"Huy." Dinig kong tawag ni Ven.
Sandali ko siyang binalingan at mabilis din akong nag-iwas dahil inis pa rin ako sa kanya. Magsama sila 'nong Wade guy na 'yon!
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina ka pa tahimik." Sabi niya ulit.
Hindi ako sumagot pero niyakap ko ang braso niya at hinilig ang ulo ko sa kanyang balikat. Nakaramdam ako ng comfort. I like the feeling when she's this close to me at nayayakap ko siya.
"I don't care if you like that guy. Basta you're mine. Mine, mine, and mine alone." Madiing sabi ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa braso niya.
"Hon."
Nagising ang diwa ko sa mahinang tawag na iyon at may humahaplos pa sa aking pisngi.
Dahan-dahan akong nagmulat at nag-angat ng tingin sa katabi kong yakap ko rin nang mahigpit ang braso.
"We're here." Sabi niya ulit at nagpaskil ng ngiti kaya pilit ko na lang din siyang nginitian.
Bumitaw na ako sa braso niya at sandaling inayos ang aking sarili. Narinig ko rin ang announcement na pa-landing na raw ang eroplanong sinasakyan namin.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Normal lang siguro 'to dahil ngayon pa lang ako uuwi ulit.
Magkahawak kamay kaming bumaba ng eroplano at nang tuluyan kaming makalabas ng airport ay sinalubong agad kami ng driver ko. Kinuha nito ang mga maletang dala namin at mabilis na ipinasok sa likod ng sasakyan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil pagkalipas ng ilang taon ay nandito na ulit ako sa Pilipinas. Parang kailan lang.
Ang katabi ko naman ay biglang ipinulupot ang braso sa bewang ko at hinigit ako palapit.
"Are you happy that you're finally home?" Bulong niya sa tenga ko at hinalikan pa ako sa pisngi.
"Yeah." Tipid na sagot ko dahil kanina pa ako nawala sa mood gawa ng panaginip ko kanina.
It's been four years but I'm still dreaming about her. Kailan niya ba ako patatahimikin?
"Are you hungry, hon?" Malambing ulit na tanong ng katabi ko. Hinalikan niya pa ako sa neck kaya hinampas ko siya sa dibdib.
"Not here, Marcus." Saway ko sa kanya na nagpatawa lang naman dito.
BINABASA MO ANG
Dare To Love Me Not
General FictionVenine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Naging masalimuot ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan sa puder ng ka...