Venine's POV
Nasa pool area kami ngayon ng bahay ni Ate Clarisse. Pagdating kasi ng hapon pagkatapos ng first day ng intrams ay nagkayayaan silang magparty. Parang victory celebration na rin at party dahil maganda ang game nila kanina.
Kasama namin ang buong team ng varsity ng volleyball at ang mga ka-team nila Tami kaya all girls kami. Ako nga lang ang napasaling pusa. Si Sam naman kasi ay hindi nakasama dahil may family dinner sila.
Nakaupo lang ako sa isang lounge chair habang pinapanood ang mga nasa pool. Kumuha kasi si Tami ng pagkain at inumin.
"Why are you sad? Nawala lang ako saglit, miss mo na 'ko agad?"
Nag-angat ako ng tingin sa dumating na si Tami. Nakasuot siya ng white Gucci shirt na naka-tucked in ang unahan sa denim shorts at nakalugay ang magandang buhok. May hawak siyang isang plate habang sa isang kamay ay bottled juice.
"Asa ka! Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong mga party." Nakangiwing sagot ko. Ngumisi naman siya saka umupo sa tabi ko.
"Oh kain na." Sabi niya pa habang inaabot sa akin ang isang spoon.
May isang cup ng rice sa plato at kung anu-anong ulam sa gilid. Taka kong tiningnan si Tami dahil isa lang ang kinuha niya.
"Hindi ka kakain?"
"Kakain. Hati tayo." Nakangiti niyang sagot.
"Pati diyan sa juice?"
"Oo. Bakit? Natikman mo na naman ang laway ko ah." Sagot niya pa na parang wala lang. Gusto ko tuloy mapahilamos sa mukha dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Ang baboy mo!" Gusto ko siyang kurutin pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"What's baboy there? Totoo naman ah." Natatawa niya pang sabi na lalong nagpainis sa akin. Pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko. Kainis!
"Hoy kayo! Kanina pa kayo nagso-solo sa gym ah." Sabi ni Ate Clarisse na biglang dumating.
Umupo siya sa katapat naming lounge chair paharap sa amin ni Tami at may hawak siyang isang bote ng beer sa kamay.
"Kumain ka na ba at alak na agad ang hawak mo?" Sita naman sa kanya ni Tami.
"Of course! Eat before you drink." Nakangising sagot ni Ate Clarisse saka uminom sa hawak niya.
"May napapansin ako sa inyong dalawa ah..." Sabi pa niya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin ni Tami. Napalunok tuloy ako at hindi malaman kung saan titingin.
Omg, Venine. Calm down. Wala naman kayong ginagawa ni Tami. Hindi naman kayo ah. Ba't ka nagkakaganyan?
"Ano naman 'yon?" Mataray na tanong ni Tami.
Tiningnan ko siya pero parang kalmado lang naman siya habang kumakain.
"Palagi kayong may sariling mundo. Ganyan ba talaga kapag may baby sister?" Nakatingin si Ate Clarisse kay Tami.
"Hanap ka rin ng kapatid mo para malaman mo." Natatawa namang sagot ni Tami sabay subo ng pagkain.
"Ugh! Bakit kasi solong anak lang ako? Baby sister na nga lang rin kita, Ven."
"No!" Mabilis pa sa alas kwatrong tutol ni Tami. Kumunot naman ang noo ni Ate Clarisse.
"Possessive bitch." Sabi ni Ate Clarisse sabay irap kay Tami. Tumayo rin ito at kinawayan kami bago lumayo.
Pagtingin ko sa plato namin ay halos maubos na ang laman. Si Tami ang lahat ng kumain!
"Kukuha pa nga ako ng pagkain. Sabi na nga ba at kulang pa 'yan sa'yo e." Napapailing na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dare To Love Me Not
Ficción GeneralVenine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Naging masalimuot ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan sa puder ng ka...