Chapter 8

16 6 0
                                    

Chapter 8: Haunted Night

Axcel Gio's POV

"Celestine? Open the door for kuya Gio please? utos ko kay Celestine para pagbuksan ako ng pintuan kase di ko naman kakayaning buksan yung pintuan kung may buhat buhat ako.

Kumatok muna si Celestine bago niya tuluyang buksan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang mga mapanuring titig ng mga kaibigan ni Jessa na nagpapabalik-balik sa akin ang tingin at sa buhat kong si Jessa. Binigyan naman ako ng nakakalokong ngiti ni Nanay Flora at ni Brian, psh issue.

Ibinaba ko pahiga sa sofa si Jessa na hanggang ngayon ay wala pa ding malay. Alam kong may isang taong galit na nakatingin sa akin ngayon kahit nakatalikod ako sa gawi niya.

Hinarap ko ang boyfriend ni Jessa at nginisian ito. Psh! masyado siyang possesive.

"Sino ka?! At anong ginawa mo kay loves?" lumapit na ito sa akin at kwinelyuhan ako.

"Eh ano bang pake mo?" nginisian ko ulit ito ng nakakaloko.

"Aba gago ka pala eh!" pinasadahan ako nito ng suntok na tumama sa pisngi ko tsk bat yung mukha ko pa?

"Pfft your being possesive. Ask your girlfriend kung anong nangyari kapag nagka-malay na siya hindi yung bigla-bigla ka nalang magagalit at bigla-bigla kang susugod" walang ganang sagot ko at tsaka tinanggal ko na ang kamay niyang nakakwelyo sa akin.

"Let's go Celestine" aya ko kay Celestine kaya tumango naman ito.

Ipinasan ko na sa likod ko si Celestine at pinihit ang door knob.

"Oh loves gising kana pala, ano bang nangyari?" nagsalita yung possesive na boyfriend ni Jessa kay hindi ko naiwasang mapatingin sa kanila. Nakatingin sa akin si Jessa at agad itong nag-iwas ng paningin nung malaman niya sigurong nakatingin ako sa kan'ya.

"Ah eh wala naman hehehe nahilo lang siguro ako dahil sa pagod" tsk sinungaling ayaw mo lang sabihin ng dahil sa akin pfft.

Tumalikod nako sa kanila at binuksan ko na ang pinto na dapat hindi ko na ginawa. Damn! Buti nalang at naibaba ko na si Celestine at buti nalang naibato ko agad ang kutsilyong lagi kong dala.

Pinasadahan ko ng tingin ang bangkay na nakahilata ngayon sa sahig at inilibot ko ang tingin sa paligid. Argh bat nawala sa isip ko? Psh.

It's Haunted Night kung saan ang mga patay ay muling mabubuhay. Kahit yung mga pinatay namin nung nakaraan ay magkakaroon ng buhay at handa nanaman silang umatake para pumatay kung sino man ang makita nilang may buhay.

Nangyayari din 'to kapag tapos na ipagdiwang yung kaarawan namin ni Brian, cursed right? Isakto ba naman sa birthday mo yung ganitong pangyayari psh. It happens every year but it's getting worse year by year and it only happens at night kaya kinabukasan ay parang magiging normal na ang lahat.

Agad kong sinarado ang pinto at humarap sa kanila. Kita sa mukha nila na may halong takot at pagtataka.

"Kunin niyo lahat ng bagay na pwede niyong gamitin para maisalba mga buhay niyo" utos ko sa kanila at hanggang ngayon ay hindi parin sila kumikilos.

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon