CHAPTER 26| Date

3.3K 116 4
                                    

Nagdaan ang mga araw at madalang nalang akong i-text ni Kaushan. Given the fact that I hurt him and caused him too much trouble, I understood where was his coldness coming from. Samantalang, umikot na sa buong campus ang usap-usapang nag-de-date na kami ni David.

"Anong mukha 'yan?" Leslie asked me. Umiling lang ako. "Warla?"

Hawak-hawak ko ang phone ko habang hinihintay ang reply niya sa mga texts ko. I was biting the insides of my cheeks, anticipating his reply.

For as long as I wanted to get rid of David, hindi na muna sa ngayon.

"Grabeng mukha naman 'yan, pang-Biyernes Santo!" komento ni Ja. "Grabeng jail booth 'yon! Ang hot ng mga pulis!" tili niya.

"Cheer up, girl! Valentine's Day, oh?" aniya sabay turo sa mga bulaklak, chocolates, and teddy bears na nasa mesa. Bigay iyon sa akin ng kung sinu-sino. May hawak din silang pareho ng sa akin.

"OMG! Niyaya ako ni crush ng date!" tili ni Les habang hawak ang cellphone. "OH MY GOD! May escort na ako sa Senior's Night tonight!"

"Sana all!"

"Wee? Hindi ka ba niyaya ng crush mo? Sipain kita kung hindi."

Bumusangot si Ja sa tanong ni Les. "Alin doon?"

"Kahit sino basta may nagyaya."

"May mga nakapila, pero 'yong crush na gustong-gusto ko maging escort, may muse na." Umirap ang mga mata niya at lalong lumubog sa inuupuan.

"O, huwag mong pagbuntunan ang petals ng mga bulaklak. 'Yong hair nalang ng muse ng crush mo."

Natahimik naman sila kaya naintriga ako sa tinitingnan nila sa likod ko. Pero bago pa ako nakalingon ay may nagtakip na ng mga mata ko. Na naman? Damn it!

"I'm so sorry, pero in demand ka talaga," sabi ng isang babae na nag-blindfold sakin.

Dinala na nila ako sa booth at pinaupo. "Nasaan na ang isa?" dinig kong tanong ng kung sino.

"Hush, ito na," bulong ng sumagot.

"You have limited time to talk! Good luck!" Limited? This sucks! Five minutes lang naman kadalasan na nakaka-blind date ko. Buset!

Walang nagsasalita sa amin pero naaamoy ko iyong pamilyar na amoy niya.

"Since we don't know who set us up, let's end this," sabi ko saka tumayo.

"Baby..." I was stunned hearing his voice that I'd been aching to hear. Agad na namasa ang mga mata ko. I knew right there who set us up.

Nanginginig ako na umupo pabalik at tila nakuryente nang hawakan niya ang aking kamay. The excitement and happiness that I felt right now were ineffable.

Umiyak ako nang umiyak. "I'm sorry... I'm so sorry..."

"Hush..." Tinanggal niya ang blindfold ko saka pinunasan ang mga luha kong hindi tumigil sa pag-agos. "Don't be sorry..."

We talked. Sinulit namin ang oras. Kinamusta ang isa't-isa.

"Mahal na mahal kita," I said and kissed him.

"I know." He squeezed my hand. His smile never left his lips.

Binalik niya ang blindfold ko saka siya ang pumindot ng buzzer.

Pagkalabas ko sa booth ay may nanghuli na naman sakin.

"Hey!"

Dinikit nila sa akin ang long white skirt at nilagyan ng improvised veil sa ulo. Pinahawakan din nila sakin ang fake white bouquet bago ako hinila papunta sa Wedding Booth.

BDSM SOCIETY: A Gentleman's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon