Chapter 6

71.8K 2.6K 2.4K
                                    

Tamira's POV

Kahit hilo ay tumayo ako para maghilamos at mag-toothbrush. Pagbaba ko naman sa kusina ay naglilinis si Nanay Ada. I never called her nanay until Ven came at napagaya na rin ako sa kanya. Ang lakas talaga makaimpluwensya ng babaeng 'yon.

"Gusto mo ba ng kape?" Tanong niya nang bumaling sa akin.

"Cold water lang please." Sagot ko habang hinihilot ang sentido.

Mabilis niya akong inabutan ng isang basong tubig at agad ko itong ininom.

Kinuha ko ang phone sa bulsa and dialed Zoey's number. Agad naman siyang sumagot.

"Good morning po, Ma'am Tamira." Bati niya.

"Do I have a meeting today?" Wala akong balak pumunta sa office ngayon dahil nanlalambot pa ako.

"Meron po mamayang 2pm."

"Please cancel all my meetings today. I'm not feeling well. Try to resched na lang tomorrow."

"Okay po, Ma'am." Sagot niya. I ended the call.

"Tami!" Masiglang tawag ni Clarisse na biglang dumating.

"Good morning, Ma'am Clarisse." Bati naman ni Nanay Ada.

"Oh hi, Manang Ada! It's nice to see you again." Masayang sagot ni Clarisse. Taas ng energy porque walang hangover.

"Nag-breakfast ka na ba? Ang aga mo ata?" Taas kilay ko namang tanong.

"Anong maaga? Duh! It's already lunch time."

Ah lunch time na ba? Hindi ko kasi na-check ang oras kanina.

"E anong ginagawa mo rito?" Nagsalin ako ulit ng tubig sa baso dahil naglapag na rin si Nanay Ada ng isang pitsel.

"Ayaw mo ba akong makita? Ilang months akong nawala ah. Of course I wanna spend time with my favorite cousin. Tara sa mall! Doon na rin tayo mag-lunch." Excited na sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Masakit ang ulo ko." Walang gana kong sagot.

"Ano ba naman 'yan, Tami? Let's go! 'Wag ka ngang KJ!"

Inubos ko muna ang laman ng baso saka ako sumagot. "Fine. I'll just take a bath. Hintayin mo 'ko sa living room."

Tumayo na kami at dumiretso ako sa kwarto. I can't really say no to her.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng high waist pants and black crop top na spaghetti strap. I also wear a red pumps. Nag-make up lang din ako nang light but I made sure na red ang lipstick ko.

After kong isukbit sa balikat ang sling bag ay bumaba na ako. Naabutan kong busy si Clarisse sa kanyang phone pero agad ding tumayo nang mapatingin sa akin.

"Gorgeous as always huh." Nakangiting sabi niya.

"We are." Nakangisi ko namang sagot.

Paglabas namin ng bahay ay kumunot agad ang noo ko ng makitang ang Mustang ko lang ang naka-park.

"Where's your car?" Agad kong tanong kay Clarisse.

"I didn't bring my car. Dinrive ko 'yang kotse mo papunta rito kasi naiwan sa bahay." Sagot niya at pumasok na sa loob. Napairap naman ako. Ang tamad talaga mag-drive.

Mabuti na lang at humupa na ang sakit ng ulo ko kaya hindi ako iritable na nag-drive.

"May pasok ba ngayon si Ven?" Biglang tanong ni Clarisse.

"I think so." Nagkibit balikat ko.

"Ah yeah. Narinig ko nga siya kagabi 'nong sinundo ka na may pasok nga raw siya. Masaya sana kung kasama siya 'no? I wanna buy her something."

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon