Tumingin siya dito at isang ngiti ang pilit na pinasibol niya sa gilid ng kanyang mga labi. "Hindi ko ugaling magbiro sa ganitong mga bagay. Siguro Drei, eto na yung tamang panahon para hindi lang sa isa't-isa umikot yung mundo natin. Isa pa may trabaho ka sa ibang bansa, ganoon din ako."
"I can't understand you, Melody." Mariing ipinikit nito ang mga mata. Idinikit nito ang noo nito sa noo niya. "Akala ko ayos na tayo?" Medyo pumiyok pa ang boses nito.
"I don't know, Drei. Ang alam ko lang kailangan natin 'tong gawin. Let's separate ways just for a while. Kapag sigurado na tayo sa mga sarili natin, then doon tayo gumawa ng hakbang kung tayo talaga ang par—"
Hindi na niya nakuhang tapusin ang sasabihin nang basta-bastang hagkan siya ng lalaki. It was a kiss that shattered all her senses. Melting her defenses and made her want to cry. She felt every movement of his lips. Slow. Fast. Rough. Soft.
Nang pakawalan nito ang kanyang mga labi ay pareho silang humihingal. Desire was painted on his face. At gusto niyang ibigay ang lahat ng mayroon siya sa lalaking ito.
"I love you," anas nito.
Tumango siya. "Yeah. And I love you more." Subalit matapos niyang sabihin 'yon at haplusin ang mukha ng binata ay iniwan niya ito doon at nagmamadaling sumakay sa nakahintong taxi.
Tanaw niya ang nakasandal na binata sa pader habang nakatingala at nakapamulsa sa magkabilang gilid ang mga kamay. Hindi niya na napigilan ang sarili sa pagkawala ng pag-iyak.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
One week later
Inis na nakipaggitgitan si Melody sa mga taong nasa airport. Lahat sila ay iisa ang inaabangan. Inayos niya ang suot na salamin sa mata dahil sa pagkawala ng contact lens niya na kasalanan ng mga highschool students na nakikipagtulakan na para bang aagawan mo ng puwesto ang mga ito.
Hindi na siya makapaghintay pa na makita ang pakay sa pinagsama-samang yamot, frustration, at sobrang pagka-miss sa taong hinahabul-habol niya. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng iba o kahit gawin pa niyang dahilang muli ang trabaho niya basta makita niya si Drei.
One week ago, she decided to stay away from him dahil ayaw niyang maging dahilan ng kalungkutan ng lalaki. But what the heck! Kung siya ang magiging dahilan ng kalungkutan nito ay siya rin ang may kakayahang magpangiti dito. Obsessed na kung obsessed. Stalker na kung stalker, pero kailangan niya sa buhay ang binata.
Nang nakasakay na siya ng eroplano papuntang Japan, hindi pa man 'yon umaangat mula sa lupa ay gusto niya nang bumaba. Subalit hindi siya pinayagan ng stewardess dahil nakahanda na iyong lumipad pahimpapawid.
Tatlong araw pa ang lumipas bago niya nasundan si Andrei sa London kung saan ito may shooting ng isang pelikula. At kahit pa deadline na ng manga niya ay tinakasan niya ang editor niyang si Yuki dahil wala siyang mai-drawing sa blankong papel na pilit nitong pinaaatupag sa kanya.
But when she got in London ay ang kapatid niyang si Darren ang nadatnan niya sa site. Wala daw doon si Andrei. Ang sabi ng Kuya niya ay tumakas daw ang lalaki sa unang araw pa lang ng shooting kaya nga namomroblema ito sa paghingi ng tawad sa direktor. Isang malaking eskandalo ngayon ang kinakaharap ng lalaki dahil sa ginawa nito.
At hindi niya maiwasang ma-guilty dahil feeling niya, kasalanan niya kung bakit nagkaganoon ang binata. Nang may ilang araw na ang nakalipas ay isang paparazzi ang nakakita dito sa Japan at itinimbre niyon sa media ang pag-uwi ni Drei ng Pilipinas sa araw na 'yon.
Kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad din siyang umuwi sa sariling bansa.
"Drei! I love you Drei! Woohoo!!!"
Natakpan niya ang tainga nang magtilian ang mga babaeng may hawak ng banner malapit sa puwesto niya. Karamihan ay grupo ng mga highshool students ang mga taong naroon.
Napatingin siya sa taong lumabas mula sa arrival area. Agad niya itong nakilala kahit pa nakasuot ito ng shades. Umapaw ang pananabik sa puso niya nang masilayan ang binata. Napapalibutan ito ng security at halos magitgitan ang mga tao para makalapit dito.
"Anak ng tinamanang!" Dinig niyang saad ng katabi niya.
"Shit!" Napaupo siya sa sahig dahil sa tulakan ng mga taong naroon.
"Shit!"
Napatingin siya sa babaeng kasama niyang napasalampak sa sahig, nagkasabay pa sila ng linya.
Mabilis siyang tumayo. "Andrei, ang daya mo! You said you're going to England! Sinundan pa kita hanggang London pero sa Japan ka pala naglungga! Sinungaling ka! Kapag hindi ko na-meet ang deadline ko, ipapa-deport kita pabalik ng Iceland! You cold-blooded beast!" nanggigigil na saad niya. Parang walang nangyari na muli siyang nakigulo sa mga taong naroon.
Nang makalabas sila ng airport ay nakita niya ang gulat na reaksyon ng binata nang makita siya mula sa kumpol ng taong naroon.
"Wait," pigil nito sa ilang security na akmang hahawiin ang mga taong nagkakagulo. "Melody!" tawag nito. Inabot nito ang kamay. Maraming taong nagtangkang abutin 'yon. Agad siyang yumuko at pilit na nakipaggitgitan sa mga tao hanggang sa wakas ay makalapit siya sa lalaki.
Nang abutin niya ang kamay nito ay agad siyang ikinulong nito sa mga bisig nito. She felt like truly home when he hugged her so tight.
"Oh God! I missed you!" saad nito. Inalalayan siya nitong makasakay sa sasakyan nito.
Nang pareho silang nasa loob ng back seat ay nagulat siya nang siilin siya nito ng halik.
Napahawak siya sa balikat nito. "Drei—"
"I'm trying to control myself right now, Melody. So please just stay put and let me do as I please." Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. Napatingin siya sa driver na tila bingi at bulag sa mga nangyayari. Nang umandar ang sasakyan ay may ilang minuto siyang pinalipas habang hinahaplos ang buhok ni Andrei.
"I'm sorry..." bulong niya. "I can't live without you, Drei."
Bigla nitong itinaas ang mukha. "Pinuntahan kita sa Japan. Pero hindi kita nakita nang makausap ko ang editor mo. Ang sabi niya basta ka na lang daw nawala."
"I did the same. Hindi ako nakatiis na hindi ka makita kaya sinundan kita sa London. Pero wala ka sa site ng shooting."
Natawa pa silang pareho nang ma-realize na pareho pala silang naghanapan at nagkasalisi.
Melody caressed his face "Sabi mo hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. But if we were afraid to just wait and sit around, pwede mong gawan ng paraan ang isang bagay kung gugustuhin mo. Sa kaso ko ikaw ang bagay na 'yon, that's why I can't let go..."
"I love you, Deedee. There are lots of things to be considered in my life. On my job, to my Mom, and in all the people surround me. Pero sa ngayon, iisa lang ang nakikita ko, I can't be anything without you by my side."
Napaiyak siya sa sobrang galak na nararamdaman. "Simple lang ang solusyon. Let's be together forever then. Hanggang sa tipong magkasawaan tayo sa mukha ng isa't-isa."
Pero duda siya kung mangyayari ang bagay na 'yon.
Tumawa ito. "I really love you, Miss Stalker."
"I love you more, my prince charming."
--The End--
Abangan ang susunod na kuwento nina Nate at Alyssa. Isang tumakas at isang tinakasan sa kasal sa Love Links 3 From My Arranged Marriage To My Bogus Wedding
Author: Thank you readers for reading this story. Kindly vote and comment para ganahan po akong mag-release ng panibagong kuwento. Kung naghahanap po kayo ng book nito, available na lang po siya sa e-book at preciouspagesebookstore.com.ph. Iba na po yung cover niya doon pero iyon pa rin ang pamagat.
BINABASA MO ANG
Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceAndrei Wallas, isang artistang pinagpapantasyahan ng madlang kababaihan. At hindi naiiba si Melody sa mga babaeng 'yon. Isang weirdong comic writer na handang tawirin ang pitong kontinente, masilayan lamang ang lalaki. Sixteen years old siya nang m...