Chapter 17

75.8K 2.4K 2.6K
                                    

Venine's POV

Habang nag-aayos ako ng gamit ay nag-vibrate ang phone ko sa desk. Kinuha ko agad ito at binasa ang na-receive na text message.

Tami:

I'm at the parking lot. 'Wag ka na magsasama ng mga chaperone!

Natawa ako. Chaperone talaga ang tawag niya kina Sam at Wade ah. Hindi pa rin nakaka-move on sa lunch namin kahapon.

"Uuwi ka na ba agad, Ven?" Tanong sa akin ni Sam.

"Ah may pupuntahan kami ni Tami. Nagpapasama siya ewan ko kung saan." Sagot ko.

"Sige. Ikumusta mo na lang ako kay Tami ah. Ingat kayo!" Masayang niyang paalam. Sabay pa rin kaming naglakad at naghiwalay lang sa parking.

Hinanap ko naman agad ang Mustang ni Tami at hindi naman ako nahirapang makita 'yon dahil may sexy'ng babae ang pumukaw agad ng atensyon ko. Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan habang nakahalukipkip at nakapaling ang ulo sa direksyon ko.

Her white flawless long legs are showing dahil ang ikli ng suot niyang black dress na hapit na hapit sa kanyang katawan. Ang lawak pa ng ngiti niya habang naglalakad ako palapit. Good mood siguro dahil mag-isa lang ako.

"Oh ba't nasa labas ka?" Tanong ko nang makalapit sa kanya.

"I can't wait to see my baby vixen e." Nakangiti niyang sagot sabay hawak sa kamay ko. "I missed you."

Kumabog nang mabilis ang puso ko kaya agad kong iniwasan ang tingin niya.

"Miss daw e parang kahapon lang nagkita tayo. Sabay pa nga nag-lunch." Natatawa kong sabi.

"And so? What should I do? E namimiss kita palagi."

Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay naka-pout na ang kanyang lips. Mukha siyang bata pero sexy pa rin. I can't really imagine na si Tami talaga ang kasama ko ngayon.

"'Wag mo nga akong artehan ng ganyan." Baka halikan kita diyan makita mo.

Really, Venine? Now you wanna kiss her?

Erase! Erase! Ano ka bang utak ka? Kung anu-ano naiisip mo! Stop!

"Let's go na nga." Aya niya at pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

"Ano na naman bang balak mo?" Tanong ko pagkatapos mag-seat belt. Date na naman ba 'to?

Dahil sa naisip ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Totoo ba talaga 'to? I'm really dating Tamira Sienn Alcantara? Gosh! So unbelievable!

"Hindi natuloy ang date natin kahapon e so ngayon tayo magde-date. This is our first ever date, right?" Nakangiting sagot niya.

"Lagi naman tayong lumalabas ng tayo lang dalawa ah. Parang ganon lang din 'yon ngayon." Basag ko sa kaligayahan niya. Wala lang, trip ko lang siya asarin.

"Magkaiba 'yong dati at ngayon!" Inis na sagot niya. Lihim naman akong napangiti. Successful ang pang-iinis ko.

"Kain muna tayo. Nagugutom ako." Sabi ko na lang.

"Saan mo gusto?"

Hindi na ako nag-isip pa dahil kanina pa ako nagc-crave sa chicken spag.

"Sa Jollibee!" Excited na sagot ko.

Napatingin naman sa akin si Tami na parang biglang nagulat sa inasta ko. Sino ba namang hindi mae-excite na kainin ang pinagc-crave-an niya?

"Alright." Nakangiti niya na ring sabi.

Nang may makita kaming Jollibee ay agad niloko ni Tami doon ang sasakyan at nag-park. Pagbaba namin ay may bigla lumapit na mga batang kalye. Mukhang nasa sampung taong gulang pa lang ang batang babaeng pinakamatanda kasama ang tatlo pang maliliit na batang pawang mga babae rin.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon