Chapter 7

19 8 0
                                    

Chapter 7: Jessa meets Gio

Jessa's POV

Isang linggo na kami namamalagi dito sa village. Apat na araw na din ang nakalipas mula nung nangyari nung gabing iyon kung saan may napatay akong tao huhuhu. Presko parin sa isip ko yung nangyaring iyon, gusto ko na ito makalimutan pero pati sa panaginip ko sinusundan ako nito hays.

Siguro kung hindi lang kami na-flatan ng gulong at napadpad dito sa Terrent Village siguro nasa Baguio kami ngayon at makakatikim na den ako ng strawberry taho don argh. Ang sabi kase ni Fynn tatlong linggo daw kami mag-i-stay sa Baguio para daw sakto sa birthday ko.

Siguro naman makaka-alis na kami dito noh? Ayaw ko kase mag-celebrate ng birthday ko dito. Ikaw ba gusto mo ba mag-birthday dito? Diba syempre ayaw mo din.

Hanggang ngayon pala ay di ko maalala yung pinag-usapan namin ni Nanay Flora. May pinag-usapan ba talaga kami? Baka panaginip ko lang yung nag-usap kami non? Pero imposible kase nung nagising ako non lasa ko pa sa bibig yung juice na pinainom sa akin ni Nanay Flora eh kaya imposibleng panaginip yon.

"Girl matagal kapa ba diyan? Akala ko ba half bath kalang eh bat parang inabot kana ng half our diyan? Ganon naba ang half bath ngayon?" alam kong si Elissa yan. Kumatok pa ito sa may pintuan.

Hays ano ba yan oo nga pala half bath lang gagawin ko ngayon pero huli na dahil basang basa na ang buhok ko.

"Sandali lang Elissa, lalabas na din ako!" sigaw ko, baka kase hindi niya marinig.

Bat ba kase ako nag-ooverthink? Pati tuloy paliligo ko naistorbo. Kung di lang siguro dumating si Elissa baka bukas nako makalabas dito sa banyo.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paliligo na dapat half bath lang hays. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis narin ako.

***

Pagkababa ko ay nagulat nalang ako sa nadatnan ko kaya hindi ko naiwasang hindi magtanong.

"Anong meron?" tanong ko. Andami kase nilang niluluto eh tapos mukhang busy pa sila. Nandito den si Nanay Flora na tumutulong sa kanila sa pagluluto samantalang si Brian katulong yung ibang lalaki sa pagdedekorasyon nitong bahay.

"Hello? Hehehe anong meron" tanong ko ulit baka kase di nila ako narinig eh kase ba naman nagpatuloy parin sila sa ginagawa nila.

Nilapitan ko si Ally na kasama ni Nanay Flora na naghihiwa ng mga gulay at karne. Kinulbit ko pa si Ally para makuha ang atensyon niya.

"Anong meron ngayon bat mukhang busy kayong lahat?"

"Kaarawan ngayon ng apo ko Jessa" si Nanay Flora ang sumagot. Ahh kaya pala pero bat parang di ko alam tapos parang lahat sila alam nila. Edi birthday ni Brian ngayon?

"Yan kase tulog ka ng tulog di kana namin inabala kahapon at mukhang ang himbing ng tulog mo" si Ally ang sumagot. Hehehe naalala ko na like buong maghapon akong tulog kahapon eh wala naman akong ginawa na ikinapagod ko.

(A/N: tanda niyo yung pinainom siya ng juice na may gamot para makalimot ng panandalian? Yung pagiging pagod niya at antukin ay isa sa side effects non it means may maalala na siya paunti-unti)

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon