Chapter 6

16 8 0
                                    

Chapter 6: Misteryosong bata

Jessa's POV

Nagmamadali akong umuwi sa bahay na tinitirhan namin dito sa village. Hindi ko alam yung nangyari kanina basta naguguluhan ako huhuhu nakapatay ako guys anong gagawin ko?

"Oh my goodness Jessa! Bat duguan ka" sumalubong sa akin si Akeisha kaya iniwasan ko ito ng tingin. Huhuhu paano ko ba 'to sasabihin sa kanila. Ipapakulong ba nila ako?

"Luh girl what happened? Ally tawagin mo nga sila Fynn, andito na kamo si Jessa" si Elissa naman ang nagsalita. Halata sa mukha nilang dalawa na nag-aalala sila sa akin. Niyakap pa ako ni Akeisha at parang maiiyak na siya.

Nagsidatingan na sila Zach, Jhay, Jace at si loves. Agad namang lumapit sakin si loves at may dala pa itong isang baso ng tubig. Mukhang lahat sila ay natataranta at di alam ang gagawin. Uhh paano ko ba ipapaliwanag sa kanila?

"S-Shit! what happened loves?" inabutan pa ako ng tubig ni loves at kaagad ko itong ininom, pinapaypayan ko pa ang sarili ko dahil hindi ako makahinga kaya itinapat pa nila ang electricfan sa akin at binuksan pa nila ang bintana. Argh ano ba kase nangyari huhuhu bat ko yun ginawa?


Ganito kase yung nangyari..

Flashback

Andito ako sa may bintana para magpahangin. Iniisip ko parin hanggang ngayon kung ano nga ba yung pinag-usapan namin ni Nanay Flora kaninang umaga.

Napaka-imposible naman kase na makakalimutan ko yung pinag-usapan namin dahil lang natulog ako. Tanda ko na nag-usap kami pero bakit di ko matandaan yung mga pinag-usapan namin.

Palubog na ang mga araw sa oras na 'to. Nilanghap ko ang sariwang hangin dito sa may bintana. Napaka-presko at talaga namang sariwa ang hangin dito dahil nga siguro ay napapalibutan ng mga puno ang village.

Lumubog na ang araw at isasara ko na sana ang bintana nung may mahagip akong pigura ng isang lalaki at alam kong dito siya nakatingin sa direksyon ko. Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay umalis din ito agad at naglakad palayo.

Sino kaya yun? Hays bahala na.

Tuluyan ko ng isinara ang bintana pero binuksan ko din ito agad dahil narinig ko itong kumalabog. Inilibot ko agad ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang batang babae na may hawak na bato. Akmang ibabato niya pa ang bato pero tumigil siya dahil siguro ay napagtantuan niyang bukas na ng bintana.

Kumaway ang bata sa akin at sumenyas na sumunod daw ako sa kanya. Kahit may halong pagtataka ay hinanap ko agad ang jacket ko at isinuot ito. Pagkababa ko ay nagsitinginan silang lahat sa akin.

"Magpapahangin lang ako sa labas babalik din agad ako" pagpapalusot ko sa kanila.

"Huh? Lutang kaba girl? Magpapahangin pero naka-jacket ka?" umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni Elissa. Yeah may point siya hehehe ikaw kase Jessa eh bat kapa nag-jacket.

"Edi maglalakad-lakad lang ako sa labas hehe" lalabas na sana ako pero may humila sa kamay ko.

"Samahan na kita loves" nagpa-cute pa siya sakin para lang isama ko siya pero hindi hehehe. Argh baka wala na yung bata don.

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon