay.
"H-huwag mo akong hawa--kan!" Nagdire-diretso ito sa may sala at padaskol na umupo sa couch. Wala siyang nagawa kundi sundan ito ng tingin. "I hate the likes of you!"
Napasandal siya sa pader habang namamasa ang mga matang nakatingin dito. Silence ate that dim place. Pamaya-maya ay dumilat ito. Nakasandal ang ulo nito sa sofa at nakatingala.
"Isang tulad mo ang sumira sa pamilya ko..." mahinang saad ng binata. "That guy killed my father! Just because he's been obsessed with my Mom!"
Natakpan niya sa gulat ang bibig. What was he saying?
"I saw him. Kahit saan kami magpunta, lagi siyang nakasunod. My mother got scared until she couldn't bear it all and leave me." Umagos mula sa walang emosyon nitong mukha ang mga luha.
Halos madurog ang puso niya nang makita ang paghihirap ni Andrei. Pinigilan niyang magkatunog ang kanyang hagulgol. She covered her mouth and suppressed her cry.
"Iniwan akong mag-isa ng mother ko... then lumaki ako sa isang foster home sa Massachusetts. Walang nagke-claim bilang relative ko... wala akong kahit na ano." Tumawa ito ng pagak at walang buhay. "Until I became twelve... ang kapatid ng father ko who's a Filipino traced me." Pumikit ang mga mata nito na tila may inaalala. "Mama Victoria brought me here in her country and treated me like her own son. Dahil wala siyang kakayahang mag-anak, ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal at atensiyon sa akin. I was really happy for having a family again. But she also died five years ago leaving me behind... I may have everything now... but the truth is... I really have nothing."
Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Patakbong sinugod niya ito ng yakap. Wala na siyang pakialam kahit ipagtulakan siya nito pero hinding-hindi niya ito bibitawan. "Sshh... hindi 'yan totoo. Maraming tao ang hindi mo alam na nag-aalala sa'yo tulad ni Kuya Darren... ng mga kasamahan mo sa trabaho." Tulad ko...
Inangat nito ang mukha at pinakatitigan siya. "Whenever I think about that stalker, I got furious, Deedee. Pakiramdam ko, nandiyan lang siya sa tabi, nagmamasid sa bawat kilos ko at pinagtatawanan ang kawalang muwang ko. And portraying you as like that while you're chasing me... it was killing me, Melody..." Dumako ang isang kamay nito sa pisngi niya. "You are nothing like him but I'm really stupid thinking of that... cause I have my unfair share of fears and doubts in my heart. Do you understand?"
Ipinatong niya ang kamay sa kamay nitong nakahawak sa pisngi niya. Nakapikit na dinama niya ang init na nagmumula roon habang dumadaloy ang kanyang mga luha. "I do... naiintindihan ko." The whole world may not even understand you but I do... because I love you...
Malamlam ang mga matang ngumiti ito sa kanya. But that was a sad smile. "Then... will you disappear... in my life? Will you go far away... enough that I won't even think of you?" Napapapikit na ito na tila makakatulog na ano mang sandali.
Imbes na lalong umiyak ay isang ngiti ang sumungaw sa kanyang mga labi. Kahit daig pa niya ang pinatay sa tanong nito ay hindi nagprotesta ang manhid niyang puso. Dahil ang tanong na 'yon ay katumbas ng tanong na kung mabubuhay pa ba siya pa para sa sarili niya.
Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa noo nito. "Yeah," bulong niya. "Kung ikabubuti ng nararamdaman mo... kung ikababawas ng kahit konting sakit sa nakaraan mo, nakahanda akong hindi na magpakita sayo ng habangbuhay." Mahinang sinasabi niya iyon ng may ngiti sa labi ngunit walang patid ang pagdaloy ng lintik na mga luha sa kanyang pisngi.
Nang mahigpit niyang yakapin si Andrei ay tuluyan na itong ngumuyngoy sa kanyang balikat. That would be her last contact to the only guy she ever loved.
****
Author: This is so complicated. I don't know where sides to take on this.
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceAndrei Wallas, isang artistang pinagpapantasyahan ng madlang kababaihan. At hindi naiiba si Melody sa mga babaeng 'yon. Isang weirdong comic writer na handang tawirin ang pitong kontinente, masilayan lamang ang lalaki. Sixteen years old siya nang m...