Venine's POV
Sobrang nakakabingi ang sigawan dito sa loob ng gymnasium. Halatang excited talaga ang lahat habang ipinakikilala ang mga players sa iba't-ibang sports.
Sa oval ang opening ng intramurals kaninang umaga at pinangunahan ng captain ng basketball varsity na si Renzo Alcaraz ang pagpapaapoy ng cauldron. Isa rin siyang sikat sa buong school dahil bukod sa magaling ito sa kayang larangan ay sobrang gwapo rin.
Pagkatapos ng opening doon ay lumipat kami rito sa gymnasium para sa kung anu-ano pang program at speech lalo na ni President Damian Sy.
"Alright! Sino rito ang hindi na makapaghintay na mapanood ang exhibition game ng volleyball varsity natin versus sa ating special guests?" Tanong ng emcee at halos mabingi na naman ako dahil sa dumadagundong na sigawan.
Nandito kami sa bleachers sa bandang taas, katabi ko si Sam at nasa gitna naman ng court ang emcee. Mukhang ang exhibition game talaga ng volleyball na 'yan ang pinakahihintay ng lahat.
"Nasaan na si Tami? Akala ko pupunta siya?" Tanong ni Sam.
Kumunot ang noo ko at sinulyapan ang aking phone pero walang text si Tami kahit isa.
"Hindi ko alam e. Hindi naman ako kinokontak." Sagot ko.
Kanina ko pa rin kaya siya tinetext pero hindi nagrereply. Maging call e hindi rin sumasagot. Busy kaya? Sana nag-text man lang siya kahit isa na hindi siya makakapunta para hindi na kami umaasa rito.
"Sayang naman. Magsisimula na 'yong exhibition game oh. Hindi niya mapapanood." Malungkot na sabi ni Sam. Napabuntong hininga na lang ako dahil parehas kami ng nararamdaman.
"That's the energy! Mukhang ready na ang lahat at hindi na makapaghintay ah. Kahit nga ako ay hindi na rin mapakali nang malaman ko kung sino ang mga guests natin!" Sabi ulit ng emcee na patalon-talon sa gitna.
Sa pagkakaalam ko ay officer din siya ng student council. Patrick ata ang pangalan and he is gay, a handsome gay.
"Okay! Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Ipapakilala ko na sila sa inyo!" Sabi pa niya.
Muling naghiyawan. Dumagundong na naman at may tumunog na mga drums sa likod na ginagamit sa tuwing may mga ganitong games ang school o may laban ang varsity.
Na-tense tuloy ako. Ramdam na ramdam ko kasi talaga ang excitement ng lahat. Fan na fan kasi talaga ng volleyball at basketball na sports ang halos lahat ng mga students sa school namin.
"First, ipinapakilala ko sa inyo ang ating varsity, the Maroon Spikers!"
Lumabas ang varsity at hindi magkamayaw sa sigawan ang mga tao.
Magagaling ang varsity namin at sa pagkakaalam ko ay nag-champion sila sa isang interschool competition.
Nagche-cheer ang lahat. Kanya-kanyang sigaw ng mga pangalan na siguro ay idol nila.
"Hala. Ka-excite naman 'to. Grabe ang energy ng mga students." Dinig kong sabi ni Sam.
Pinapanood ko lang naman ang mga players na kumakaway. Ang tatangkad nila at kulay maroon ang sleeveless na uniform at may touch din ng white. May logo ng school sa harap at number sa likod. Kulay black naman ang shorts nila.
"Silence please. Kailangan ko muna nang matinding katahimikan bago tawagin ang mga special guests natin. Kailangan niyo munang kumalma dahil baka himatayin kayo sa mga kinauupuan niyo." Biro pa ng emcee.
Himala at kumalma nga ang crowd. Nagsiupuan ang mga kaninang nakatayo at nagtatawanan din dahil sa sinabi ni Patrick.
"Omg. Bakit kinakabahan ako? Intrigang intriga na ako sa mga special guests na 'yan ah." Kumento pa ni Sam.
BINABASA MO ANG
Dare To Love Me Not
Ficción GeneralVenine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Naging masalimuot ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan sa puder ng ka...