Part 9

2.4K 116 7
                                    

Napalunok si Melody habang nakatingin sa mataas na building ng Stardust Entertainment Agency. Sa mga kamay niya ay naroon ang dalawang Starbucks coffee. Pampalubag loob sa kapatid niyang mukhang nakahandang manakmal kahit sa kabilang linya ng telepono.

Sa bawat hakbang niya ay maririnig ang tunog ng takong ng boots niya. At marami ang napapalingon sa kanya. Is there something wrong with her looks? Maybe she did stand out a little bit sa mga taong naka-office suit na lumalabas sa establisyimento. 

She was wearing a black leather jacket with black straps underneath. Sa kaloob-looban ay isang red stripes na polo shirt na nakalabas ang mahabang laylayan. At sa kanyang pang-ibaba ay isang itim na leggings.

Kung may na-adapt man siya sa pagpabalik-balik niya sa Japan, yun ay ang fashion sense ng maga hapones na walang inhibisyon. Natuklasan niya sa sarili na marunong din siyang magdala ng ganoong uri ng pananamit.

When she entered the glass door, the guard politely smiled at her. Her long hair was swinging on her waist as she walked. Pagkapasok ay inalis niya ang suot na shades. Agad niyang nakita sa lobby ang kapatid na nakaupo sa may di kalayuan sa mga nagkahilerang stool at mesa na naroon. Subalit parang gusto niyang mapaatras nang makita kung sino ang kasama nito. Parang nagkakarera ang bilis ng pintig ng kanyang puso. 

Why is Andrei here? This is bad... really bad... Kakaripas na sana siya ng takbo subalit namataan na siya ng kapatid niya.

Huminga siya nang malalim. No, I don't need to be looked so guilty. Just act natural! I just need to get over with it without getting caught.

Nang makalapit siya sa dalawa ay napansin niyang nakanganga ang kapatid niya habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalingon na din ang nakatalikod na si Andrei sa direksyon niya.

"H-hi," bati niya sa mga ito.

"Deedee? A-anong nangyari sa'yo?" Napatayo ang Kuya Darren niya. Shocked ang nakarehistro sa mukha nito. "You look... amazing!" Niyakap siya ng kapatid. Nang lumayo ito ay pinagmasdan nito ang kanyang mukha. "What happened to you?"

"I grew up."

Napasimangot siya nang pisilin nito ang magkabilang pisngi niya.

"Back off with your harassment, dear brother! Kung ayaw mong tumama sayo 'tong licensed weapon na dala ko." Itinaas niya dito ng bahagya ang takong ng boots niya.

Tumawa ito at ginulo ang buhok niya. Nangingiting iniiwas niya dito ang ulo.

"It's good to see you, Deedee. Or should I say Darna?" Nalusaw ang ngiti niya nang marinig ang pamilyar na boses.

She wanted to run away as soon as she heard Andrei said that embarrassing name. "Hahaha!" She faked a laugh. "Patawa ka talaga, Drei! Hindi ka pa rin nagbabago." Nang bumaling siya dito ay hayun na naman ang lintik na kaba niya. Nagrigodon ang hinayupak niyang puso pagkakita pa lang sa binatang sinisinta. "A-ahm...N-natutuwa rin akong makita ka, Drei." Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya nang masilayan ang simpatikong ngiti nito. Nagulat siya nang biglang lumapit ito at kabigin siya. Naestatwa siya. Nanlalaki ang mga mata niya habang yakap-yakap siya ng lalaki.

"I missed you. Na-miss ko ang mga pagpapatawa mo."

O na-miss ka daw...magdiwang ka! Pero mukhang hindi ako kundi ang pagiging komedyante ko. She felt annoyed somehow. Isip-bata pa rin ang tingin nito sa kanya. Pinilit niyang ngumiti dito nang kumalas ito.

"Uy, para sa amin ba 'to?" Kinuha agad ng kapatid niya ang dalawang Starbucks coffee na nasa kamay niya. Ibinigay nito ang isa kay Andrei.

She noticed that there were employees who were staring at them. Karamihan sa mga iyon ay babae na waring kinikilig. Alam niya kung sino ang pinagkakaganoon ng mga kabaro niya. Very rare as it is to see a star, Andrei really stood out on that building. Kahit ang mga empleyado sa sariling kompanya nito ay mukhang madalang masilayan ang sikat na aktor.

Nang makaupo silang tatlo ay nakahinga ng maluwag si Melody. Mukhang hindi na naalala pa ng Kuya niya na pagalitan siya.

"Huwag mong isiping nakalusot ka, na kapatid ko." Parang nabasa ang isip niya na seryosong pahayag ng kuya Darren niya. "Hindi mo ako madadaan sa mamahaling kape!" Ngunit hayun at iniinom nito ang mamahaling kape na binili niya.

Umiwas siya ng tingin. "Tsk! Akala ko ligtas na ko..." nanggagalaiting bulong niya. Nakita niya ang pinipigilang pagngiti ni Andrei nang di sinasadyang dumako ang mga mata niya dito.

"What are you doing here? Akala ko ba nasa Japan ka?" pag-i-interrogate agad ng kapatid niya.

"I did finish my fifth book. Nakabakasyon ako," pagsisinungaling niya.

"Comic writer ka pa rin?" singit na tanong ni Andrei. Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "I thought you changed your job for being a reporter."

That's it! Hayun ang simula ng komprontasyong gusto niyang ibaon sa pinakailalim ng memorya nito. Palihim siyang nagmura. Halos kalkalin niyang ang utak sa pag-iisip nang maidadahilan.

Why didn't she think it first before going on that argument? "Aaaah... P-para sa susunod kong libro 'yon. I j-just wanted to experience that job. T-tama!" Napapitik pa siya sa ere.

"Teka anong pinag-uusapan niyo Drei?"

"I saw your sister on the wedding I attended. Remember yung kasal ni pareng Nate? Yung sinasabi ko sayo na isa sa mga dahilan kaya ako umuwi dito?"

Damn it! He already said it!

Kunot-noong bumaling muli sa kanya ang Kuya niya. "Then why didn't you contact us here?"

"Hindi ko alam nasa Pilipinas kayo—" Napatakip siya bigla sa bibig nang ma-realize ang pagkakamali niya sa mga sinabi.

Tumawa ng pagak ang kuya niya. "You're getting caught on your own mouth my sister. Paanong hindi mo malalaman na nandito kami kung ako mismo ang nagsabi sa'yo? Nang tumawag ka, nabanggit ko din sa'yo yung tungkol sa kasal na 'yon. May iniluluto ka ba, Melody sa likod ko?"

"Si kuya naman! Ano naman ang ililihim ko sa'yo?" Nakangiti siya sa labas ngunit sa loob ay halos mag-hysterical siya. 

Shit! Shit! Shit! Ang nag-iisang dependable source niya kung paano niya nalalaman kung nasaang lupalop ng mundo si Andrei ay walang iba kundi ang kapatid niya. Ang kailangan niya lang gawin ay tawagan ito at itanong kung nasaang lugar ito. And presto! May confidential information na siya. Cause wherever the talent goes, the manager follows.

"Wait a minute Darren, she knew that I was going on that wedding?"

Lumingon ito kay Andrei. "Is there something wrong with it?"

May paghihinalang tininingnan siya ng binata. Muli siyang nag-iwas ng mga mata dito. Nanalangin siyang huwag nitong masyadong pakaisipin pa ang ang tungkol doon. "No. Wala naman." Umiling ito. Pero hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin ng lalaki.

****

- Amethyst -

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon