Minsan, hindi mo kailangan ng magarbong lugar sa date para masabing masaya ka. Sa simpleng lugar na pinagdalhan niya sakin ay masaya ako. I was relaxed and calmed with him by my side.
"Maaga ka bang nagising para ihanda ang mga 'to?" tukoy ko sa mga pagkain na nasa tupperware.
"Hmm," tanging tugon niya.
Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o pansin niyang hindi ako kumakain at umiinom sa kung saan lang lalo na kapag hindi ko nakikita ang pagkagawa. Mas gusto kong kumain sa mismong gawa ko kaysa sa binibili.
Sa mga nagdaang araw na nakasama ko siya kahit puslit lang, nakikita kong mayroon kaming pagkakapareho ni Kaushan. We love being in a solemn place where we got to appreciate little things and ourselves. Night sky with stars. At mayroon din akong mga bagay na nagustuhan ko noong nakilala ko siya. The relaxing and most soothing sound of the waves kissing the sands, especially at night with the twilight favoring us.
"Don't be afraid to show your dark sides, 'cause even the moon that shines above and dominates lights has its silhouette and is haunted by its own shadow." We both gazed at the sky. Gabi na at nakaupo kami sa harap ng kotse niya habang nakabukas ang ilaw.
Masasabi niya kaya ang mga 'yan kapag nalaman niya ang nakaraan ko? Nobody would ever want to see those dark sides I'd been hiding.
"Bakit kayo naghiwalay ng ex mo?" I asked instead. Ayokong pag-usapan ang nakaraan. Hindi ako handa at mas lalong ayokong maalala.
"She chose her family over me." Simple. Plain. And no hint of bitterness. Sinagot niya lang talaga ang tanong ko.
"So, hindi kayo naghiwalay dahil sa selosan o kaya ay toxic na 'yong relasyon niyo?"
Umiling siya. "No. I never let that happened neither she does."0
Healthy.
"Ilang taon siya?" Nilingon ko siya. "Noong naging kayo," dugtong ko saka uminom ng coke in canned.
"She's twenty, approximately, and I was twenty-five."
Matured at such a young age.
"Ayaw ba ng pamilya niya sa'yo?" I gulped.
"Possibly. She chose her family for her career, so maybe, yes. I knew her ambition thus I let her go."
The regrettable relationship I've had heard. Healthy but complicated.
"Paano kung ayaw din sayo ng pamilya ko?" Natahimik siya. Kalaunan ay ngumiti.
"Then, I'll let them like me. It's not hard to like me, right?" Binalingan niya ako. "Maliban nalang kung ayaw mo."
"Paano kung hindi ka talaga magustuhan? And I want you to fight for me, will you fight for me?"
"I will. Even if it means turning my back to everybody and his cousin."
Tumawa ako. "Ano ka? Artista?" Ngumiti siya.
"Someday. Makikita mo nalang ako sa billboards at maririnig ang boses sa kahit saan."
"Mangyayari 'yan," I cheered him showing my belief, support, and conviction.
"So, don't turn me down or break me up. Ako ang taong hindi mo makakalimutan. I'm a sweet dream beautiful nightmare."
Hating-gabi na kami nakauwi galing sa Maragondon. At kinabukasan ay sinundo niya ulit ako. Mga bandang alas kuwatro ng hapon.
"Saan tayo pupunta?"
"Bar."
Bigla akong na-excite. "Kakanta ka?"
He chuckled while nodding. "That's not how I expected you to react. I thought you'd panic with the idea of you being in such places."
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: A Gentleman's Kiss
RomancePast mistakes made people stronger and wiser. And a certain tragedy made the cold and frigid Roisin the person she is right now. But dark pasts keep on bugging her and scarred her for life which made her think the worst person existed. Who would bra...