Tamira's POV
Bwisit! Bwisit talaga! Gustong-gusto ko na sumabog ngayon sa kinauupuan ko dahil naiinis ako kay Venine at sa Wade na 'yon! The nerve of that guy!
Heto namang si Ven ay pumayag naman agad na mag-usap sila. Ang bilis-bilis um-oo. Hindi man lang nag-isip muna at nagpakipot kung saan siya magaling! Kainis!
Hindi mahupa-hupa ang init ng ulo ko habang nanonood ng basketball. Parang gusto kong pumunta sa court at i-dribble ang mukha ng Wade na 'yan saka siya ipasa sa isang player para i-dunk sa ring!
"Tami." Venine said in a low voice.
Alam kong kanina niya pa ako pilit na pinapakalma pero hindi talaga maalis ang inis ko hangga't nandiyan ang lalaking 'yan at alam kong mag-uusap pa sila. Mag-uusap sila ng silang dalawa lang!
May nararamdaman akong something e. Feeling ko palusot lang ng Wade na 'yan na importante ang sasabihin.
"Uy pansinin mo na ako." Malungkot na sabi ulit ni Venine pero dahil mainit talaga ang ulo ko ay hindi ko pa rin siya pinansin. Magsama sila ng Wade na 'yan.
"Gusto mo ba ng snacks? Bibili ako. Anong gusto mo?" Tanong niya pa. Pursegido talagang makausap ako ah.
Binalingan ko na siya saka sumagot ng mabilis na "Ikaw."
Nanlaki ang mga mata niya. Gusto kong matawa. Ang cute niya talaga sa tuwing nagugulat sa mga pinagsasabi o ginagawa ko.
Kaya bago niya pa makitang gusto ko na ngumiti ay nag-iwas na ako agad. Dapat stay lang na naiinis. Don't be marupok, Tami.
"Ayusin mo kasi ang sagot mo. Tami naman e." Pilit na naman ni Ven.
"Ayoko kumain." Seryosong sagot ko saka nagpangalumbaba. Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Fine. Dito ka lang ah. Bibili lang ako saglit."
Nang maramdaman kong tumayo na siya ay tumingin na ako ulit. Nakita kong tumayo rin si Wade!
"Samahan na kita, Ven." Nakangiti pa nitong sabi.
Ugh! Sarap burahin ang bibig!
"'Wag na, Wade. Kaya ko na." Tanggi naman ni Venine. Buti naman!
"Sige na. Samahan na kita." Pilit pa ng bwisit na si Wade na inalalayan na si Ven maglakad palabas. Nakakairita!
Napatingin ako kay Sam na habol tingin sa dalawa at mukhang kinikilig. Napairap ako at inis na tumayo.
Narinig ko pang tinanong ako ni Sam kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya pinansin.
Sinundan ko ang dalawa na palabas na ng gym. Dumaan sila sa may hallway sa gilid. Ang alam ko ay shortcut 'yon papunta sa cafeteria.
Mabagal lang ang lakad ko para hindi nila mahalatang nakasunod ako. Bwisit na bwisit pa ako habang nakatingin sa kamay ng Wade na 'yon na nakaalalay pa sa likod ni Ven. Parang gusto ko tuloy silang sugurin at itulak palayo ang bwisit na lalaking 'yon.
Habang nasa kalagitnaan sila ng hallway ay bigla silang tumigil. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero walang ibang students. Lumapit pa ako nang kaonti para marinig ang pinag-uusapan nila. Pumuslit ako sa likod ng malaking puno.
"Venine." Malambing na tawag ni Wade. Nakatalikod silang dalawa sa akin kaya hindi ko nakikita ang expression ng mga mukha nila.
"Ano 'yon, Wade?" Sagot naman ni Venine.
Pa-ano 'yon Wade, ano 'yon Wade pa siya! Sigurado naman akong kinikilig na 'yan ngayon!
Sa sobrang inis ay gusto kong sipain ang maliit na bato sa harap ko pero pinigilan ko ang sarili dahil baka malaman pa nila na nandito ako.
BINABASA MO ANG
Dare To Love Me Not
Fiction généraleVenine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Naging masalimuot ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan sa puder ng ka...