Chapter 2

85.6K 2.9K 1.6K
                                    

Venine's POV

Pasalampak na umupo si Tami sa sofa nang makarating kami sa bahay niya. Pagkatapos kasi naming kumain ay nagikot-ikot pa kami sa mall kaso itong si gaga walang napili.

Tumabi ako sa kanya pagkatapos buksan ang TV. Sumakit ang paa ko 'ron ah. Partida mas mataas pa ang heels sa akin ni Tami, siguradong mas masakit ang kanya.

Sumandal ako sa sofa at nag-isip. Bukas na lang ako uuwi sa amin, wala namang problema 'yon sa bahay dahil wala naman silang pake sa akin.

"Anong gusto mo for dinner?" Nakapikit na tanong ni Tami nang balingan ko.

"Chicken pastel!" Excited na sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Favorite mo talaga 'yon 'no? Tuwing nandito ka iyon ang palagi mong nire-request."

"Of course! The best kaya magluto si Nanay Ada ng chicken pastel. 'Di ba nanay 'no?" Nakangiti kong binalingan si Nanay Ada na kakarating lang dala ang isang pitsel ng lemonade at dalawang baso.

"Oo naman." Natatawang sagot niya.

"Tss. Sipsip." Sabi naman ni Tami kaya lalong natawa si nanay na bumalik na sa kusina.

"Epal ka talaga 'no?" Inis na baling ko sa katabi kong nakapikit pa rin pero nakangisi na. Dumilat siya at nakangisi akong tiningnan.

"What's epal?" Maarteng pang-asar niya pa pero inirapan ko na lang siya. Tse!

Tumawa na naman siya na lalong nakapagpairita sa akin pero hindi ko na lang pinansin at itinuon ko ang atensyon sa TV.

Narinig kong nagring ang phone niya. Ilang ring pa ang lumipas saka niya ito kinuha sabay itsa sa unan na nakapagitna sa amin.

"Hi, gorgeous." Dinig kong sabi nang malalim na boses na nanggagaling sa phone niya.

Tamad talaga ang gaga at ni-loudspeaker na lang.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo, Iverson? I'll hang up." Walang ganang sagot naman ni Tami.

Natawa ako sa isip at nagkunwaring walang pakialam sa kanila.

"No no no! Please. Don't hang up. I just wanted to ask if you're free this evening? Let's have dinner somewhere."

Wow! Iba talaga ang ganda ng isang Tamira Sienn Alcantara. Kaka-break lang sa jowa mayroon agad na nagbabalak pumalit.

"I'm busy." Tipid na sagot ni Tami.

Napabaling na ako sa kanya and to my surprise ay nakatingin na pala siya sa akin, masamang tingin na akala mo ay ako ang kausap niya.

"Inaano kita?" I mouthed dahil baka marinig ako ng kausap niya. Inirapan niya lang naman ako.

"Oh sayang. Can I come to your house instead? I'll bring something for you. Kahit sandali lang." Sabi pa 'nong Iverson. Mapilit talaga ah. Yari 'to kay Tami.

"Ayoko and don't call me again or even text me. You're not my type, Iverson." Inis na sabi ni Tami sabay end ng call.

Mabilis naman akong nagsalin ng juice sa isang baso at inabot ito sa kanya.

Mataray niyang tiningnan ang baso pagkatapos ay inilipat ang tingin sa akin.

"Init ng ulo mo e. Inom ka muna para lumamig." Nginitian ko siya nang matamis.

Ayaw ko siyang asarin muna dahil baka bigla niya na lang akong tadyakan. Mamaya na lang ulit. Pahupain muna ang dragon.

Mabuti naman tinanggap niya na ang baso at tahimik na uminom dito.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon