Prologue

126 22 2
                                    


Prologue

"Binabalaan ko na kayo, habang maaga pa ay umalis na kayo rito" hinawakan ko ang kamay ng batang babae para pigilan ito sa pag alis.

"What do you mean?" nginitian niya lang ako.

"Umalis na kayo rito" tinignan niya ako ng masama at kinagat nito ang kamay ko na nakawak sa kanya.

"A-Aray!" daing ko at unti unti nalang ito nagtatakbo palayo sa akin.

***

Kinusot ko ang aking mata at bahagyang nag unat. Bumangon nako mula sa pagkakahiga at humarap sa salamin para suklayin ang aking buhok. Tinignan ko ang aking kamay kung saan ako kinagat pero wala akong nakitang bakas na kinagat ako at di ko rin naramdaman na masakit ito.

A dream again huh? I think no baka nightmare?

Ilang beses nako nananaginip ng kakaiba pero di ko matukoy kung bakit.

Ilang beses na rin akong nawawala sa sarili at nagiging balisa.

Ilang beses na rin akong natutulala at di alam kung ano ba ang aking ginagawa.

At ilang beses narin napahamak ang aking sarili pati narin ang mga taong kasama ko ng di ko alam ang dahilan.

Pinulot ko ang papel na nasa sahig at tinignan kung may nakasulat ba rito at di naman ako nagkakamali dahil may sulat ito.

"Huwag na kayo tumuloy, mapapahamak lang ang buhay niyo"

Huh? What's with this note? Pffft.

"Anak? Gising kana ba? Kakain na tayo" yep that's my mom si mommy Angelica ang napakaganda kong mama.

"Opo wait lang po susunod nalang po ako" I replied

Ano nanaman kaya ito?

May kinalaman ba ito sa mga napapanaginipan ko?

Tinignan ko ang likod ng papel baka may nakasulat pa at di nga ako nagkamali pero name of place lang ang nakalagay dito.

"Terrent village" pagkakasabi ko.

Naramdaman ko nalang na may malamig na hangin na dumampi sa aking balat na nanggaling sa bitana.

Sino kaya nagbukas nito? Sinara ko naman ito kagabi bago matulog at sinigurado kong naka lock ito para walang magtangkang magbukas like alam mo na para iwas sa mga akyat bahay gang. Hindi kaya inakyat tong bahay ko kagabi? Pero imposible naman dahil di naman makalat ang paligid at wala namang bakas ng nawawalang gamit dito.

Sumilip ako sa bintana at may nakita akong bata na dali daling umalis sa bakuran namin. Di ko na yun pinaghinalaan dahil baka anak lang iyon ng kapit bahay namin at di narin bago na may nakikita akong batang naglalaro sa bakuran namin.

Pero anong meron sa panaginip ko? Sa nakasulat sa papel? Sa village?

May isa bang misteryo na nakapaloob dito? Coincidence? Sadya? O nakatadhana? Nakakatakot naman toh like panibagong adventure ganon?

May nakita muli akong papel na nakasingit sa bintana at agad ko namang binasa ang nakasulat rito.

"Wanna play? Visit my village then.." sino naman kaya ang nagpapadala ng mga papel sa bahay namin? Ang weird lang kase like wala namang ganito nung mga nakaraang araw.

"Anak? Matagal ka paba diyan? Lalamig na tong pagkain" pagtawag sa akin ni mama. Agad kong nilagay sa bulsa ang mga papel na hawak ko.

Isinara ko na ang bintana at inayos ang aking pinaghigaan, lumabas narin ako ng kwarto at pumunta na sa hapagkainan. Tinaasan ko ng kilay ang babaeng nakaupo sa sofa. Tss ang aga aga andito nanaman siya? May chika ata siya eh.

"Oh ano Jessa? Bakit antagal mo? Kanina pa kaya kita hinihintay dito" that's my friend Akeisha Lopez we're friends since childhood at kapitbahay lang namin siya. Bat di manlang nabanggit ni mama na may bisita pala ako edi sana kanina pako lumabas ng kwarto ko.

Btw lagi yang napunta dito samin para sabihan ako ng mga chika niya may lahi kase siyang tsismosa charot hehehe.

Di ko pa pala napapakilala sarili ko so Hi I'm Jessa Torres. I do love weird things and mysteries pero natatakot ako pag ako na yung lumagay sa lugar na yon weird right? Hilig ko na din kase manood ng mga horror movies and mysteries. Favorite anime ko na den yung detective conan hehehe ang galing kaya like huhulaan mo kung sino yung suspects tas malalaman mo nalang kung tama ba yung hinala mo sa hindi.

"Di paba sayo nasasabi ng boyfriend mo?" bumalik ako sa reyalidad nung magsalita ulit siya at nakakunot parin ng noo niya habang tinatanong niya ako.

"We're having a Vacation next week para iwas stress tayo you know kakatapos lang ng hell week dahil tapos na ang exams and projects and pinagpaalam na rin kita kay tita kaya ako nandito aish akala ko pa naman alam mo na" pagpapaliwanag niya sa akin.

"Ohh ang haba haba ng chika niyo diyan tara na't kumain na tayo" singit ni mama sa usapan namin ni Akeisha.

Saan kaya kami pupunta? Hindi maganda kutob ko rito...

"Terrent village.." bulong ko sa aking sarili. Bat kaya pumasok nalang yang village na yan sa utak ko?

Ano bang meron sa village na yan? Nakakapagtaka lang naman kase like hello? Saang lupalop yan at dito pa naisipang magbigay invitation ewan basta di naman siya tatawaging invitation kung di ka yayayain diba? May pa "Visit my village then" pang nalalaman. Hays basta search ko nalang yan mamaya sa google map.

-----
A/N: this is my first story hope you like it <3

Story: Hunted village
Genre: Mystery/Thriller
Published date: May 1, 2020

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon