Chapter 12

12 7 2
                                    

Chapter 12: Threats


Jessa's POV


Pagkarating namin sa bahay ay habol hininga akong umupo sa sofa at inalalayan pa ako ni Loves maupo rito kase muntikan na akong matumba dahil siguro ay hindi kakayanin ng katawan kong maging malakas dahil narin siguro sa nangyari.

Agad naman kaming sinalubong ng mga kaibigan namin at may pagtataka sa mga mukha nila.

"Oh girl inom ka muna ng tubig" kinuha ko naman agad ang tubig na inabot sa akin ni Elissa at agad ko itong ininom.

"Anyare ba? Bat mukhang malungkot ka? Kayo?" tanong ni Elissa kaya hindi ko napigilang mapaluha ulit at maging emosyonal.

"S-Si Ally.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil baka lalo lang akong maiyak.

"Anong meron sa kapatid ko?" tanong ni Akeisha kaya tumingin ako sa kan'ya. Nakaramdam ako ng awa dahil kapatid niya ang topic dito at siya ang mas maaapektuhan.

"She's gone.. I mean nawawala siya" si Jace na ang nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Ano?!" sabay sabay nilang sabi.

"Damn.. Ito na nga ba sinasabi ko eh" napatingin ako kay Zach nung magsalita ito.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Akeisha.

"Dapat sinamahan ko na siya kanina pero hinayaan ko lang siya dahil ang sbi niya ay pupuntahan niya lang si Jace" seryosong sabi nito at tsaka siya tumingin kay Jace.

"Nagkasalisihan pala psh" sabi naman ni Jace "Siguro nung pagkarating niya don sa may Van ay wala naman ako don dahil hinahanap ko si Jessa non" edi nagkasalisihan nga? Argh kasalanan ko 'to eh kung di lang sana ako umalis sa tabi ni Jace edi sana hindi niya ako hinanap at hindi din siya hinanap ni Ally.

"But we saw Ally at tumungo siya sa mapunong parte nitong Village" pagpapatuloy ni Jace sa sinasabi niya.

"At mukhang may hinahanap siya" ako naman ang nagsalita.

"I think ako yung hinahanap niya gaya nga ng sinabi ni Zach ako ang pakay ni Ally at may sinundan siya doon na akala niya ay ako yung sinusundan niya" sabi naman ni Jace. Now I get it kung bakit naroroon si Ally at mukhang sinadya ang pangyayari.

"Kanina may nakita akong lalaking naka-maskara pero di ako sigurado kung guni guni ko lang ba yon o totoo kase bigla nalang siya nawala sa paningin ko kanina eh" tumungo na si Jace at mukhang magiging emosyonal siya kung magpapatuloy pa siya sa sasabihin niya. Close sila ni Ally eh, sila yung magpinsan na hindi mo mapaghihiwalay.

"Teka naman huwag yung kapatid ko, kahit na lagi kaming nag-aaway nun mahal na mahal ko yun" napatingin ako kay Akeisha at nagpipigil ito ng luha kaya nilapitan siya ni Elissa para yakapin at i-comfort.

Argh masyado nanaman akong ginugulo ng isip ko.

"Tch. This is setup, nakita ko kase si Ally na may hawak na papel kanina then after niyang basahin yon tumayo na siya kaya pinigilan ko siyang lumabas at ginamit ng suspect na pain si Jace dahil malapit sa kan'ya si Ally" seryosong sabi ni Zach at inabot ko sa kan'ya ang papel na napulot namin kanina ni Gio.

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon