Part 1

8.6K 143 7
                                    

Sumilip si Andrei sa tinted glass ng bintana ng kotse na sinasakyan niya. Tumambad sa kanya ang mga malalawak na lupain at bukirin. Nami-miss niya na ring makita ang ganoong uri ng tanawin. 

The air was fresh mixed with the smell of the grass. The trees were swaying planted on the side of the road. That vacation could be a total haven for him. Nagsasawa na rin naman siya sa ingay at gulo sa lungsod.

"So, how it is?" tanong ng katabi niyang si Darren.

Napatangu-tango siya. "Not bad."

Ngumiti lang ito at muling bumalik sa ginagawang pagta-type sa laptop nito. He was updating his fan page----twitter, facebook and many other social accounts. Trabaho nito iyon bilang manager niya.

At twenty-one, he was one of the most sought-after actor in the Philippines. At nang magkaroon siya ng movie offer sa Hollywood ay lalong naging matunog ang pangalan niya sa showbiz. Isu-shoot ang pelikula pagkatapos ng dalawang buwan. 

Sinabi niya kay Darren na huwag munang tumanggap ng loaded na trabaho para naman makapag-relax siya bago siya tumungo ng Amerika.

Gusto niya talagang makapagbakasyon. Matagal na. But he didn't have the time because of his work.

Nang malaman niya ang balak na pag-uwi ng manager niya sa probinsiya kung saan ito ipinanganak ay ipinaalam niya dito ang pagnanais na sumama.

The province is Bataan. Hindi pa siya nakakarating sa lugar na 'yon. Sa Maynila, Pampanga, at ilang parte sa Visayas kasi sila madalas mag-shoot ng mga pelikula.

He stretched his arms nang makaramdam siya ng pangangawit. Biglang may nag-ring na cellphone. Pareho pa sila ni Darren na napakapa sa bulsa.

"Mine." Itinaas nito ang hawak na aparato. Sinagot nito ang tawag. "Mom. Yes, I'm on my way."

 So, it was his mother. Sa pagkakaalam ni Andrei ay nasa ibang bansa ang parents ni Darren. Wala siyang kilala sa pamilya ng manager niya. 

Kahit mahigit dalawang taon na silang magkasama, ni minsan ay wala pa siyang na-meet sa pamilya nito. Maybe because they were both workaholic that they don't have the time to bother with each other's private lives. 

"No. I don't think that I can convince her," patuloy nito. "Melody is doing okay on her own. Kilala niyo naman siya. Kapag ayaw talaga niya, hindi niyo siya mapipilit." Pamaya-maya pa ay napabuntong-hininga ito. "Okay. I'll try my best."

"Problem?" usisa niya matapos ang tawag nito.

Darren sighed again. "Nag-aalala kasi si Mommy sa kapatid ko."

"May kapatid ka?" curious na tanong niya.

"Yup. A weird little sister," nangingiting saad nito.

"How can you say that to your sister?" Napangiti na rin siya.

"Malalaman mo rin kapag na-meet mo siya. Melody is a special one. At the age of fourteen, she's been earning money for herself. Hindi niya na kailangan ang nakakatandang kapatid niya para sandalan niya." Naroon ang pagmamalaki sa tono nito sa pagbanggit sa kapatid nito.

"Really? Then bakit nag-aalala pa ang mother mo if she's that independent."

"Dahil masyado pa siyang bata. Kaga-graduate niya lang ng highschool this year. Sixteen lang siya. At ayaw niyang pumasok ng college," paliwanag nito.

Nagulat siya nang marinig ang bagay na 'yon. Anong klase ng tao ba ang ayaw mag-aral ng kolehiyo?

College is the bridge to attain everybody's dream. Kahit siya ay pinipilit na tapusin ang ilang semester na natitira niya kapag may time siya. 

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon