Chapter 1

79 15 13
                                    

Chapter 1: Ang mga tanong


Jessa's POV

Kakatapos ko lang kumain at dali dali nakong tumayo para pumunta sa kwarto para sa gagawin kong research about sa village na yon. Pero bago pako makapasok ng kwarto ay tinawag na ako ni mama. For sure uutasan nanaman ako nito.

"Anak na aalis daw itong kaibigan mo ihahatid ko muna sa labas at ikaw hugasan mo na yang pinagkainan natin" sigaw ni mama mula sa labas. See? Sabi ko nga at uutusan lang ako.

Argh!? ano ba yan hays nautusan pa nga. Nakakatamad kaya maghugas sa umaga.

Padabog akong nagpunta sa may lababo nang may matapakan akong papel? Nanaman? Bat ba may pakalat kalat na papel sa bahay? Lumingon pako sa paligid baka may makitang bakas ng tao pero wala akong nakita ni isang anino. Ano nanaman kaya toh?

"Huwag mo ng alamin ang isang bagay na ikakapahamak mo lang     ~A.G.G."

Stalker ba toh? Bat parang alam niya lahat ng kinikilos ko? Teka A.G.G.? Wala namang ganitong sulat sa mga papel nung una ahh. Sino tong A.G.G. na toh? Siya kaya yung stalker ko? Teka bakit ako magkakaroon ng stalker?

Nilagay ko nalang ulit ang papel sa aking bulsa at nagsimula nakong maghuas ng mga pinagkainan. Nung natapos narin ako maghugas ay may narinig akong kalabog na naggagaling sa taas. Teka? Mukhang sa kwarto ko yon ahhh. Andito na kaya yung akyat bahay gang? Pfft.

Hawak hawak ko ang walis tambo na di ko alam kung saan ko kinuha eh basta pang self defense ko ito hehehe. Dahan dahan akong umakyat ng hagdan para syempre para di ako madinig nung akyat bahay gang na yon. Kinakabahan ako pero tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang tapat ng kwarto ko.

Binuksan ko na ang pintuan at pumikit sabay hampas sa kung sino man makakasalubong ko. Hampas dito hampas don HAHAHAHA.

"AAAAHHHHHH!! LUMAYAS KA DITO! LAYAS! LAYAS!" pinaghahampas ko yung taong andito di ko alam kung natatamaan ba siya ng hampas ko o hindi basta ang alam ko may akyat bahay gang huhuhu.

"ARAY NAMAN ANAK! IKAW ANG LUMAYAS!!" teka? Si mama? Hehehe sabi ko nga si mama hehehe. Gulo gulo na ang buhok niya pati kwarto ko gulo gulo na din. Napakagaling mo talaga Jessa noh? Apir tayo dyan. Galing galing ko talaga at di ko naisip na si mama ang nasa kwarto ko dahil kaming dalawa lang naman ang tao dito sa bahay.

"Ahhh hehehe ikaw pala yan mama akala ko kase akyat baha-- ARAY!!" pinalo nako ni mama bago nyako patapusin magsalita.

"Napaka judgemental mong bata ka! Mukhang akyat bahay gang ba tong nanay mo?" sabi ni mama habang tinuturo mukha niya hmmm? Kung ako tatanungin niyo pwede na siyang akyat bahay hehehe. Joke lang hehehe peace tayo dyan.

"Oh anong nginingiti ngiti mo diyang bata ka?!" inagaw saken ni mama ang hawak kong walis tambo at pinalo niya nanaman ako huhuhu sadista talaga tong nanay ko.

"Sorry na mama huhuhu akala ko kase akyat bahay gang eh" tumungo ako at nagpipigil ng.. tawa hehehe ay joke lang iyak pala.

"Tse! Sumasagot kapang bata ka! Ayusin mo tong kwarto mo at ako'y naiinis lang sayo" umalis na si mama pagkasabi niya non. Kaya tinignan ko ang buong paligid at ayon ang galing talaga dahil ang gulo na ng kwarto ko.

Hays paano ko na lilinisin tong kwarto ko? Parang nadaanan na ng signal number five na bagyo eh. Wala na rin akong nagawa dahil alangan namang matulog ako ng ganito kakalat ang kwarto ko diba?

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon