CHAPTER 32| Marked by a Tattoo

4.1K 108 15
                                    

Bago ako umuwi sa Maynila ay nagpunta muna ako ng Batangas hoping he was there. And I was right, he was standing at the seaside.

"Kaushan..." I called him so low. Nilingon niya agad ako habang nakakunot ang noo. Patakbo ko siyang nilapitan at niyakap. I cried so hard on his arms.

"Why are you here?" mababa ang tono ng boses na tanong niya. Halata sa malulungkot niyang mga mata ang puyat.

"Aalis na ako. I was admitted to MIT to study," I informed him.

"Good news," malamig niyang tugon ngunit halata sa boses ang lungkot. "Make your parents proud."

"Ayokong umalis, Kaushan. Sabihin mo sakin na mahal mo ako at ayaw mo akong umalis. Magpapakasal ako sa'yo," tumutulo ang luha kong sabi.

"Silly," he said. "I love you, but I want you to go. And I'm leaving."

"Bakit? Ayaw mo na ba sakin? Iiwan mo na ako?" umiiyak kong tanong. Umiling siya at pinunasan ang luha ko.

"I'm not leaving you. I'm fighting for you. I'm fighting for us. I have to say goodbye now to give you great things in the world in the future. Your father is right. I don't deserve someone like you. But I want to be that person deserving to have you because I didn't want to see you with someone you deserve if it's not me. Do you understand me, my love?" pilit niyang pinapaintindi sakin ang sitwasyon namin. "I love you, but I needed to prove to myself that I deserve you. And this is not the right time to have you yet. Please, wait for me. You deserve the whole world. I love you, Roisin," he explained at kissed my forehead.

Umiling ako. "Kaushan, nasasaktan ako. Nahihirapan na ako."

"Go. Krause needs you."

He kissed me on my lips for the last time and walked away.

I stared at his solemn face. Mahimbing siyang natutulog habang yakap ako. I miss us this close. Hinaplos ko ang pisngi niya saka hinalikan ang kaniyang mapupulang labi.

I caressed my wrist with a visible tattoo in it. Handa na akong harapin ang nakaraan ko at pagbayarin ang nagkasala sakin.

Dahan-dahan akong bumangon upang magluto ng umagahan. Sa wakas, bumangon ako na siya ang pinagsisilbihan. Madalas nga siya rito dahil puno ng laman ang ref niya.

Nagluto ako ng bacon, egg, at hotdog. Pagkatapos ay nagtimpla ng kape para sa aming dalawa.

"Good morning," bati niya sakin saka ako hinalikan sa mga labi.

"Good morning." Hinain ko na sa mesa ang mga niluto ko. He's wearing only his boxer shorts while I was wearing his executive white Polo and my undergarment. Nakaka-miss ang ganito. Iyong makita siya sa umaga na magulo ang itsura ngunit gwapo pa rin.

Ramdam ko ang titig niya sakin habang naghahanda ako ng plato naming dalawa. Hindi siya nakatiis at hinawakan niya ang kamay ko.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Hinila niya ako palapit sa kaniya at pinaupo sa lap.

"Let's eat," aniya saka naglagay ng pagkain sa plato habang nakapulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko. Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at ako ang nagsubo sa kaniya.

"Let me serve you, Sir." I smiled at him. Na-mi-miss ko siya na tawaging Sir.

Nagpatuloy ang lihim na pagkikita namin ni Kaushan sa resthouse niya tuwing weekend habang ginagawa ko naman ang lahat para mapalapit ang loob ni Krause sakin.

"Roisin?" Napalingon ako sa tumawag sakin habang namimili ng laruan na pwedeng ibigay kay Krause.

"Zorina," I called her.

BDSM SOCIETY: A Gentleman's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon