Venine's POV
Hindi ko na kinaya kaya ako na ang nag-iwas ng tingin kay Tami. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Bigla akong kinabahan habang pinapakinggan ang kanta. Ewan ko kung bakit ganon na lang ang epekto sa akin.
What's happening to you, Venine? Catch me I'm falling lang ni Tony G. nagkakaganyan ka na? Napakinggan mo naman 'yan dati pero hindi ka na-tense ng ganyan!
Kinakabahan ako pero alam kong inis pa rin ako kay Tami. Naiinis ako na meron na naman siyang bago at ang president pa ng school namin! Naiinis din naman ako dati kapag papalit-palit siya pero iba ang inis ko ngayon lalo na sa nakita ko kanina na paghawak pa niya sa kamay ni Pres sa coffee shop. Ang landi landi niya!
"Uy, Ven. Okay ka lang?" Tinapik ni Sam ang braso ko kaya gulat akong napatingin sa kanya. Tapos na pala siyang kumanta.
"O-Oo naman." Sagot ko sabay kuha ng coke in can at mabilis itong binuksan. Uminom agad ako, baka sakaling mabawasan nito ang kakaibang kaba na nararamdaman ko.
"Oh tapos na 'ko kumanta. Pumili ka na ng kakantahin mo." Sabi pa niya at inilapag ang song book sa lap ko.
"Mamaya na lang ako." Tanggi ko dahil baka manginig lang ang boses ko kapag kumanta na.
Nakita kong dinampot ni Wade ang mic kaya napatingin ako sa kanya. Kakanta siya?
Tumingin din siya sa akin at nginitian ako. Nailang naman ako dahil 'don kaya mabilis din akong nag-iwas.
Intro pa lang ng kanta ay nanlaki na ang mga mata ko at napatingin agad sa monitor. She will be loved ng Maroon 5! Omg. My favorite band!
"Beauty queen of only eighteen she
Had some trouble with herself..."Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Shems! Ang ganda ng boses! Kuhang-kuha pa ang style ng original na pagkanta 'ron ni Adam Levine na crush na crush ko rin.
"Gosh, Ven. Ang ganda pala ng boses ni Wade." Bulong sa akin ni Sam na alam kong namangha rin katulad ko dahil sa tono ng kanyang boses.
Napatingin tuloy ulit ako kay Wade pero nakatingin din pala siya kaya nag-iwas na naman ako.
Oh my gosh! Umayos ka, Venine! Huwag kang obvious!
Biglang may tumamang kung ano sa pisngi ko kaya hinanap ko kung saan galing 'yon hanggang sa mapatingin ako kay Tami.
Naka-lean forward siya at nakatukod ang siko sa kanyang tuhod habang naka-cross legs. May hawak din itong coke in can habang ang isang kamay niya naman ay kumukuha ng nachos. Pagkadampot niya ay ibinato niya ito sa akin. Seriously?
Umangat ang tingin ko sa mukha niya and guess what? Ang sama ng tingin niya sa akin na kung kutsilyo lang ang tingin niya ay kanina pa ako siguro nasaksak nito.
Inirapan niya ako pero hindi ko inalis ang tingin sa kanya kaya nakita kong lumipat ang mga mata niya kay Wade.
Hindi nawala ang pagkakakunot ng noo ko lalo na nang makita kong lalong sumama ang tingin niya rito. Parang gusto niya itong balian ng leeg o balatan ng buhay. Ganon ka intense.
Ano na naman bang nasa isip niya at tinotopak ng ganyan?
Hinayaan ko na lang siya at nag-focus ako sa screen habang sinusundan ang lyrics. Ang ganda talaga ng boses ni Wade kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Isa rin kasi ang kantang 'yan sa mga favorite ko. Ang galing lang.
Natapos ang kanta at biglang pumalakpak si Sam.
"Wow! Ang ganda pala ng boses mo Wade. Idol!" Puri ni Sam na feeling close agad. Napailing na lang ako habang natatawa.
BINABASA MO ANG
Dare To Love Me Not
General FictionVenine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Naging masalimuot ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan sa puder ng ka...