Chapter 8

67.6K 2.4K 3.1K
                                    

Tamira's POV

Buong araw akong nagpakasubsob sa trabaho dahil kahit anong pilit kong hindi isipin ay marami pa ring gumugulo sa isip ko.

Napasandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. I think I need a new distraction.

Tumunog ang phone ko hudyat na may nag-text kaya nagmulat ako at tiningnan kung sino iyon.

Agad akong napangiwi ng makitang si Damian na naman. Ilang araw ko nang ini-ignore ang mga text niya pero mukhang pursegido talaga.

Walang gana kong in-open ang message at binasa ito.

Damian Sy:

Hi, Tami! Just wanna invite you for a cup of coffee or a dinner tonight. Are you free?

Sandali ko pang tinitigan ang text at nag-isip hanggang sa mapagdesisyunan ko ng magreply ng 'Okay'.

Ilang segundo lang ay naka-receive na agad ako ng reply. Hindi naman siya excited 'no?

Damian Sy:

Alright. Are you still in the office? Can I fetch you now?

Napairap ako.

Me:

I'll drive my car. Just text me where.

Ibinaba ko ang phone at nag-ayos ng sarili. Pasado 5pm na rin naman.

Pagdating ko sa coffee shop na sinabi ni Damian ay nakita ko agad siya na tumayo sa 'di kalayuan at nilapitan niya ako.

"Hi." He said, smiling.

Yes, he's really handsome lalo na kapag nakangiti pero hanggang 'don lang. Kung ibang babae siguro ako ay baka kanina pa kinikilig.

Tipid akong ngumiti at inalalayan niya ako pabalik sa table niya kanina.

Pag-upo ko ay biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ven and guess what? She's with a guy!

Kasunod ang table nila ng katabi naming table ni Damian. Gusto ko sanang makita ang guy na kasama niya ngunit nakatalikod ito sa akin. Kainis!

Tumaas bigla ang kilay ko nang mapansing masaya silang nag-uusap. Pabebe pa ang tawa ni Ven na parang nahihiya na kinikilig na ewan. Really, Venine? Kailan ka pa naging pabebe?

"Tami."

Napatingin ako kay Damian ng tawagin niya ako.

"Are you okay?" Sabi niya ulit. Tumango ako.

"What do you want?" Tanong niya pa habang nagtitingin sa menu.

Sabunutan si Venine. That's what I want!

Napairap ako at tumingin na lang ng magugustohan sa menu.

"Strawberries and cream frappuccino and this blueberry cheesecake na lang." Walang gana kong sagot.

Kinausap niya naman ang waiter habang ako ay ibinalik ang masamang tingin kay Ven.

What now, Tami? Bakit ka naiinis? Ano naman kung may kasama siyang guy?

Yeah, right. Bakit nga ba ako naiinis? Hindi naman ako nagseselos. Duh!

Kinuha ko ang phone ko sa bag at wala sa sariling nagtipa ng text.

Me:

Ang ganda ng ngiti ah. Sarap burahin.

Natauhan lang ako nang magsend ang text ko para kay Venine.

Oh no! What the hell did you do, Tamira?

Pagbaba ko ng phone ay nakita kong nakakunot ang noo ni Ven habang nakatingin sa kanyang phone. Nang mag-aangat na siya ng tingin ay mabilis kong kinuha ang menu at itinapat iyon sa mukha ko para hindi niya ako makita.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon