Chapter 3

38 14 4
                                    

Chapter 3: Welcome to Terrent Village


Jace's POV

Hindi niyo maitatanong eh ako lang naman si Jace ang pinakagwapo saming magtotropa. Hindi niyo din maitatanong na ang kukupad ng kasama ko ngayon.

Nilingon ko ang mga kasama ko na ang kukupad sa paglalakad. Hays wala ba silang balak bilisan lakad nila? Inaantok nako at gusto ko ng matulog. Pero napansin ko na parang may sumusunod sa amin.

May anino akong nakikita at mabilis itong kumilos. Pfft may ninja kaya dito? Aish bahala na baka mamaya namamalikmata lang ako dahil sa antok ko.

"Woy teka lang insan hintayin mo naman kami, parang wala kang kasama dito eh" tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko si Akeisha na nakakunot nanaman ang noo. Lagi nalang nagmamaldita yan.

"Tch ang onti nga ng dala mo kumpara sa dala kong mga gamit eh" talaga naman eh backpack lang dala niya tas ang kupad niya pa maglakad.

"So? Anong konek?" nakakunot parin ang noo nito at halata sa boses niya na naiinis na siya saken hays anong so? so? ka diyan?

"Tignan mo kaya mga dala kong gamit" pinakita ko pa sa kanya ang dalawang maleta na hawak ko pati na rin ang backpack sa likod ko. "Ang dami kong dala pero ambilis ko kumilos samantalang ikaw yan na nga lang dala mo ang kupad ko pa kumilos dinaig mo pa pagong sa sobrang slow mo eh" nagpoker face nalang siya dahil siguro wala na siyang pasabi pfft. Yan kase eh hilig kumuda.

"Uhh di paba kayo lalakad? Iiwan na namin kayong dalawa diyan" nilingon namin si Ally at medyo malayo na sila sa kinaroroonan namin. Si Akeisha naman kase eh ang daldal napag iwanan na tulog kami.

Dali dali namang naglakad si Akeisha kaya sumunod na rin ako. Lumingon pako sa likod ko dahil may narinig akong kaluskos pero nung humarap ako dito eh wala naman akong nakita. Hays nvm baka naman pusa lang yon or ibang wild animals.

Napahikab nalang ako dahil sa antok. Malayo paba kami? Inaantok na talaga ako eh.

"We're here" napatigil nalang ako sa paglalakad nung magsalita si Zach at tama nga siya andito na nga kami.

Nilingon ko ang malaking gate kung saan makikita mo ang mga nag-gagandahang mga bahay nito sa loob. Honestly di ganito yung ine-expect kong makita ko. Nakakamangha lang na sa kalagitnaan nitong kadiliman eh may tinatago din pala itong ganda.

Ang mga bahay ay gawa sa bato at kahoy. Parang pinaghalong moderno at makalumang disenyo ang makikita mo sa mga bahay na nandito. Pero pinagtataka ko lang na may streetlights dito pero hindi naman ito umiilaw.

May nakatira kaya dito o abandunado na 'tong mga bahay na naririto?

Muntik nako mapasigaw dahil may biglang kumapit sa braso ko, si Ally lang pala "Hmm insan n-nakakatakot naman dito, baka m-mamaya m-may multo d-dito ahh" nanginginig ang boses niya kaya halatang natatakot ito "Shhh wag ka matakot insan andito naman kaming lahat eh tsaka sama sama tayo dito kaya wala kang dapat ikatakot" hinigpitan ko pa ang paghawak sa kamay nito at nginitian siya para di na siya matakot.

Hindi nyo nga pala maitatanong eh mabait tong si Ally, magkapatid din sila ni Akeisha. Di ko nga alam kung bat niya naging kapatid ying malditang yon eh samantalang si Ally ang bait bait.

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon